Yasmien Kurdi doesn't care who gets top billing in SRO Suspetsa

Yasmien Kurdi plays a bossy leader-type in SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, but the star showed her sweet and forgiving side when she got burned by a makeup artist. "Hanggang ngayon, mine-meyk-apan pa niya ko. At least ngayon, palagi nang maganda ang makeup niya sa akin," Yasmien laughs off the incident.


Habang iniinterbyu ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Yasmien Kurdi sa press conference for their new once-a-week series na SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, napansin naming ang may kalakihang dark mark sa left upper arm niya.

Ayon kay Yasmien, napaso raw siya ng kanyang makeup artist habang naghe-hair ironing sa SOP. Nagmamadali raw dahil opening na nila, kaso, ang makeup artist daw niya, nakikipag-tsismisan pa kung kaya't hindi sinasadyang napaso siya ng plantsa.

"Nakikita talaga siya sa screen. Mahirap siyang tanggalin. Palaging skin peeling, kaso, ang lalim ng paso. Kaya palaging napapansin. Pero... ayoko naman na dahil lang sa ganitong bagay, mawawalan ng trabaho ang isang tao... Okey naman kami nun. Love na love ko nga siya. Hanggang ngayon, mine-meyk-apan pa niya ko.

"At least ngayon... palagi nang maganda ang makeup niya sa akin," natatawa niyang sabi. "Aksidente lang naman yun, so, past na."

Mabait kung tutuusin si Yas. Kung sa iba, puwedeng nasisante na yung makeup artist lalo pa nga't sa isang artista, ang ganda ng skin ang isa sa kanyang puhunan.

"Okey lang yun, kesa naman po maka-hurt pa ako ng feelings. May mga technology naman po kaya ginagawa ko naman po ang lahat. Pinapa-skin peel. Pinapa-sponsor. Pahid ng lotion or something. Ginagawan naman ng paraan at may mga concealer naman po. Ngayon lang po, hindi ko nalagyan kasi sobrang puyat ko na."

BOSSY ROLE. Si Yasmien ang gumaganap na Leonor sa Suspetsa. Valedictorian daw siya rito.

"Ako po yung pinakamatalino. Parang palaging siya ang nasusunod. Bossy po, matapang sa magkakaibigan. Noong may problema, parang siya yung 'kaya natin 'to.' Lider-lideran din po."

Pero ayaw nang i-divulge ni Yasmien kung ano pa raw ang kuwento ng character niya. Pinanindigan niyang hindi ito ikuwento talaga dahil sa paniniwalang mapi-preempt daw ang serye. Ito ay sa kabilang well-defined na sa press ang characters nina Nadine Samonte at Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sayang, e, ayokong ikuwento. Para naman may suspense sila."

Silang tatlo raw nina Jennylyn at Victor Aliwalas ang magka-partner?

"Opo... pero, hindi pa rin siya love interest. Si Baron (Geisler) kasi, nandoon pa. Parang yung character ko, mas inuuna ang career. Si Baron naman, partner ko, pero unang part lang yun, after that, hindi na."

NO BILLING ISSUE. Reunion nilang tatlo nina Nadine at Jennylyn sa StarStruck ang SRO. During the question and answer portion ng presscon, tinanong kung magiging isyu raw kaya ang billing sa kanilang tatlo?

"Hindi na po isyu yung mga billing," sey niya. "Wala naman pong... pangalan lang naman po yun, e."

So, wala siyang care sa mga ganoong bagay? "Wala po. Sa huli lang naman po palagi yun or kaya sa una. So, parang konti lang yun na part ng show. Mas mahalaga ang istorya at saka yung ipinapakita mo ru'n sa show at saka yung performance mo ru'n sa show. Yun ang importante. Hindi yung pangalan kung ano ang nauuna at kung ano ang nahuhuli. At kung ano ang alphabetical na ayos ng pangalan. Hindi ko alam kung bakit pinag-aawayan pa yung mga ganoong isyu."

"Sa exposure... equal naman po kaming lahat ng exposure rito. Sabi nga ni Direk Mark [Reyes], hindi rin naman po masasabing naging unfair."

Pero, dugtong din niya, "maganda rin po kung less yung exposure kasi, ano, at least, nakakapagpahinga ka. Nakakatulog ka sa tent," natatawa niyang sabi. "Kasi, kapag marami kang eksena, pagod ka."

Yun ang sabi niya na hindi namin alam kung gaano siya kaseryoso dahil sa simula pa lang ng interview ay sinabi na niyang siya ay pagod, puyat at wala pang tulog.

TOO TIRED FOR LOVE. When it comes to her lovelife, ang sabi niya wala raw siya no'n. So, wala rin palang kinahantungan yung akalang pagkakamabutihan na nila ni Dion Ignacio?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na po kasi kami nakakapag-text ni Dion, e."

Bakit tila kapag nag-end na ang isang show, nawawala na rin ang lahat sa pagitan nila, kaya ang dating tuloy, promotional lang lahat?

"Hindi naman, kasi po, nagiging busy po ako sa school. Tapos, kapag nagte-text sila, natatamad na po akong mag-reply. Parang ang sagot ko, 'K.' Kunwari, 'good night,' 'K' na lang. O kaya naman, anong gagawin mo tomorrow, pupunta ka ba sa ganito, ganyan? "Ang sagot ko, 'yes, k'... yun... kasi, parang nakakapagod na rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN