Dingdong Dantes shows his tattoo bearing the letters MGD


Dingdong Dantes showed a tattoo on his right ankle bearing the letters MGD but he refused to say what the letters stand for.




Galing ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ni Sharon Cuneta sa Santan Room ng EDSA Shangri-La nang makita si Dingdong Dantes na kausap si Ogie Diaz. Nakisali na rin ang PEP sa usapan ng dalawa at nalamang magwu-workout si Dingdong sa gym ng nasabing hotel.

Naka-puruntong shorts, polo, flip-flops at naka-cap si Dingdong, pero pinagtinginan pa rin siya ng tao. Sabi ng actor, hindi pa siya masyadong magaling sa flu, pero kailangan niyang mag-work out bilang paghahanda sa taping ng Stairway to Heaven na sa tantiya niya ay last week ng July magsisimula.

May director at leading lady na ba siya?

"Ang alam ko may napili nang director, pero ayaw pa yatang ipaalam. Sa leading lady, wala pa rin akong alam. Ipinakita sa akin ang short list ng pinagpipilian at okay naman silang lahat, ang management pa rin ang pipili at magde-decide. Sa akin, welcome kahit sino ang ipareha sa akin at alam ko namang babagay sa character ni Jodi," sagot ni Dingdong.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Dingdong kung sino ang mga kasali sa short list na ipinakita sa kanya, basta lahat ay magagaling. Hindi pa rin daw sigurado ang controversial actress na sabi'y siyang makaka-pareha niya. Maghintay na lang daw tayo sa announcement.

Samantala, pinag-react ng PEP si Dingdong sa sinabi ni Marian Rivera sa anniversary show ni John Lapus na ang pangalan ng boyfriend niya ay Jose Sixto Dantes III, na real name niya. Nang tanungin ang actress after the show, kasama raw sa spiel ang kanyang sagot, pero nalamang wala sa spiel na babanggitin niya ang real and full name ni Dingdong.

"Napanood ko nga, siya na lang ang tanungin ninyo. Manonood sana ako sa Teatrino, kaso may sakit ako ilang araw na."

Kailan sila huling nagkita ni Marian?

"Kagabi [Sunday, May 17], nag-dinner kami. Okey naman, kahit wala kaming show ngayon, nagkikita pa rin kami."

Inusisa na rin ng PEP si Dingdong kung totoong nagpa-tattoo siya ng pangalan ni Marian at sa hita pa raw niya. Totoo ba ito?

"Basta, akin na lang yun," reaction nito sabay ang pagba-blush. Nang kantyawan ng PEP na nag-blush siya, lalo pang namula ang pisngi nito. Ni-remind ng PEP ang actor na ngayon lang uli siya nakikitang nagba-blush na para bang ngayon lang na-in-love at first love pa.

"Ganun? Hahaha!"

Nangulit ang PEP na gustong makita ang controversial tattoo at no choice si Dingdong kundi ipakita yun. Biglang umikot ang aktor at ipinakita ang right leg at sa likod noon, malapit sa ankle ang tattoo ng maliliit na letters ng mgd.

"Alibata 'yan," paliwanag ni Dingdong na hindi pinaniwalaan ng PEP dahil kitang-kitang MGD ang naka-tattoo. Ayon sa writer na ito, ang MG ay Marian Gracia na real name ng favorite leading lady niya, pero ang letter D ay hindi alam ng PEP. Kaya tinanong uli ng PEP si Dingdong kung ang D ay Dantes ang ibig sabihin, pero tumawa lang with matching pagba-blush uli.

Akala ba namin sa hita naka-tattoo ang name ni Marian, pangungulit ng PEP na hindi na sinagot ni Dingdong. Hindi kaya dalawa ang tattoo ng letters MGD sa katawan ni Dingdong at yung sa right leg lang niya ang ipinapakita para tantanan siya ng press?

Para makaiwas sa sunud-sunod na pagtatanong ng PEP, nagpaalam na si Dingdong at time na raw para sa kanyang workout.

Maghanda si Dingdong sa susunod na ma-interview siya ng PEP dahil pakikialaman nang husto ang nasabing tattoo. Ang ganda ng puwesto ng tattoo dahil hindi pansinin kundi niya ipapakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN