Yasmien Kurdi happy about reunion project with StarStruck batchmates Jennylyn Mercado and Nadine Samonte

Since she made that decision to go full-time on her studies two years ago, Yasmien Kurdi became less and less visible on GMA-7's primetime block. But the young actress has no regrets and is thankful that the management still gives her projects, the latest of which is SRO presents "Suspetsa."


Nakapag-first taping day na ang bagong season ng S.R.O. presents "Suspetsa," na sa title pa lang ay give-away na yung tema ng once-a week primetime series na ito sa GMA-7.

Ang young actress na si Yasmien Kurdi ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa first-day taping ng naturang show, kung saan kasama niya ang fellow-StarStruck Batch 1 na sina Nadine Samonte at Jennylyn Mercado.

Ayon kay Yasmien, siya raw si Leonora sa "Suspetsa," at "super excited" na raw ito.

Dagdag pa niya, "Ang saya, kasi, tulad kahapon na nag-taping kami, tawanan lang kami nang tawanan. Umabot kami ng madaling araw na parang basang sisiw na kami. Puro rain effect kasi ang kinuhanan kaya kahit madaling araw, basang-basa kami, pero, masaya."

Wala na rin daw yung isyu sa pagitan nila ni Nadine. Mga bata pa raw sila noon at panahon pa halos ng StarStruck, pero ngayon, naniniwala raw siya na pareho na silang nag-mature.

"That was way back na. Super old issues na kung anuman yung sa amin ni Nadine. Nag-mature na rin po kami and marami na rin pong nagbabago," ang sabi niya na parang natatawa.

Aniya pa, "Kahapon, noong nakasama ko sila, sobrang na-miss ko pala sila kaya wala kaming ginawa kapag break kundi maglokohan. Kaya kahit pagod na pagod na, hindi ko naramdaman masyado dahil masaya ako sa mga kasama ko."

Bukod sa pag-aartista, pinagkakaabalahan din ni Yasmien ang kanyang pag-aaral, kaya matagal na rin daw siyang hindi napapanood sa primetime. In fact, kahit bakasyon, nag-summer classes pa rin daw siya para mas mabilis niyang matapos ang kursong kinukuha niya sa New Era College.

Hindi ba niya nami-miss ang maging bahagi ng primetime TV series?

"Nagkakataon kasi na hindi nagtutugma yung schedules ng mga primetime taping sa school ko, so, wala po akong magagawa. Pero okey lang, happy naman ako dahil may iba pa rin akong shows tulad nga po nitong SRO."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, hiningan din namin si Yasmien ng reaction naman niya tungkol sa controversial video na naglalabasan ngayon at kinasasangkutan ng isa pa nilang ka-batch sa StarStruck na si Katrina Halili.

Biglang lumungkot ang expression ng mukha ni Yasmien. Sabi niya, "Very sensitive issue po kasi ito. Let's pray for her and for her family na lang. Kasi mabuting pamilya ang pamilya ni Kat. Kung ang ibang tao ay walang pakialam sa nararamdaman ni Kat, isipin na lang nila ang nararamdaman ng pamilya n'ya.

"At isipin nila kung ang nangyari kay Kat ay nangyayari rin sa anak nila, kapatid o kahit sinumang minamahal nila."

Dugtong pa ni Yasmien "Sana mag-fast forward ang lahat ng nangyayari para mabawasan ang paghihirap sa damdamin ng mga taong naaapektuhan sa naganap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN