Toni Gonzaga signs two-year contract with ABS-CBN

Toni Gonzaga on sexy-themed projects: "Di naman talaga kasi ako sa mga sexy roles, may mas nakalaan talaga para dun. Di kaya ng katawan at puso ko, di ko kaya na makita ang sarili ko sa ganun and, so far, pinaninindigan ko yun. 'Saka natanggap at minahal naman ako ng tao na ganito ako."


Last Monday, May 17, Toni Gonzaga inked another two-year contract with ABS-CBN. Ito ang nagtuldok sa naging isyu dati na nagbabalak raw itong bumalik sa GMA-7 dahil bukod sa wala raw siyang pinagkakaabalahan ay threatened din daw si Toni sa mga projects na ginagawa nina KC Concepcion, Angel Locsin at Sarah Geronimo.

Paglilinaw ng host-singer-actress, "Walang inggit o threatened issue. Ever since naman, never ako naiinggit o na-threaten. I'm always happy and lagi kong iniisip na lahat ng mga artistang nabibigyan ng proyekto, they deserve it because they also work hard naman sa mga trabahong ibinibigay sa kanila.

"Definitely walang inggit factor kasi nabigyan naman ako ng chance ng ABS and they gave me the chance also na magkaroon ng mga shows. I'm just really thankful and grateful na kahit papaano, pinagkakatiwalaan pa rin ako, nabibigyan pa rin ako ng mga breaks and shows so masaya na ako dun."

Aminado si Toni na talagang mahigpit ang kumpetisyon sa showbiz pero hindi raw siya masyadong nagpapaapekto rito.

Ang sabi ng 25-year-old star, "Mahigpit naman talaga kahit saan mong tingnang anggulo o aspeto. Siguro, imbes na makipag-compete ka sa mga kapwa mo artista, mas maganda yung makipag-compete ka sa sarili mo. Kasi, kumbaga dun ka mai-inspire, mas dun mo mapagbubuti ang craft mo and dun ka maggo-grow as an artist. Saka yung mga kasabayan ko, mga kaibigan ko naman sila, so, definitely walang competition with them, sa sarili ko lang."

Inisa-isa sa amin ni Toni ang mga nakalinya niyang projects sa two-year contract na pinirmahan niya sa ABS-CBN.

Ang kuwento niya, "I'll still be doing the Pinoy Big Brother seasons, may 4, 5 and 6. I'll be doing a movie. I still have my regular shows like E-Live and ASAP, and I think there will be one in primetime, a teleserye."

Masaya rin daw ito na Kapamilya pa rin siya for the next two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy and excited because Kapamilya pa rin ako and I'm looking forward sa mga trabahong gagawin ko sa ABS. I'm very grateful and honored sa mga prebilihiyo na maging Kapamilya uli ako," ang sabi ng dalaga.

Sa ngayon ay abala siya sa isa sa episode ng Precious Hearts Romances, kung saan marami ang nakapansin na may pagka-sensual ang istorya at atake kumpara sa mga past episodes nito. Totoo bang may bed scene si Toni at ang kapareha niya rito na si Derek Ramsay?

"Oo," ang mabilis niyang sagot. "Sensual talaga kasi yung pocketbooks na yun. Very sensual yung mga istorya pero yung ginagawa namin, medyo sensual na nakakatawa. Di siya ganun talaga ka-sensual, kung iisipin mo, yung kaya ko pa ring gawin. Walang bed scene, baka himatayin ako. Mas nag-focus kami dun sa story. Napakahusay ni Direk Wenn [Deramas], napakaganda ng mga ginawa niyang eksena na nakakatawa talaga," ang huling tinuran ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN