Nadine Samonte and Yasmien Kurdi are friends again

Nadine Samonte (right) says that it was other people who tried to create a gap between her and StarStruck batchmate, Yasmien Kurdi. "Okey naman kami ni Yas noon, e. Pero nagtaka na lang ako one day na hindi na niya ako pinapansin."


Nakalimutan na nga kapwa nina Nadine Samonte at Yasmien Kurdi ang di-pagkakaunawaan nila noon. Balitang-balita kasi na hindi nagpapansinan ang dalawang ito noong nasa StarStruck pa sila. Hanggang sa pareho silang naging artista, hindi sila napagsasama sa isang show dahil nga may gap sila.

Pero nang gawin nila ang bagong handog ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa sa GMA-7, tila nawala na ang mga dating sama ng loob nila sa isa't isa at naging maayos na ang pagsasama nila.

VICTIMS OF INTRIGUE. Sabi ni Nadine, never naman daw siyang nagalit o sumama ang loob kay Yasmien. May mga taong nanunulsol daw sa kanya at kay Yasmien kaya umabot sa hindi na lang sila nagpapansinan noon.

"Noong time naman kasi ng StarStruck, may kanya-kanya kaming mga kampo noon. Okey naman kami ni Yas noon, e. Pero nagtaka na lang ako na one day, hindi na lang niya ako pinapansin. Tapos may nagsabi sa akin na may sinabi raw si Yas na masama sa akin. Kaya hindi ko na rin siya kinibo since then.

"Alam ko na marami kaming projects na dapat pinagsamahan pero parati na lang naiiba ang cast. Either ako ang natatanggal or siya. May mga nakikialam noon sa amin, e. Yung parang ayaw kaming maging magkaibigan talaga.

"Tapos noong magkita na nga kami sa set ng SRO, bigla na lang kami nagbatian. Parang walang nangyari in the past. Nagyakapan pa kami tapos nagtsismisan kaming dalawa.

"Natuwa naman ako kasi naramdaman ko naman kay Yas na very sincere siya. Ako pa naman, malakas ang pakiramdam ko kung pinaplastik lang ako o nagkukunwari lang. Pero with Yas, okey na kami at, siyempre, mature na kaming dalawa. Hindi na kami tulad noon na mga batang madaling maapektuhan ng tsismis. Mas alam na namin ang gagawin kapag may ganyang balitang gustong sumira sa aming dalawa," kuwento ni Nadine Samonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FORGET THE PAST. Para naman kay Yasmien, hindi na raw dapat pang balikan nila ni Nadine ang pinag-ugatan ng naging gap nila noon. Tapos na raw yun at nasa edad na sila na hindi na dapat naaapektuhan ng mga balitang hindi naman totoo.

"Noong magkita nga kami ulit ni Nads, parang na-miss namin ang isa't isa. Ewan ko pero yun ang pakiramdam ko. Ngayon ko nga lang na-appreciate si Nads kasi before may mga taong pinaglalayo kami. Yung ayaw nga nilang maging friends kami. Pinag-aaway talaga kami. Kami naman ni Nads, sumusunod, kaya lumaki ang gap namin sa isa't isa.

"Pero ngayon, okey kami. Tsismisan kami nang tsismisan sa set, kasama si Jennylyn [Mercado]. Nagdala nga ako ng mga old pictures namin noong nasa StarStruck pa kami. Tawa kami nang tawa kasi sobrang neneng pa kaming tatlo. Napapagalitan nga kami sa set kasi ang lalakas naming tumawa.

"So yun siguro ang matagal ko nang gustong gawin with Nadine, na pinipigilan ng ibang tao. I realized na okey naman pala si Nads, e. May naninira lang talaga. Ngayon super chika na kaming dalawa," pagtatapos ni Yasmien Kurdi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN