Carmina Villarroel sees fellow fashionista in BB Gandanghari

Carmina Villarroel can now talk about BB Gandanghari (inset), the erstwhile Rustom Padilla, her former husband. "Pareho kaming maganda!" the actress laughed.


Marami ang hindi umaasa na magiging kumportable si Carmina Villarroel na sagutin ang mga tanong tungkol kay BB Gandanghari. Pero naganap ang pagkakataong ito sa launch ng bagong fashion collection ng Ensemble by Debbie Co sa The Row, Glorietta 5 sa Makati City last May 15.

Before kasi ay tahimik lang si Mina tungkol sa naging pagbabago ng pagkatao ng kanyang ex-husband na si Rustom Padilla. Ngayon ay puwede na raw niyang pag-usapan ito since parte na raw iyon ng nakaraan sa buhay niya.

Though maiigsi lang ang mga sagot ni Mina, enough na iyon para malaman ng lahat na she can now talk about BB nang walang hesitation. Maganda ngang gesture ito coming from Mina na nakilala na sa pag-iwas sa anumang issues na kinasasangkutan niya.

May nagtanong nga kay Mina kung nagagandahan ba siya kay BB? Marami kasi ang nagsasabing magkahawig daw sila. Ngumiti lang si Mina at sinabing hindi naman pangit si BB. Agree siya na maganda ito at okey lang daw na ipagkumpara sila.

"It only means na pareho kaming maganda, di ba?" sabay tawa niya.

YET TO MEET. Never pa nga raw na nagkasalubong sa mga showbiz events or sa GMA-7 studios sila Mina at BB. But in case na aksidenteng magkasalubong sila, babatiin naman daw niya ito.

"Okey lang na batiin ko siya. I see no problem with that. I will introduce myself to BB. Hindi ba nga, sinabi niya before na hindi pa kami magkakilala? So okey lang na ako ang magpakilala sa kanya," ngiti ulit ni Mina.

Si Mina ang napiling celebrity endorser ng clothing brand na Ensemble by Debbie Co. Tinanong si Mina kung may fashion advice ba siya sa pananamit ni BB since fashionista rin ito na tulad niya.

"Why not? Pareho pala kaming mahilig sa fashion ni BB. Okey siyang magdamit. Bagay sa height niya. Kung hingan niya ako ng advice regarding sa mga damit, willing naman akong mag-share sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITY ENDORSER. Sa naging launch ng bagong collection ng Ensemble, pinagmamalaki ni Mina na gustung-gusto niya ang mga bagong styles and designs ng nabanggit na clothing brand. Lalo na ang mga designs ni Debbie Co na exclusive for Ensemble.

Isa nga ang Ensemble sa iilang local brands na may mga affordable suit sets and smart dresses. Mula sa finest raw materials tulad ng voile, charmeuse, silk, chiffon, jersey knits, stretch poplin and twill ay unique ang kanilang mga embellishments like pleating, ruffles, unique collar and sleeves treatment. Each piece nga ay gawa with quality craftsmanship and artistry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN