Andrew Schimmer sympathizes with ex-girlfriend Katrina Halili's plight

Andrew Schimmer on the sex video scandal involving Katrina Halili: "Hindi ko alam kung bakit. Si Kat ang talagang biktima riyan, e..."


Off-season mode ngayon si Andrew Schimmer at namamahinga lang muna siya, habang naghihintay ng tawag para kanyang next project, which is an indie horror film na pinamagatang Confession. Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay muli niyang pagsali sa isang body-building competition.

"Sasali ako sa Miami Fame," bungad ni Andrew sa PEP (Philippine Enetrtainment Portal) during the press launch of Fragrance of the Stars, isang brand of scents and perfume.

Dugtong pa niya, "Sa Toronto, Canada, ito gagawin. More on muscle modeling ito. Na-enganyo ako nang husto rito dahil talagang masarap sa katawan. Bukod sa healthy living, maganda ang katawan mo, kaysa tumatambay ka sa kung saan-saan at painom-inom ka."

Kung walang trabaho, diretso na siya sa gym. Kung wala kasi siyang sinasalihang kumpetisyon, hindi buo ang drive niya para mag-work out nang todo.

"Kailangan may motivation, para hindi ka tamarin," sabi pa ni Andrew. "Obligado kang mag-work out kapag nagku-compete ka. Wala lang...Bigla ko na lang naging goal. Motivation na rin from friends..."

Noong nagpa-sexy naman siya sa pelikula, ang naging target naman niya ay maging lean nang konti, at hindi yung parang batu-bato ang porma ng muscles.

"After Baler, nagpaliit ako nang konti," sabi pa ng binata. "Lumiit ako nang konti, pero hindi ako kailangang lumiit masyado dahil sa August, magku-compete na naman ako.

"Mahihirapan na naman ako kapag ganoon. Complicated nga pero, okey. Kailangan lang talaga ng disiplina," aniya pa.

SUPPORT FOR KATRINA HALILI. Na-link si Andrew kay Katrina Halili noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz. Hindi tuloy maiwasang matanong din ang 23-year-old actor tungkol sa sex video scandal na kinasasangkutan ng ex-girlfriend.

"Malungkot ako for her," ang napapailing na sabi ng binata. "Hindi na iba si Katrina sa akin. Sumasama ang loob ko. Palaging ganoon, kapag nakakarinig ako ng mga negative na isyu tungkol sa kanya..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam niyang kaya ni Katrina na harapin ang bagay na ito, pero nangangamba siya sa magiging epekto nito sa young actress kapag mas lalong lumaki ang isyu.

Sabi ni Andrew, "Nakakaawa siya, pero wala naman akong magagawa. Nariyan na 'yan. Pero, si Kat, strong ang personality niya. Pagdating lang sa ganyang mga bagay, nanlalambot ang mga tuhod niya. Nawawalan siya ng energy. Parang wala siyang kalaban-laban.

"Understandable, dahil hindi lang naman siya ang nag-iisang ganoon. Babae lang si Katrina. Mukhang matibay, pero, weak siya. Hindi ko nga alam kung bakit nangyayari sa kanya ang mga bagay na 'yan. Lagi siyang nasasangkot sa ganyang klase ng mga isyu."

Dagdag pa niya, "Una sa lahat, babae siya. Napakarami at napakalaki ng maaaring mawala sa kanya. Sa kabilang side, wala naman. Wala silang pinag-iingatan. Si Katrina talaga ang biktima rito."

Hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon para makapag-usap man lang sina Andrew at Kat tungkol sa isyu.

"Close friends pa lang niya ang nalalapitan ko, showbiz and non-showbiz. All of them are disappointed. Yung iba, nagulat din na gaya ko. Hindi ko naman alam na mayroon pala talagang ganoon.

"Kami ngang mga kaibigan niya, naapektuhan na. Ano pa kaya yung siya mismo. Kung may magagawa lang sana kami," pagtatapos ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN