Will Jericho Rosales and Kristine Hermosa thrive as reel and real love team again?

Jericho Rosales laughs off comments that Kristine Hermosa (inset) is still in love with him: "Comfortable lang kami sa isa't isa. Matagal din ang pinagsamahan namin. Ganun talaga si Tin, a bubbly, touchy person, makulit lang talaga."


Sa nakaraang interview kina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa SNN: Showbiz News Ngayon para i-promote ang teleseryeng pagtatambalan nila pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay bilang love team, ang Dahil May Isang Ikaw, nagbigay ng opinion on air si Kris Aquino na kung pagbabasehan daw ay ang mga kilos, mga ngiti at paghampas-hampas ni Kristine sa balikat ng actor, ay naniniwala siyang may espesyal pang nararamdaman ang aktres para sa ex-boyfriend.

Aminado namang first love niya si Echo at isang taon din ang binilang bago siya naka-move on sa kanilang breakup. Sa kabila ng pagkakaroon na ng kani-kanilang buhay sa ngayon ay di maiiwasang umasa pa rin ang mga tagahanga ng dalawa na baka sa bandang huli ay sila pa rin ang magkatuluyan.

"Dun sa isyu na baka may feelings pa sa akin si Kristine, baka comfortable lang kami sa isa't isa. Matagal din ang pinagsamahan namin. I think ganun naman talaga si Tin, bubbly, touchy person, makulit lang talaga. I don't want to think about those things, ayokong magsabi ng salita tungkol diyan. Ayokong mag-isip ng ganyan coz ganun lang naman talaga si Krsitine.

"Saka ako kasi, pag alam kong may commitment ang isang tao, di na ako nakikialam. Siyempre, I respect the person and I'm here as a friend. Kung may importante man akong gustong gawin o balikan, it's more on the trabaho part. Ayokong paghaluin ang trabaho sa personal."

EXCITING CAST. Bukas naman sa papuri si Jericho para sa kapareha. He even expressed his excitement dahil bukod sa aktres ay makakasama niya rin sa Dahil May Isang Ikaw sina Karylle, Sid Lucero, at ang mahuhusay at dekalibreng artista tulad nina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Chin-Chin Gutierrez at ang nakabanggaan before na si John Estrada kung saan involved ang ex-girlfriend na si Heart Evangelista. Para kay Jericho, sana raw ay huwag nang ungkatin o paguluhin pa ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kristine is still the same, bubbly, medyo takot gawin ang mga bagay-bagay, reluctant, but she has matured a lot. Excited ako to work with her, tapos may plus pa, big bonus na makakatrabaho ko sina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, I'll be working with him for the first time. I'll be working with Karylle as well, si Sid who is a good actor, and Direk Jerry Sineneng is our director, so it's such a blessing.

REGARDING JOHN. "We're okey now, tapos na yun. I don't think it's appropriate to open that issue again coz past is past. I extended my hand, ganun din siya, it means we're embracing peace. It means, hey bro, peace na tayo. Parang ganun yun and whatever it is, nakaraan na yun, di na kailangang ungkatin at balik-balikan."

Di niya itinago ang pagkakaroon ng anak na pinangalanan niyang Santino. Tulad ni Piolo ay ayaw rin ni Jericho na papasukin sa show business ang anak niya. Gusto niya itong maging isang Olympian.

"Ayoko siyang mahirapan, ayoko siyang maikumpara sa akin dahil mas guwapo siya sa akin. But kidding aside, I want him to have a normal childhood. Bata pa siya, eight years old pa lang, I want him to be an Olympian, but hinahanap pa namin talaga yung tamang sports para sa kanya. Yung tamang sports na yun, kung ano ang magustuhan niya, yun ang kalalakihan niyang sports."

HUMBLE ROOTS. Twelve years na siya sa showbiz and Jericho has never denied naman that he came from humble beginnings, katulad ng iba din nating mga artista.

"I think a lot of people knew about it naman, ang di lang nila alam ay yung ibang mga bagay. Yung eskuwelahan namin sa elementary na naglalakad kami ng 2-3 kilometro papunta at pabalik sa eskuwelahan. Natuto akong magpalay, magbukid, magtinda ng isda, gumawa ng ice candy, magtinda ng ice buko, makipagpustahan sa basketball, maging pizza boy, maging driver. Gusto kong sabihin na masaya ako ngayon kasi lahat ng pinagdaanan ko made me a better and stronger person. Na walang imposible pag nagsikap at nagtiyaga ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN