Billy Crawford puts international career on hold to be with girlfriend Nikki Gil

Billy Crawford said love just "took over" him and he wanted to shout it to the world, so he did it on air, on ASAP. "Hopefully ma-inspire ang ibang mga couples diyan. Be proud of what you have kasi it's very hard to find someone to love. Ako, sobrang happy ako kay Nikki and she's one of the reasons why I'm here."


Kung dati ay ayaw pang lagyan ng label kung ano ba ang talagang relasyong namamagitan sa kanila ni Nikki Gil, last Sunday sa ASAP, sa birthday celebration ni Billy Crawford, maraming beses on air na sinabihan nito ng "I love you" ang girlfriend. Inamin ding ito ang rason kung bakit sa kabila ng kanyang international career ay nasa bansa pa rin siya hanggang ngayon.

On his recent birthday bash at Felix Bar in Greenbelt 5 last May 17, agad naming tinanong kung bakit nagdesisyon na sila ni Nikki na maging bukas na sa kanilang relasyon gaya ng ginawang pagbubukas niya ng saloobin sa ASAP '09.

"It's true I think it's just there, it took over me, and I think it's enough for us covering anything or everything like that ang pinakaimportante we're happy. Hopefully ma-inspire ang mga ibang mga couples diyan, be proud of what you have kasi it's very hard to find someone to love. Ako, sobrang happy ako kay Nikki and I admit that she's one of the reasons why I'm here, it's given na."

Ibinalita sa amin ni Billy na isa palang birthday celebration ang hinanda sa kanya ni Nikki sa Tagaytay kung saan nakasama niya ang parents ng girlfriend.

"She gave me a party, sinurpresa niya ako kasi alam niya na wala ang pamilya ko dito. Pumunta ako sa Tagaytay at andun ang pamilya niya. She tried to organize for my brother to be there but apparently he wasn't available."

CHANGES FOR THE BETTER. Agad naming tinanong si Billy kung paano ba niya ide-describe si Nikki as a girlfriend at kung may katotohanan ba na nakapagbitiw daw siya ng salita na iniwan na niya ang pagiging babaero niya at maraming nabago sa kanya because of his girlfriend.

"She's perfect, I can't ask for more. Ang tao naman di magbabago kung ayaw ng sarili mo so if you wanna change, you can change. Nikki gave me the opportunity to be myself, di naman niya ako pinuwersa, di niya ako pinagsasabihan na wag mong gawin yan, never siyang naging ganun. Di ako sakal sa relasyon na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagiging babaero, that's part of growing up and part of life. You really have to be serious with a situation like that kasi di lang naman ibang tao ang nasasaktan pero ikaw man, masasaktan ka sa huli. Nikki has taught me a lot more without forcing me to do that."

Bukod sa ilang malalapit na kaibigan sa showbiz ay present din sa birthday party ni Billy ang dating nakaalitang si Kuya Germs.

"Kung ano ang nakita niyo sa TV before nung nagkabati kami, yun yun. I went on him, I cried, Kuya Germs cried, everything was fixed, yun lang."

BIRTHDAY WISHES. May masayang lovelife, maayos ang tinatakbo ng career, nang tanungin namin kung may birthday wish pa ba si Billy, ito ay para sa kanyang pamilya na malayo sa kanya at para sa buong mundo.

"Ang wish ko talaga is para sa pamilya ko. My father's health to be a lot better than it was before, for a couple of years, he's struggling. Hopefully they are happy where I am and what I do.

"My wish is also para sa buong mundo, yung kalagayan ng buong mundo. I wish that everybody will think first before doing something. Ako, I can't wish for more coz sobrang happy ako, with my career, my personal life."

Nang tanungin namin kung ano ba ang birthday gift sa kanya ni Nikki, umiwas itong sagutin ni Billy.

"Siya na ang bahala dun. I don't wish for a gift. Ang wish ko lang talaga is her happiness, healthwise, and she will always be here for me, okey na ako dun."

Isang diamond bracelet ang regalo ni Billy kay Nikki nang umuwi siya galing sa U.S. Tour with Sarah Geronimo and Mark Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN