Jake Cuenca says he's not the kind to snub a fan

Jake Cuenca is very much aware that he owes what he has now to his supporters. So, when he heard about the rumor claiming he said no to a fan wanting to have a photo op with him, he dismmissed it, saying, "Di talaga ako ganun."


Sino ang mas magaling at mabait—Jake Cuenca o Gerald Anderson?

Sa Tayong Dalawa, kung saan napapanood ang dalawa, hindi maiwasang pagkumparahin sina Jake at Gerald sa maraming bagay—tulad ng pag-arte, pakikisama sa mga katrabaho, at pakikitungo sa mga fans.

Sa huli, sinasabi ng ilan na mas accommodating daw ang Pinoy Big Brother Teen Edition alumnus kaysa kay Jake, na mahirap daw lapitan at sapilitan pa bago pumayag na magpa-picture.

Isang bagay na agad namang klinaro ni Jake nang maka-usap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News Weekend Edition noong nakaraang Linggo, ika-16 ng Mayo, sa ASAP '09.

Ang paliwang ng 21-year-old actor, "Actually someone told me about it. Ako, personally when it comes to fans, when it comes to people who know and support me, ang laki-laking bagay para sa akin...I think three to four years ago, 'pag pupunta ako ng mall, walang nakakakilala sa akin, 'tapos may nakikita akong ibang artistang pinagkakaguluhan. Ang sinabi ko sa sarili ko, sana isang araw, mangyari sa akin yun. Kaya for me, fans are really important, kaya I really appreciate them.

"Di ko alam kung nangyari 'yang instance na 'yan but you can ask whoever I'm with, di ako nangde-dedma. Di ako ma-dedmang tao. Actually, I was very touchy, ganun akong tao. Mahal na mahal ko ang mga supporters ko, mahal na mahal ko ang supporters ng shows ko kaya wala akong maisip na nangyari yun."

Nang makarating nga raw kay Jake ang kuwento, hindi raw niya ito masyadong pinansin dahil sigurado raw siya sa sarili niyang wala siyang fan na di pinagbigyan sa simple nitong kahilingan na magpa-picture sa kanya.

"When I heard about it, I did not dwell too much into it kasi parang di naman talaga ako yun eh. Di ko kailangang i-defend ang sarili ko dahil di talaga ako ganun," ang sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw nakakaapekto sa pagkakaibigan nila ni Gerald ang pagkukumpara ng mga tao.

Aniya, "Like what I've said before, mula sa simula pa lang ng show, Gerald is like a brother to me. Yung friendship namin ni Gerald mas nag-blossom into brotherhood. Ako, I don't compete with anyone, I don't compare myself to anyone o kahit na kanino pa.

"I think the reason for me doing a good job, doing the stuff that I'm doing is, di ko tinitingnan yung ginagawa ng iba. I just really focus on what I have to do. Like what I said in my recent interviews, the key to success of Tayong Dalawa is teamwork.

"Di kami nagsasapawan, we help each other to do the scene, and we practice give-and-take in the set. Di puwedeng isang artista lang ang bigay na bigay na bigay."

Sa suportang ibinibigay ng mga manonood sa naturang soap, nag-uumapaw sa pasasalamat si Jake..

"I'm very, very blessed with everything that's happening in my life. Talagang lahat ng pinaghihirapan namin sa set, lahat ng effort namin, talagang bumabalik sa amin. Masayang-masaya kami sa suporta na 'binigay ng mga tao, sa lahat ng mga fans ng show.

"We are truly blessed for this kind of opportunity that was given to us. Yung opportunity ng Tayong Dalawa only comes once in a lifetime. Talagang best effort kaming tatlo, best effort ang the whole cast to live up to what is expected of us. Masaya kami na na-e-entertain namin ang lahat ng mga tao. Masaya kami na marami kaming napapasaya at nai-inspire," ang mahabang sabi ng aktor.

Naging usap-usapan dati ang kanyang panliligaw kay Melissa Ricks. Napabalita pa nga na madalas itong nagdadala ng pagkain sa condo unit ng young actress. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Jason Abalos na may special feelings pa siya para kay Melissa at baka ligawan niya uli ang dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di naman ako nanliligaw sa kanya but I won't deny na nagpadala ako ng food sa kanya, that I admire her. I can't blame naman Jason kasi napakaganda at napakabait ni Melissa. Di naman ako magugulat kung may sampung lalake ang magsasabi na may pagtingin sila kay Melissa.

"Wala naman akong karapatang pigilin kung may gusto mang manligaw sa kanya. Ako kasi at this moment, I'm focused on my work but pag dumating sa akin yung love, di ko itatanggi. Pagka nasabi kong mahal ko ang isang tao, di ko pipigilan dahil napakasarap magmahal," pagwawakas ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN