Nadine Samonte will soon star in SRO Presents...Suspetsa

If her showbiz career doesn't work out as planned, Nadine Samonte is thinking about migrating to Germany where her grandparents are living. The young actress will be joined by Jennylyn Mercado and Yasmien Kurdi in SRO Presents... Suspetsa.



Apat o limang product endorsements na ang nasa pangalan ni Nadine Samonte, at ang latest na karagdagan ay ang Fragrance of the Stars, isang brand ng pabango. Ang kapalit daw ng endorsement ni Nadine ay isang franchise store bilang talent fee.

"Yun ang napag-usapan, ewan ko roon sa ibang models," sabi pa ni Nadine. "Hindi ko alam ang deal ng iba, pero ganoon ang deal ko. Gusto ko lang kasing mag-start ng isang business, which is selling this product.

"Bale ito ang magiging first business ko. Hinahayaan ko na sila kung saan ang location ng store na pinaplano nila for me. Kung saan matao, e, hindi pa ako masyadong marunong sa ganyang business."

May condo pang binabayaran si Nadine sa may Ortigas. Bukod pa ito sa bahay na naipatayo na niya.

"Steady lang na ganito, kahit paano, may income," nasabi na lang ng aktres.

SUSPETSA. Nakatakdang gawin ni Nadine ang SRO Presents... Suspetsa para sa GMA-7. Suspense-thriller ito na may pagka-horror ang dating.

"Natakot nga ako nang binasa ko yung script," sabi ni Nadine. "Script pa lang yun, ha! Parang yung I Know What You Did Last Summer. May phone calls na nananakot. It will be with Jennylyn [Mercado] and Yasmien [Kurdi].

"Para ngang reunion ng first batch ng Starstruck. First time na pagsasamahin kaming tatlo. Excited, kasi, iba talaga yung role ko. Dito kasi, iyakin ako na mahina ang personality. Nakadepende ako roon sa dalawa, 'tapos, sa katagalan, nabaliw ako.

"Parang mapapangasawa ko rito, si Paolo Contis who plays my psychiatrist. 'Tapos, gagaling din ako, to become a stronger person. Iba-ibang atake," kuwento pa ng dalaga.

Inaapi-api raw si Jen sa takbo ng istorya ng "Suspetsa" samantalang si Yasmien ang matapang. May patalbugan kayang maganap?

"Hindi naman siguro patalbugan," aniya. "Iba-iba naman ang character namin. Iba-ibang atake. Mahirap sabihing makikipag-compete ako sa kanila. Nakikipagpatalbugan lang ako sa sarili ko.

"Naku, sila na lang! Iba-iba naman kami ng roles. Tinatalbugan ko lang ang sarili ko. Best of friends pa kaming tatlo," dugtong niya.

Pero, in real life daw, hindi talaga sila magkakaibigan. Natawa na lang si Nadine.

"Hindi lang talaga kami close friends. Alam mo yun. Wala pa ngang taping, ganyan na," napapailing si Nadine.

"Nagkasama kasi kami ni Jen nang matagal. Si Yas, hindi pa. Nagkasama kami, but not enough para maging close.

"Kay Jen ako nagsasabi ng sikreto especially noong magkatrabaho kami sa Super Twins. Sa kanya ako nagtatanong. Hindi ko nakasama nang matagal si Yasmien. Totoo naman, e," natawa na lang si Nadine.

Kasama rin pala rito sina Victor Aliwalas, Ryan Eigenmann at Baron Geisler. Walang idea si Nadine tungkol sa billing.

"Pantay-pantay naman ang sa istorya, pero siyempre, sila yung top winners ng Starstruck noon, kaya dapat lang na mauna sila sa akin. Ganoon lang yun," sabi pa ni Nadine.

Iba-iba raw sila ng characters at walang aangat sa kung sino, depende na lang kung ano ang kalalabasan ng performances nila.

"Wala namang follow-up sa akin for a primetime teleserye," sabi na lang ni Nadine. "Hindi ako nawawalan ng trabaho, kaya nagpapasalamat din ako sa GMA-7. Wala akong inirereklamo.

"Wala lang sinasabi sa akin, at ang feeling ko, para sa mga bagong show, may mga naka-line up na talaga. Doon sana sa Darna, maging Valentina ako, kung gagawin na ganoon, buong puso kong tatanggapin, with open arms. Yun ay kung sa akin ibibigay.

"Gusto kong maging kontrabida. Mas iba. Mas challenging," dugtong niya.


MIGRATING TO GERMANY? Gusto na raw siyang papuntahin ng grandparents niya sa Germany pero baka next year pa raw ito. Ngayon pa lang, nag-aaral na ng German language si Nadine.

"If ever, gusto ko ring mag-seminar dito ng photography," banggit ng young actress. "'Tapos, baka roon na ako mag-aral.

"Kung wala na akong project, ang iniisip ko, at least, may fallback ako. Nasa level pa lang ako ng German language. Makakasulat at makakasalita na ako siguro ng basic words. Isang tanong, isang sagot.

"Naka-level or stage 3 na kami ng mommy ko. May something kasi, na puwede na kaming tumira sa Germany, anytime. Hindi ko pa alam kung magma-migrate ako, pero if ever na mawalan ako ng trabaho rito, aalis na lang talaga ako at pupunta na lang sa Germany.

"Tapusin ko muna yung seminar sa photography. Para sa pagpunta ko roon, may konti na akong alam. Mag-aaral na ako roon.

"So far, maayos pa rin naman ang career ko. Pero, tipo kasing hindi pa ako nabibigyan ng chance para makapagbida man lang sa isang soap na for me lang talaga kaya nag-iisip-isip na rin ako. Nagpapakasegurista lang naman ako," pagwawakas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN