Angelica Panganiban says boyfriend Derek Ramsay is OK after car accident

People thought Angelica Panganiban would become involved in a collision herself, showbiz-wise, when she and Jayson Gainza spoofed Kris Aquino and Boy Abunda's SNN on their comedy show Banana Split. But Angelica assured PEP that Kris herself was amused: "Tawa lang daw nang tawa si Ms. Kris nung napanood niya yung commercial."


Isa sa segment na inaabangan sa Banana Split ay ang NNN na kopyang-kopya sa SNN kung saan ginagaya nina Angelica Panganiban at Jayson Gainza sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Marami ang natutuwa dahil plakado raw nina Angelica at Jayson ang mannerisms at tono ng pananalita ng dalawang kinikilalang showbiz authority sa industriya. Pero may mga ilan din ang na-offend raw, lalo na sa parte ng ilan sa malalapit at paborito si Kris.

"Kami naman ni Jayson talagang sineseryoso namin at career naman talaga ang ginagawa namin. Siyempre di biro na gayahin mo si Kris Aquino at kabahan ka rin naman na baka may mali kang magawa.... Marami ang rumerespeto sa kanya at ayokong ma-offend ang mga taong nagmamahal sa kanya.

"Kung may mga nao-offend man, di mo maalis yun, may kanya-kanyang opinion ang mga tao. Salamat pa rin kasi siyempre sa kanila ako natututo and hindi naman kami nagpapatawa, nagpapaligaya lang kami. Di kami nagpupumilit sa kanila, gusto lang namin na masaya ang lahat."

In-assure naman sa amin ni Angelica na wala naman daw problema kay Kris ang ginagawa niyang panggagaya dito. May mga malalapit nga raw sa TV host na nagsabi sa kanya na tawa nang tawa si Kris sa tuwing napapanood siya.

"Nung first day ng taping namin nung nag-reformat ang Banana Split, binigay nila sa akin yung script na may ganun nga raw na segment. Nakita na lang namin yung teaser, nagulat na lang kami na ipapalabas na siya. Sabi na lang ng mga staff niya na tawa lang daw nang tawa si Ms. Kris nung napanood niya yung commercial."

"Pag may live siya ng SNN at may taping kami ng Banana Split, dinadalaw ko siya as Krissie, tawa lang siya nang tawa."

DEREK'S ACCIDENT. Nabalita kamakailan na naaksidente ang boyfriend niyang si Derek Ramsay noong nabangga ang sasakyan nito ng isang dyip. Ayon kay Angelica ay wala naman daw nangyaring masama sa boyfriend kung kaya't walang dapat ipagalala dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung two Saturdays kasi, galing siya ng shooting, pumunta sila ng next location so nakatigil sila nung binangga sila ng dyip. Wala namang nangyari sa kanila nung driver niya, at least yung koste lang ang nabangga.

"Medyo malakas lang yung impact pero okey naman sila. Nag-sorry lang yung driver, na-settle din naman. Kailangan lang ng police report for insurance."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN