Katrina Halili thanks supporters: "Kayo po ang nagpapalakas ng loob ko."

A night of lovemaking now turns into a nightmare for 23-year-old Katrina Halili.

But despite the hurt and humiliation brought about by the the leak of her sex videos with ex-beau Hayden Kho, she remains strong and undaunted in facing the entire brouhaha.



Tila isang national issue na ngayon ang mga sex videos ni Hayden Kho. Magmula nang umabot ito sa senado, sa pamamagitan ni Senator Bong Revilla, naging mainit na usapan ito among showbiz stars and fans.

Sa paglantad noong Mayo 20 ni Katrina Halili, ex-girlfriend ni Hayden at isa sa mga babaeng nakita sa isa sa tatlong sex videos na kumalat, dumami ang nagpahayag ng pagka-disgusto sa mga pangyayari.

Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang complaints na isinumite rito ni Katrina at ng kanyang mga abugado. Maging ang Department of Justice, sa pangunguna ni Secretary Raul Gonzalez, ay kumilos na rin at inilagay na sa watch list si Hayden para masiguradong hindi ito makakalabas ng bansa.

Nagbigay na rin ng pahayag ang MalacaƱang na huwag nang kunsintihin ng publiko ang naturang video.

ACTORS GUILD. Kahapon, May 21, nakatanggap naman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula kay Tirso Cruz III, kung saan nakasaad ang stand ng Actors' Guild of the Philippines, na pinamumunuan ni Phillip Salvador.

Ang sabi sa text message: "The Actor's Guild of the Philippines is strongly supporting our fellow artist Ms. Katrina Halili in her fight for justice for the mental and emotional sufferings caused to her by the proliferation of the sex video. The Guild will be with her every step of the way."

Bukod pa rito, nagpaabot na rin ng kanilang suporta at simpatiya ang iba pang actors at actresses kay Katrina.

Ang kaliwa't-kanang statements ang siyang nagbibigay-lakas sa aktres upang bumangon at harapin ang isyu.

Sa pamamagitan ng text message ipinadala ni Katrina Halili sa PEP bandang alas-diyes ng gabi ang kanyang pasasalamat sa lahat. Sabi niya, "Hindi ko po inaasahan ang suportang natatanggap ko. Maraming salamat po unang-una na kay Sen. Bong Revilla hanggang sa Actors' Guild sa paniniwala nila sa ipinaglalaban ko at sa lahat ng nagparamdam ng suporta nila sa anumang paraan. Kayo po ang nagpapalakas ng loob ko. Maraming salamat po ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATRINA IN BETTER SPIRITS. Samantala, sa ulat naman ng Saksi kagabi, May 21, nasilayan na muli ang ngiti ng 23-year-old Kapuso star sa kabila ng namumugto nitong mga mata noong nagsadya siya sa tanggapan ng OMB (Optical Media Board).

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Hayden sa kanya. Aniya, "Sobrang nagulat po akong talaga na nagawa niya yun. Kasi, hindi po ganoon ang pagkakakilala ko sa taong yun. Sobrang nagulat ako. Hindi ko alam na ganoon siya ka-demonyo.


"Opo...sobrang panloloko, pambababoy, di ba? Ako, simula't-simula, ako na yung binaboy niya, e."

Kaya nanawagan din si Katrina sa iba pang mga babaeng nabiktima ni Hayden. Sabi ng dalaga, "Sana po ano, sana po, lumabas na rin po kayo. Kasi ano, para naman maparusahan yung mga taong nambababoy sa atin."

Batid ni Katrina na nagsisimula pa lang ang laban. At kahit katakot-takot na "kahihiyan" ang inabot niya, nananatiling matatag siya dahil na rin sa suporta kanyang pamilya, mga kamag-anak, kaibigan at mga nagmamalasakit na tao.

"Sa family ko po na nasa Palawan, itong hinaharap kong problema, tatapusin ko po 'to, huwag po kayong mag-alala, kaya ko po 'to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN