Director Brillante Mendoza doesn't expect government support for his second Cannes film


"If the government is willing to help, dapat sila yung mag-offer ng genuine help. I don't have to... Kumbaga, hindi na ako magmamakaawa," says director Brillante "Dante" Mendoza (top photo) about his film Kinatay. Middle photo: Coco Martin in a scene from the film; bottom: Direk Brillante and Coco with Mercedes Cabral and Maria Isabel Lopez at the red carpet of Cannes International Film Festival.


Nasa limelight uli this year ang premyadong direktor na si Brillante "Dante" Mendoza nang ang pinakahuli niyang pelikulang Kinatay (Butchered) ay mapiling isa sa competing entries sa ginaganap na 62nd Cannes International Film Festival (May 13-24), sa France.

Magkasunod ang pagkakalahok ng pelikula ni Direk Brillante. Last year, ang kanyang Serbis ang naging competition entry ng Pilipinas sa tinatayang pinakaprestihiyosong film festival sa buong mundo.

Magkakahalong puna't batikos ang natamo ng Serbis, mula sa mga banyagang kritiko't karaniwang manonood. Gayundin sa mga kritiko at film industry observers sa ating bansa.

Bagay na hindi ininda ng premyadong filmmaker. O lalo't nadoble ngayon ang tuwa niya sa naging pagkakatanggap ng Kinatay bilang Cannes '09 Main Competition entry.

Ngayong araw, May 24 (Closing/Awarding ceremonies ng Cannes filmfest), ay malalaman na ang magiging paghusga ng mga hurado sa nasabing Philippine film entry.

Maganda man ang feedback sa kanyang pelikula (higit ngang well received sa Cannes sa taong ito ang Kinatay, kaysasa Serbis noong 2008), hindi pa rin gaanong umaasa si Direk Brillante.

Sa umpisa pa lang, noong una niyang ipadala ang rough copy ng Kinatay, walang anumang inasahan si Direk Brillante.

"I don't expect anything... [because] I do everything on my own," sabi niya sa isang exclusive interview ng PEP [Philippine Entertainment Portal]. "Actually, I did this [Kinatay] on my own... Kasi ang importante sa akin is makagawa ako ng maayos na pelikula, ayon sa gusto ko. Since ito yung gusto ko, I don't expect from anyone..."

Direk Brillante was hinting at something, na may kaugnayan sa naging pagkakapili bilang Main Competition entry sa Cannes ng pinakahuli niyang obra. Ito'y ang tungkol sa suportang ibinibigay ng pamahalaan, through the FDCP (Film Development Council of the Philippines), in the form of incentives amounting to two million pesos, sa anumang pelikulang Pilipino na mapipiling mag-compete sa Cannes International Film Festival (kabilang sa A-list, o number one among world film festivals).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I cannot decide for that," sabi ni Brillante. "If the government is willing to help, dapat sila yung mag-offer ng genuine help. I don't have to... Kumbaga, hindi na ako magmamakaawa."

May pait man sa damdamin ng direktor, kapag maaalala ang nangyari noong isang taon, nang hindi natupad ang sinasabing government support para sa pagkakasali din sa Cannes ng kanyang Serbis, "due to lack of funds," iba na rin ang damdamin niya sa ngayon. With his immediate vindication, napawi na rin ang anumang bitterness, at kapani-paniwala ang mga pahayag ng direktor tungkol dito.

"It's gonna be disappointing, pero ako naman, sa totoo lang, I don't dwell on the negative," sabi niya. "Hindi ako nagbebenggahe. It's just that, this time, I want to do it on my own, not because ayoko ng tulong n'yo, or whatever... hindi naman gano'n. Ang sa akin lang, I'd rather do it, kasi iba na yung wala ka nang iintindihin pa. Na I don't have to liquidate [anything]."

Direk Brillante has learned his lesson. Last year, in anticipation of the said P2 million incentive na makukuha mula sa gobyerno, dahil sa pagkakapili ng Serbis, in-advance muna niya ang gastos ng buong entourage sa pagpunta sa Cannes. When it was time to reimburse his expenses, what he got from the government agency na naatasang magkaloob ng insentibo, ay isang maliit na fraction ng kabuuang gastos na hindi sana sa bulsa ng direktor magmumula. Bukod dito, nakadama ng pagkapahiya ang director, bagay na hindi na niya malilimutan magpakailanman.

Napapag-usapan nga lang, but Brillante has got nothing against anyone.

"Ang feeling ko lang, kung genuine help yan, bakit kailangan mong ipakita yung mga boarding pass mo, e, buong mundo nakita na yung picture mo sa Cannes, di ba? Bakit kailangang ipakita mo yung pamasahe mo... and everything? Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko, [proper] government procedures..." sa mga dokumentong pina-process, 'ika rin nga, "pero, hindi naman sa pagyayabang... hindi naman basta-basta ano lang ang Cannes... na nagpunta ka do'n para..."

Malinaw na naisaad ni Direk Brillante ang nasabing punto.

"After what happened with Serbis, I can take anything. And with all the blessings, Diyos ko, wala na akong dapat ika-nega [negative]," sabi pa niya.

DO IT RIGHT. Now, he talks about his latest film, Kinatay, with the same kind of enthusiasm as when he just finished doing his debut film, Masahista (2005).

"First of all, ang unang iniisip ko pag gumagawa ako ng pelikula ay gagawin ko ito nang tama. So dito [Kinatay], tama yung ginawa ko, at dahil tama, hindi nangangahulugang kailangang magustuhan siya ng Cannes, kundi ng kung sinumang makapanood. Dahil ayoko nang gumagawa ako ng pelikula for a certain festival. Dapat, pag gumawa ako ng totoong pelikula, e, gagawin ko siya nang tama."

Sa pagkakapili ng Kinatay sa Cannes '09, masasabing humigit sa inaasahan ang natamo ni Direk Brillante, na hindi rin nga mali ang naging attitude sa sinimulang pagtatrabaho.

Paliwanag niya, "Pag binigyan mo ang sarili mo ng ganung baggage, na, 'O, ito, pang-Cannes ito, ha!' Additional baggage [or burden] yun!" Na para sa isang direktor na tulad niya, mayroon man o wala pang pruweba, ay higit ang pagsubok na kakaharapin.

As film, Kinatay "deals with a very delicate subject matter," pagtukoy ni Direk Brillante. "It deals with the authorities, with abuse of power. Napaka-timely, di ba?"

May matinding komentaryo ang pelikula (ang screenplay ay sinulat ni Armando "Bing" Lao) tungkol sa mga "may kapangyarihan": "If you have the power, you have the tendency to abuse it; and if you mess with it, kawawa ka. It's a social problem," saad niya.

Sa kuwento ay ginagampanan ni Coco Martin ang papel ni Peping, bagong graduate sa Police Academy, na sa isang magdamagang "operation," sa panghihikayat ng isang kasamahan (Jhong Hilario) ay naging witness sa isang krimeng sangkot ang mga dating pulis/militar (ginampanan nina John Regala, Julio Diaz, Benjie Filomeno, at Lauren Novero) at isang prostitute, si Madonna (Maria Isabel Lopez), na naging biktima ng malagim na pamamaslang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang orihinal na titulo ng pelikula ay Chop-Chop, dahil sangkap sa kuwento ang pagpatay at ginawang pagpira-piraso sa katawan ng biktima (shades of Lucila Lalu, Elsa Castillo, among other real-life gruesome murders); mayroon ding love angle between Coco and Mercedes Cabral, who plays his wife, at ang na-reveal na relasyon between Madonna and one of the ex-cops turned executioner.

Such makes Kinatay a very different thriller, na balitang may kakaibang pagtangkilik among Cannes filmfest audiences. But owing to the film's delicate subject matter, naniniwala ang direktor na dito man ay may magiging "captive audience" ang pelikula.

"Unang-una, ang plano ko sa film is I won't show it commercially, so I don't have to go through censorship," sabi ni Direk Brillante.

When it's time for the Filipino audience to see it, o kung handa na sila sa shock value ng pelikula, hindi nila mapapanood ang Kinatay sa mga cineplexes ng mga malls (o depende kung magkakaroon ng pagbabago sa plano).

Katwiran ni direk Brillante, "Mase-censor ka lang kapag magpapalabas ka sa mga mall. Pero kung wala, o halimbawa, sa mga schools [like UP Film Center], you don't have to go through censorship... [at] buo yung pelikula ko.

"Besides, at this point, I don't think kailangan [ng commercial release]. Unang-una, yung film, wala siyang mga superstar, so I don't think there's an audience who'd want to watch my film [in big commercial theaters]. Sino'ng manonood diyan? Mga students, tayo-tayo [film enthusiasts], so there's no need to commercialize it."

Mas mahalaga para kay Direk Brillante na makapag-communicate ang pelikula, "and to deal directly with my audience," na napatunayan niyang karamihan ay mga estudyante (ng komunikasyong pangmadla; o ng kursong ukol sa sining ng pelikula), base sa pagpapalabas sa malalaking unibersidad ng nauna niyang obrang Masahista (2005), Kaleldo at Manoro (2006), Foster Child at Tirador (2007), at Serbis (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEW LINO BROCKA? Bagong Lino Brocka. Madalas itong nababanggit, patungkol kay Brillante Mendoza. Pangunahin sa mga dahilan ng pagtuturing ay ang parehong pagkakataon ng dalawang direktor na maitanghal sa prestihiyosong Cannes International Filmfest (Main Competition and Directors Fortnight sections) ang kanilang mga pelikula.

Kabilang noon sa mga Brocka films na naipalabas sa Cannes ang mga sumusunod: Insiang (1976) at Bona (1980) sa Directors' Fortnight; Jaguar (1979) at Bayan Ko: Kapit Sa Patalim (1984) sa Main Competition; at Orapronobis (1988), bilang non-competition entry.

"Kapag kinu-compare ka sa mga masters, nakakataba ng puso, di ba?" nangiti si Direk Brillante. "Pero hindi ko yun ipinapasok sa utak ko, wala talaga. Whether it's negative or positive, it's a compliment, na kapag inilagay mo [naman] yan sa utak mo, extra baggage yan, na nakakaano... Dapat you [still] have your feet on the ground..."

Noon, may Pierre Rissient si Lino Brocka. With Brillante Mendoza's Cannes outings, nariyan naman ang isang Christian Jeune (of the Cannes filmfest selection committee) na tumutulong sa pagkakapili ng mga obra ni Direk Brillante.

"When I got the email from Christian, sabi niya [tungkol sa Kinatay]: 'I really liked it; I was drawn into the long night... masterfully directed! Bravo!' Yun ang message niya."

Tulad ni Lino Brocka noon, passionate si Brillante Mendoza kapag nagbabahagi ng anumang bagay-bagay tungkol sa kanyang pelikula, o sining bilang direktor. Wala namang tahasang pagyayabang, Direk Brillante, like Brocka then, simply tells it like it is.

OTHER STORIES. Marami pang kuwento si Direk Brillante M. tungkol sa Kinatay (may other English title/translation na The Execution of P.).

Si Rosanna Roces ang unang napabalitang female lead na "kakatayin," pero napalitan siya ni Maria Isabel Lopez.

"Hindi kami nagkaayos; una, sa schedule, pangalawa, sa TF [talent fee]," sabi ni Direk Brillante.

Bilib siya kay Maribel Lopez sa naging pagganap nito bilang Madonna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think Maribel will win an award for this film," sabi ni Direk Brillante, though not necessarily referring to an award probably in Cannes. "Wala siyang dialogue, naka-piring siya the whole night. Malalaman mo lang yung character niya, nung tinanggal yung piring, na nagmakaawa siya."

Direk Brillante also has good words about Coco Martin, na itinuturing niyang kanyang "signature actor." Coco Martin was in the lead cast of Masahista, Brillante M's debut film, for which nanalong best performer si Coco sa Young Critics' Circle.

"Meron akong feeling, na malakas [din] ang tsansa niya dito [sa Kinatay]," sabi ng direktor ni Coco, na ang character ay hindi isang killer, pero nasangkot sa krimen ng sinamahang sindikato. "Iba si Coco dito; iba yung acting niya dito." (For the record, isa sa mga katunggali ni Coco Martin sa Cannes ay ang Hollywood actor na si Brad Pitt, bida sa pelikulang Inglorious Basterds ni Quentin Tarantino).

Si Direk Brillante, bigatin din ang mga kalaban o kahanay na direktor sa Cannes '09 para sa prestihiyosong Palme D'Or. Bukod kay Tarantino, kabilang ang tulad nina Lars von Trier (AntiChrist), Jane Campion (Bright Star), Pedro Almodovar (Los Abrazos Rotos/Broken Embraces), Ang Lee (Taking Woodstock), Alain Resnais (Les Herbes Folles/Wild Grass), at Park Chan-Wook (Bakjwi/Thirst).

"It's a disturbing film!" sabi raw ni Bing Lao tungkol sa Kinatay. "Your film is not pleasant to watch."

Dagdag ni Direk Brillante, "Yung color-grader ko naman, sabi niya, hindi raw siya nakatulog [after watching Kinatay]."

More or less, ganito rin ang tindi ng reaksiyon mula sa iba pang kasali sa production team ng Kinatay, mula kina Odyssey Flores (cinematographer) at Albert Michael Idioma (sound designer), hanggang kina Kats Serraon (film editor) at Teresa Barrozo (musical scorer).

Bilang set designer, Brillante uses his real name, Dante Mendoza. Busy raw sa ginagawang TV commercials si Benjamin Padero (who designed Serbis, among Brillante M's other previous major works), kaya nag-takeover sa set si Direk Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have a certain look in mind," sabi niya. "Alam ko na yung blending ko ng kulay, kung paano ko gagawin yun, paano ko ige-grade..."

May inputs din si Direk Brillante sa kabuuang konsepto at dulang pampelikula.

"Meron din kasing inflections while doing the film. Pero sinasabi ko rin sa kanya [Lao]; like, yung opening, iniba ko. Sabi ko, gusto ko nakasakay sila [Coco and Mercedes characters] sa jeep, parang mas colloquial. Tapos, gusto ko, imbes na maririnig lang nila sa radyo [ang isang news report], madadaanan talaga nila, na actual, na may nangyayaring ganito. Na instead of naririnig lang nila, na-witness din nila. So, indirectly, they were part of the scene. Then, eventually, he will be a witness to the gruesome murder. May foreshadowing."

Hindi iba sa pandinig ang mga naibahagi ni Direk Brillante, dahil saan man ngayon, lalo sa mataong metropolis, laganap ang iba't ibang kaso ng krimen na walang patawad sa nabibiktima. Agad itong nagbibigay ng takot, sa isipan pa lang.

"Bine-verbalize mo yung nasa film!" natawa si Direk Brillante, sa puntong ito ng interview.

Wrapping up, sabi ni Direk Brillante, magsisilbi siyang jury sa Locarno International Filmfest (kung saan nanalo ng Golden Leopard Award for Best Film ang Masahista) sa Setyembre 2009.

Ang Serbis, magku-compete sa Barcelona at Torino International Filmfests. Latest update: nanalo ang Serbis sa 11th Barcelona Asian Film Festival (BAFF). Ang award nito, Premio Cinematek, mula sa Spanish TV channel as Best Film for Distribution throughout Spain.

Meanwhile, nagku-compete pa rin sa iba't ibang world festivals ang multi-awarded nang Foster Child at Tirador ni Brillante Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN