Glaiza de Castro sees golden opportunity in being "Second-Choice Queen"

Glaiza de Castro says she understands why Jewel Mische (inset) let go of her role in the Mel Chionglo project, Bente: "May sarili siyang paniniwala and let's respect that. Kilala ko si Jewel."


Mukhang parating nagiging second choice si Glaiza de Castro sa ilang projects na tinatanggihan ng mga unang napipili. Pero hindi naman bothered ang aktres kung tawagin siyang "Second-Choice Queen."

Para kay Glaiza, isang compliment ang siya agad ang naiisip kapag may umaayaw na artista. It means na bagay din sa kanya ang mga tinanggihang roles.

"Balewala naman sa akin yun. Para sa akin, trabaho pa rin yun. Bakit naman ako tatanggi, di ba? Parang nagtampo ka sa grasya. Nagpapasalamat lang ako na ako agad ang naiisip nila at hindi ibang artista. Parang ang suwerte ko pa rin kasi nga next in line ako. In a way, nakakatulong for me kasi nga napapatunayan ko na hindi sila nagkamali sa pagkuha sa akin."

JEWEL'S WALKOUT. Si Glaiza nga ang kinuhang kapalit kay Jewel Mische nang bigla itong mag-walkout sa shooting ng indie film ng DGPI at APT Entertainment na Bente. Tumanggi raw ang Starstruck Ultimate Sweetheart na gawin ang ilang kissing scenes at bed scenes sa naturang pelikula. Ang makakasama sana niya sa mga eksenang ito ay ang ABS-CBN Star Magic talent na si Aldred Gatchalian.

'Ika naman ni Glaiza, hindi niya raw masisisi si Jewel na tumanggi dahil may mga paniniwala ito na mahirap nang matanggal. Pero madadaan naman sa pakikiusap ang lahat.

"Ako rin naman may mga limitations ako. Dumaan din ako sa pagbasa ng mga scripts na may kissing scenes at love scenes. After ko namang basahin, kakausapin ko naman ang director kung puwede ba naming ibahin ang atake kasi medyo delikado ang eksena. Yun ang ginawa kong approach kay Direk Mel Chionglo. Nakatrabaho ko naman na si Direk Mel before kaya kampante ako with him. Pero may mga gusto pa rin akong maiba sa eksenang yun. Kung magagawan naman ng paraan, okey lang. Kung hindi, gagawin ko pa rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So na-shoot naman namin ang scene na maayos kasi nakiusap ako sa director. I think kung gano'n ang ginawa ni Jewel, masusunod naman ang gusto niya. But still, I don't blame Jewel. May sarili siyang paniniwala and let's respect that. Kilala ko naman si Jewel, e. Kapag nagkita siguro kami, tatanungin ko siya regarding sa pagtanggi niya sa role na napunta sa akin," pagtatapos ni Glaiza.

Kasama si Glaiza sa bagong sisimulan na GMA-7 Sinenovela Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Makakasama niya rito sila Patrick Garcia, Maxene Magalona at JC Tiuseco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN