Katrina Halili bares all about sexy video in emotional interview with Startalk: "Ako po yun."

Katrina Halili said she didn't know that then boyfriend Dr. Hayden Kho (inset) was videotaping their encounters two years ago. If she happens to see her ex today, Katrina said: "Baka masapak ko siya!"


Naging emosyonal at napahagulgol sa pag-iyak si Katrina Halili sa interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, May 16, kung saan inihayag niya ang tunay niyang damdamin sa paglabas sa isang website—hindi ang Philippine Entertainment Portal— ng controversial sexy video nila ni Dr. Hayden Kho.

Biyernes, May 8, nang lumabas sa website ang naturang video nina Katrina at Hayden. Sa video ay makikita si Hayden na kumakanta habang sinasabayan ng pagsayaw ni Katrina. Kung si Hayden ay todo-iwas sa pagsagot ukol sa video, si Katrina naman ay nag-ipon ng lakas ng loob upang sagutin at harapin ang isyu.

"Ako po iyon. Two years ago nangyari yan. Yun yung time na kami po ni Dok Hayden," pag-amin ni Katrina sa Startalk. "May time po kasi na nagbi-video kami katulad po nung nag-rehearse kaming dalawa (para sa number nila sa Celebrity Duets kung saan naging contestant si Hayden). Tapos yung friend ko yung nag-video nun. Pero yun lang, yung mga ganun. Pero hindi ko alam na nagbi-video-video po siya (Hayden). Hindi ko alam na every time na nagkikita kami, may mga naka-set up pala na mga camera. Hindi ko alam."

"SOBRANG KAHIHIYAN." May mga nagsasabi na hindi maituturing na nakakaalarma ang laman ng nasabing video. Sa una ngang interview kay Katrina, tila proud pa ang sexy actress sa magandang pangangatawan niya sa video.

As a matter of fact, ilan sa mga sinabi ni Katrina sa Startalk ay sinabi na niya sa March issue ng YES! (the magazine affiliate of PEP). Nagdagdag lang siya ng saloobin tungkol sa video at ilang lumabas na balita tungkol dito.

"Meron din akong interview na sinasabing ang proud-proud ko sa video na ang seksi-seksi ko dun. Alam n'yo po, yung video na yun pag tinignan n'yo sumasayaw. Oo, apektado ako. Pero ano pa ang gustong makita ng ibang tao sa akin? Pakamatay na ako sa sobrang kahihiyan. Hindi na ako makalabas ng bahay. Saksakin ko na ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag sa mga nangyayari, di ba?" umiiyak na pahayag ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't hindi tinukoy ng website ang source ng nasabing video, may suspetsa naman si Katrina kung sino ang nag-upload nito.

"Ang may hawak ng video tatlong tao lang yata. Ayoko na pong isa-isahin. Tatlo o apat na tao. Apat na tao lang yung merong alam ng video na yun, o tatlo. Kung sino man yung apat na yun, hindi ko po alam. Siguro, basta ayoko na lang magbanggit. Kasi ayokong manira ng buhay," pagsisiwalat pa ni Katrina.

"STAY AWAY FROM PRESS." Bagama't wala na silang komunikasyon ni Hayden, may isang pagkakataon daw na nagpaabot ito ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng isang kaibigan.

"Basta nung lumabas ang video, sinabi niya sa kaibigan ko, everything is under control. Di ba, parang wala nang lalabas. The next day sasabihin niya, videos are out, stay away from the press. Ano ito, di ba? Anong gusto niyang gawin? Durugin na ako nang buong-buo. Durugin na ako ng kahihiyan na hindi ko ipinagtatanggol ang sarili ko. Ang tingin sa akin ng lahat ng tao ang sama-sama ko," emosyonal pang sabi ni Katrina.

Sa ngayon ay hindi pa maipaliwanag ni Katrina ang sakit na nararamdaman. Tila naghalu-halo na raw ang emosyong nararamdaman niya.

"Madami e, ang hirap namang isa-isahin. Galit, siyempre. Tapos, bakit ganun? Ang tagal-tagal na nun, di ba?" at napahagulgol sa pag-iyak si Katrina. "Tapos kung anuman yung kasalanan ko, hinarap ko naman. Hindi naman lahat ng tao kayang harapin yung mga kasalanan na ginagawa nila, at saka aminin yung kasalanan nila. Pero hindi ko naman sinisisi lahat dahil alam ko may kasalanan din ako. Pero di ba, umamin naman ako? Hiningi ko naman ng tawad yung kasalanan ko. Bakit sila ganun?"

"APEKTADO ANG PAMILYA." "Ngayon hindi po kami nag-uusap muna ng nanay ko, ng kapatid ko, wala. Tatay ko lang po ang kinakausap ko ngayon. Siyempre, naapektuhan na po sila, di ba? Sino bang matinong magulang ang matutuwa sa mga nangyayari, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay naghahanda na ang aktres sa kanyang susunod na hakbang. "Hindi ako aware kung ano pang mga video yung lalabas. Kasi hindi ko nga po alam, kasi hidden cam nga po iyon, di ba? Kung meron pa silang ilalabas na masama, e, di magkita-kita na lang po kami sa korte," buwelta ni Katrina.

"Siguro naman puwede naman po akong lumaban sa kanila, di ba? Kasi sobra din naman nila akong dinudurog, di ba? Pero kung may isa pa, sabi ko po sa inyo, kahit mawalan ako ng trabaho, wala akong pakialam. Lalaban po ako sa kanila. Sana ano, matapos na lahat. Maayos na lahat. Yung mabalik na yung trabaho ko. Maayos na yung pamilya ko. Tama na. Kasi po, durog na durog na po ako, e. Kasi ayoko na."

"WALA NANG TRABAHO." Dahil sa iba't ibang intrigang kinakaharap niya na mas pinatindi pa ng video scandal issue, minsan na rin daw sumagi sa isip niya na iwan na ang showbiz.

"Pag ayaw na sa akin ng trabaho ko, uuwi na po ako sa probinsya ko. Dun na lang po ako, di ba? Ako nandito lang ako kasi gusto pa ng tao sa akin. Ngayon, siguro kung wala pa akong trabaho ng apat na buwan, uuwi na ako. At hindi yun parusa sa akin. Gustung-gusto ko nang manahimik na ako."

Habang tila bumabalik na sa normal ang lahat para kina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na ilang ulit nang namataan na magkasama, si Katrina naman ay patuloy pa ring hinuhusgahan. Hangad na rin sana niyang kalimutan na ang masakit na karanansan. At higit sa lahat, maibalik ang respeto sa kanya bilang babae.

"Babae rin naman po siya [Vicki], di ba?" at muling napaiyak na naman si Katrina. "Ayoko nang magpaliwanag. Siguro po kung makasalubong ko si Dok Hayden, baka masapak ko siya. Siyempre, kahit papaano, pinasok ko yung relasyon na iyon. Kahit papaano may respeto ako sa kanya. Sana siya, kahit papaano, may respeto siya sa akin. Alam mo yun, kahit hindi na lang yung respeto na iniisip mo. Kahit yung respeto na lang bilang tao. Tama nga yung sinabi niya, for fun, di ba? Yun naman yung sinabi niya sa akin, di ba? O ngayon po, nalaman na puro nga for fun. Oo, sige, tanga ako. Sabihin ng mga tao, tanga nga, di ba? Sorry, tao lang po ako, nagkakamali ako. Sabihin n'yong tanga ako, tanga na nga, di ba?" patuloy sa paghagulgol si Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"MAHALAGANG LEKSYON." Hindi man mabawi kaagad ni Katrina ang respetong hinihingi niya, tinitiyak naman niyang natutunan na niya ang isang mahalagang leksyon. At hindi na niya uulitin pa ang nagawang pagkakamali sa pag-ibig.

"May mga trials talaga tayong pinagdadaanan, di ba? Eto na, siguro eto na yung pinakamalaking trial sa buhay ko na dapat kong harapin. Sa mga tao na lang po na nagmamahal sa akin, sa lahat, kung ano po yung nagawa ko, pinagsisihan ko na po yun. Pinagbabayaran ko na po. Natuto na po ako. Pinipilit ko na pong kalimutan kung ano po yung nangyari noon. Sorry po kung... Sorry po kung ganito po yung mga nangyayari," umiiyak pa ring pagwawakas ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN