Mark Bautista saddened by death of US-based fan

Last March, Mark Bautista joined Sarah Geronimo's U.S. concert tour in 13 cities.


Isang email address galing sa fans club ni Mark Bautista ang ipinadala sa amin kamakailan. Dito ay ikinuwento kung paano binawian ng buhay ang isang fan ng singer noong March 28 nang hindi ito pinapasok, kasama ang pamilya niya, sa Fox Theater in Redwood Conventional Hall, California. Ito ang isa sa mga venues ng U.S. tour nina Mark and Sarah Geronimo.

Ang fan ay kinilalang si Amee G, isang American na matagal nang iniidolo si Mark. At ayon pa sa kuwento, isa itong special child at may sakit na congenital heart disease. Base rin sa email, bukod sa hindi pinapasok sa venue ay pinagsabihan rin daw na retarded si Amee na naging dahilan umano para sumama ang loob at atakehin ito sa puso.

Last Sunday, May 17, sa ASAP '09 ay nakakuwentuhan namin si Mark tungkol sa nangyari at nagpahayag ng kalungkutan ang singer sa sinapit ni Amee.

"Actually, nangyari 'yan nung nagkaroon kami ng tour. Yung two months [na] tour namin nila Sarah. Sinabi sa akin nung mga fans. Ang kuwento sa akin, medyo na-late sila sa venue, mga 20 minutes siguro. Di sila pinapasok nung guard, 'tapos may sinabi pa yatang di maganda, na-disappoint sila, especially Amee. Baka ang iniisip ng mga guards na magwala o something kasi nga special child si Amee."

Ayon pa kay Mark, after sa Fox Theater ay may kasunod silang concert na sa Reno, Nevada, kung saan susunod sana ang pamilya ni Amee pero hindi na ito nagawa dahil may nangyari na ngang masama sa kanya.

Kuwento ni Mark, "Next concert namin is Reno, just three hours drive from San Francisco. Pinakiusapan ng ibang fans na baka yung tickets na yun, dalhin na lang sa Reno at i-acknowledge. Pumayag naman pero, nung nag-Reno concert na, di na sila nakarating kasi na-ospital na nga raw si Amee, inatake sa puso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman na lang ni Mark na wala na si Amee noong San Diego concert nila last April 24.

Sa pagpapatuloy ng singer-actor, "After a week ko pa nalaman. Nung sinabi sa akin, nasa San Diego na kami. Sabi nila, namatay na nga raw. Isang medley ng songs ang dinedicate ko sa kanya. Kinuwento ko yung story, kinunan ako ng video ng mga fans, sa funeral daw ipapalabas.

"Sabi ko nga, sayang at di ko man lang siya nakita. Excited ako kasi first time sa akin mangyari na Puti naman siya. Wala siyang Pinoy blood 'tapos nagustuhan niya yung mga songs ko. Ang sarap nung feeling na alam mong in your own little way, nakakapagpasaya ka ng tao o nakakapagpabago ka ng buhay ng isang tao, na naa-appreciate ka. Ang sarap nung feeling nun! Kaya nakakalungkot na ganun ang nangyari..."

Heto naman ang mensahe ni Mark para sa pamilya ni Amee:

"I'm really, really sorry on what happened. I'm sure she's happy now with the Lord. I just wish the family more blessings and I hope to meet them someday."


At para naman sa mga taong nanlait at nanakit sa damdamin nito na naging dahilan para bawian ito ng buhay, ang sabi ng binata ay:

"Nakakalungkot na may mga ganung klase ng tao pala. Di ko inisip na kaya nilang gawin yun lalo na sa mga gaya ni Amee. Bahala na si Lord sa kanila. Sana pantay-panaty ang tingin natin sa mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN