Richard Gutierrez not yet aware of PA's death

Richard Gutierrez is now in better condition, but he doesn't know yet that he lost his loyal assistant in the car accident.


Sa aksidenteng naganap kaninang madaling araw sa Silang, Cavite, nagtamo si Richard Gutierrez ng mga bubog sa mukha at sugat sa kaliwang kilay na mahigit sa sampu ang tahi.

Ligtas na ang 25-year-old actor sa kapahamakan pero binabantayan pa rin ng mga doktor ang kanyang kundisyon.

Ayon kay Jun Lalin, ang publicist at confidante ng Gutierrez family, nagpapahinga na si Richard sa kanyang kuwarto sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa.

Hindi pa alam ni Jun Lalin kung papaano tatanggapin ni Richard ang malungkot na balita na nasawi sa aksidente ang kanyang trusted personal assistant na si Nomar Prado.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa sinasabi kay Richard ang nangyari kay Nomar, na nakatakdang iburol sa isang funeral chapel sa Libertad, Pasay City. Inulila ni Nomar ang kanyang asawa at dalawang anak.

Nanggaling si Richard sa shooting ng cinema plug ng Full House sa Tagaytay City nang mangyari ang aksidente. Bumangga ang sasakyan nina Richard at Nomar sa isang lamp post. Kasama din nila si George Mustura, ang bodyguard ni Richard na parang parte na rin ng Gutierrezes dahil matagal na itong naglilingkod sa pamilya.

Dead on arrival si Nomar nang dalhin sa Adventist University Hospital, samantalang ginagamot pa si George sa Tagaytay Medical Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN