Yasmien Kurdi gladly passes on Princess of Afternoon Soaps title to Kris Bernal

Yasmien Kurdi took time off from show business to concentrate on her studies and has been rewarded with high grades. "Nagsunog talaga ako ng kilay. Gusto ko kasi maging magandang example sa ibang artista na puwede naman mabalanse ang showbiz at school," said the scholarly soap star.


Kahit nga medyo matagal na walang ginawang drama series si Yasmien Kurdi, wala naman daw siyang nararamdamang insecurity sa mga namamayagpag ngayon na mga baguhan sa GMA-7.

Sabi nga ni Yas ay kung ano ang tagumpay ng kapwa niya Kapuso ay tagumpay din daw niya dahil sa iisang network lang sila nagtatrabaho.

Ngayon kasi ay si Kris Bernal ang tinatawag na Princess of Afternoon Soap Dramas dahil sa mataas na ratings ng GMA Sinenovela na Dapat Ka Bang Mahalin? Dati ay si Yasmien ang may hawak ng titulong iyon dahil sa magagandang ratings ng mga naging afternoon drama series niya na Saan Darating Ang Umaga?, Pati Ba Pintig ng Puso? at Pasan Ko Ang Daigdig.

Para kay Yas ay naipapasa naman daw ang mga titulo. Hindi naman daw forever ay siya ang may hawak nito.

"Hindi naman ako selfish na tao and the title is for everyone na nagkakaroon ng magandang achievement sa puwesto na iyon. Believe it or not, happy ako kay Kris at Aljur (Abrenica). Kasi masipag silang dalawa at dapat lang na maganda ang ratings ng show nila.

"Dumaan na ako sa ganyan at masaya ako kasi kahit nagpahinga ako nang saglit because of school, may mga nakahanda pa ring projects sa akin. Choice ko naman ang piliin muna ang studies ko kasi enjoy ako sa pag-aaral.

"Whoever deserves the title, welcome siyang hawakan iyon. Pangalagaan lang nila tulad ng ginawa ko at ng iba pang mga Kapuso," ngiti ni Yasmien.

EASY COMEBACK. Sa muling pagbabalik ni Yasmien sa paggawa ng TV shows, sinimulan niya ito sa Dear Friend: Madrasta with Iwa Moto, Gary Estrada and Kevin Santos. Nakakuha ang pilot airing nito ng mataas na 14.1 percent rating last Sunday (May 17). Ngayon nga ay kasama siya sa malaking cast ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa with Jennylyn Mercado and Nadine Samonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw pagsisisi si Yasmien nang piliin niya muna ang pag-aaral niya. Naging rewarding naman daw ang pagbabalik niya sa school sa New Era University kunsaan kumukuha siya ng kursong International Studies.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa GMA-7 for allowing me to pursue my studies. Ito naman kasi ang gusto kong gawin at talagang na-miss ko ang nasa classroom ako at may interaction ako with other students. Iba talaga ang feeling kapag busy ka sa school.

"Pero siyempre, hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang work ko sa showbiz. Kapag may time talaga, tumatanggap ako ng mga out-of-town shows. Minsan nasa SOP naman ako. Okey naman ako sa mga guestings basta hindi makaka-interfere sa schedules ko sa school. Tulad ngayon, ang taping ko for SRO Cinemaserye ay okey lang kasi hindi niya nasasagasaan ang schedules ko sa school."

HIGH GRADES. Masayang binalita ni Yasmien na noong mag-summer classes siya ay matataas ang grades niya. Nakakuha nga raw ng flat "1" si Yas sa kanyang Mathematics at Economics classes. The rest nga raw ng kanyang subjects ay hindi bababa sa grade na 1.75.

"Nagsunog talaga ako ng kilay. Pangako ko kasi sa sarili ko na gagawin ko ito kahit na mahirapan ako. In the end, maganda naman ang naging resulta. Gusto ko kasi maging magandang example sa ibang artista na puwede naman mabalanse ang showbiz at school. Kung kaya naman, bakit di subukan, di ba?" pagtatapos ni Yasmien Kurdi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN