Kevin Lapena squeals on Lovi Poe's visitor on the set of Lipgloss

Kevin Lapena is a third year Corporate Management student at De La Salle University. After finishing college, he plans to study abroad. PEP asks: What will happen to his showbiz career?

He replies: "Well, we'll just have to see. If God's will na talagang I really can't study abroad, e, 'di okey lang. Seize the opportunity. But If I'm busy naman here and I have work, okey lang."


Isa si Kevin Lapena sa original cast members Lipgloss, at pagkatapos ng tatlong season, mainstay pa rin siya ng show na mapapanood every Saturday at 5:00 p.m. sa TV5. The La Sallite teen actor is of course happy sa magandang takbo ng kanilang show at sa opportunity na maging bahagi pa rin ng barkadahan.

"It's four of us na lang right now—me, Maxine [Eigenmann], Louise [delos Reyes] and Charina [Suzara]. So, kami na lang ang natitira among the original," sabi ni Kevin sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakangiti ito pero halatang nanghihinayang din siya sa pagkawala ng mga co-stars dati. Ano kaya sa tingin niya ang meron silang apat that the show decided to keep them?

"Sinuwerte na lang siguro that they decided to keep us pa," ang sabi ng binata. "But I don't think...there's a reason why naman. Lucky lang siguro na kami ang napili."

Proud din daw siya na ang show nila ang isa sa tumatagal na show ng network.

Ani Kevin, "I feel very happy about it. Kasi, at first, we were all skeptical. Parang ang daming nagba-badmouth about the show. Parang sinasabi nila, ang baduy naman nito! Hindi 'to tatagal kasi, parang ginagaya yung Gossip Girl. Noong first season, parang puro ganoon lang naririnig ko.

"But it's okay naman, e. And then, it's really fun. The taping is fun and this is fun, so, sana naman tumagal. So, noong pataas na nang pataas ang rating at nag-e-extend na...Now, umabot na nga kami sa 4th season, so, I'm really happy na tumagal yung ginawa namin. So it means, naa-appreciate ng mga tao yung show at natutuwa na rin sila sa amin."

Isa si Kevin sa mga male star ng naturang teen-oriented show na maraming naging kapareha. Ilan sa mga ito ay sina Saab Magalona and Princess Ryan. Naging kapareha rin daw niya sina Louise at Maxine for a while. At hindi raw niya alam kung bakit paiba-iba siya ng ka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ng 18-year-old newcomer, "I really don't know why nga kung bakit paiba-iba ako. Pero yung pinaka-main ko talagang naging ka-love team is Saab, then, Princess. But then, now, si Lovi [Poe] na ang ka-love team ko."

Nalungkot ba siya sa pagkawala ni Saab?

"We were really sad. On that episode, ilan ba ang nagpaalam? Si Mikee Lee and then Saab had to say goodbye at that taping day. Actually, during taping, we were crying. We knew na mawawala na si Saab and [si] Mikee, pero, when we were taping our last sequence, parang maiyak na kami.

"For the longest time, like it's almost a year na since we've been doing this every week, and even if we were not taping, magkasama kami. We've gotten really, really close. It's just parang all of a sudden, mawawala sila bigla and you cannot see them anymore on a regular basis. So, parang ang lungkot lang."

(Sa naunang artikulo na inilabas dito sa PEP, ang sinasabing dahilan ng pagkawala ang kapatid ni Maxene Magalona sa Lipgloss ay ang madalas raw na pagdalaw ng kanyang boyfriend sa set.)

TANDEM WITH LOVI POE. Ano naman ang masasabi niya sa bago niyang makakapareha na si Lovi?

"Nag-taping na kami twice, and she's really good. We really jibe. We really get along kaya I really think na okey kami. Okey kami as a pair because people have been saying na 'bagay kayo'.

"At least naman, napapansin nila na parang may chemistry. I'm happy with that naman, at least we get along really well."

Hindi na rin daw masasabing strangers sila sa isa't isa ni Lovi noong una silang magkita sa taping ng show dahil bago pa sila nag-showbiz ay nagkakilala na sila.

"We've met each other because we have common friends sa school. Lovi came from Colegio de San Agustin and then I came from Don Bosco Makati. But then, yung barkada was from her school. At that time, ang barkada ko talaga are CSA people, so, dun, nakilala ko siya through that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang magkita na raw sila sa taping, nagpakilala pa rin daw siya sa young actress.

"I asked her if she remembered me pa. But then, we really had common friends talaga so, parang it's easy to get along with each other since we know the people we hang out with."

May boyfriend na si Lovi, si Jolo Revilla, won't that affect their team-up?

"Okey lang...Yung mahirap naman usually kapag may boyfriend, kapag hindi understanding yung guy, di ba? That's the hard part. But then, if the guy's okay with it, we're all okay naman."

Si Kevin ang nagbuking sa PEP na nakadalaw na nga raw si Jolo sa set nila. It happened before malaman ng entertainment press na bawal daw palang dumalaw at bumisita sa set ang mga respective boyfriends and girlfriends nila.

Ang sabi ni Kevin, "Sa second time naming mag-taping, he visited na. It's okay lang naman."

Hindi ba siya nailang dito?

"Hindi naman...hindi naman siya nag-give out na parang, 'I'm watching you'...so, it's all good."

Sa palagay niya, posibleng magtagal ba ang Lovi-Kevin tandem ng Lipgloss?

"I hope so...that we'll have to see. But I think naman, sana mag-click. Sana naman..."

Open din naman si Kevin kasi meron di siyang non-showbiz girlfriend, na this month lang naging official ang relasyon nila. Hindi kaya makaapekto rin ito sa tambalan nila?

"Well, I think, it's just a matter of balancing your personal life with work. Baka kasi you admit, baka you won't have time to pay attention na to your private life. But what I want to do is make the two jibe. Not naman totally but then, I want the people who I'm with in my personal life to experience what I am experiencing here also. So, I want them to be with me also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwedeng sabihing isang TV-5 find itong si Kevin dahil sa naturang network at sa Lipgloss siya talaga nag-start. Masaya naman daw siya sa ginagawa kahit sabihin pang wala siya sa two TV giants ngayon.

Aniya, "I get a fair share of exposure naman. But then, siyempre, iba pa rin when you come out with another channel, sila yung main stations talaga na pinapanood but I'm happy with my exposure with TV5."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN