Xian Lim makes his bid for leading man status in Katorse

Xian Lim is willing to do the "wet look" in the TV adaptation of the 1980 film, Katorse, if that's what the role requires. "Kung yun lang, I see nothing wrong with that. Hindi naman siguro ako magiging bold actor kung gagawin ko yun."


The most exciting newcomer spotted by PEP (Philippine Entertainment Portal) this season is Xian Lim, a 21-year-old student from the University of the East (UE) taking up Management. Basketball player si Xian, kaya sa height and athletic body department, undoubtedly, pasadong-pasado for leading man ang bagitong ito.

Despite the fact na galing siya sa US, hindi naging moderno ang panananaw ni Xian sa maraming bagay.

"I'm not naman ultra-conservative," at natawa ang guwapong newcomer. "Pero, ako pa rin yung tipong marespeto sa kapuwa, especially women. I'm the type who gives flowers. I show my appreciation through that. Wala namang ibang ibig sabihin yun."

Exactly, ganito ang ipinaramdam niya kay Erich Gonzales, ang leading lady niya na inilulunsad sa Katorse.

"Gusto ko lang iparamdam kay Erich na naa-appreciate ko yung kindness and support niya sa akin. As a newcomer, hindi ako magiging kumportable sa set kung hindi rin niya ipinaparamdam sa akin. And we have a lot of ways in common, lalo na sa paniniwala namin sa buhay.

"Ganoon talaga ako. Like in the case of Erich, tinatanong ko palagi kung ano ang kailangan niya. Kung magagawan ko ng paraan, I will provide," sabi pa ni Xian.

Na-move nga si Xian nang sa presscon for Katorse sa Chronicle Room ng 9501 Restaurant, 14/F, sa ABS-CBN Compound, napaiyak si Erich.

"It was the part yata na may kinalaman sa father niya (Christopher Gancayco)," aniya pa. "Actually, hindi ko alam ang lahat-lahat about her dad, pero, I feel for her."

Aminado siyang other than Erich, marami pang pretty talaga sa showbiz. Too many to mention daw.

LEADING MAN. Ang unang exposure ni Xian ay sa Your Song Presents... My Only Hope. May pagkakontrabida nga ang dating niya roon, as an irresponsible boyfriend. Medyo malaki-laki at makatutulong talaga sa image niya ang partidang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN ngayon sa Katorse, in a role which was first portrayed by the late Alfie Anido in the original movie version.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Gabby Concepcion at Alfie Anido ang leading men ni Dina Bonnevie noon sa Katorse. Natatandaan namin na all too willing to display their wares in wet cotton underwear ang dalawang bagets na leading men sa movie version.

Kayanin kaya nina Xian at Ejay Falcon ang requirements na ito?

"Napanood namin ang original version, pinapanood sa amin," natatawang sabi ni Xian. "Kung yun lang, I see nothing wrong with that. Hindi naman siguro ako magiging bold actor kung gagawin ko yun.

"Hindi ko alam kung ire-require sa amin, pero alam ko kasi, medyo adult na ang theme nito, but it will be shown on TV kaya may restrictions, for sure," sabi pa ni Xian.

In other words, palaban si Xian, basta nasa tamang lugar lang. We're very sure, lalo pang titindi ang excitement sa pagtatagal sa ere ng Katorse dahil kay Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN