Did a real ghost appear during Dalaw shooting?

The disembodied head of a child with wavy hair was reportedly caught on film watching the confrontation scene between Tonton Gutierrez (right) and Glydel Mercado (left), although no one on the set, including the actors, saw this child while the camera was rolling. "Hindi gumana yung third eye ko!" joked Glydel.


Last Friday, May 22, naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa Semicon Building sa Scenema Concept kung saan ipinakita ang mismong shoot ng isang eksena sa pelikulang Dalaw, directed by Joven Tan, na pinagbibidahan ni Katrina Halili.

Ang Dalaw ay isang horror-suspense movie na tila hindi na kinailangan ng artificial na multo ng movie dahil sa pagkagulat ng lahat. Noong ini-edit na ang confrontation scene ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ay may ulo ng tila bata na medyo wavy ang buhok at kita ang upper forehead na sumilip sa pinto habang kinukuhanan ang confrontation scene nila.

What struck them ay isang take lang daw ang naturang scene dahil good take ito agad at kahit nang i-view sa video assist, walang ulong sumungaw sa video at definitely, clear ang mismong parte ng abandoned house na yun sa Dalahican, Cavite, ang shooting location.

Ang kapansin-pansin pa, walang katawan ang ulo at walang na-register na anino nito. Gayong noong si Glydel ang dumaan sa pinto, malinaw ang anino ni Glydel at nakita pa sa butas ng capiz na pintuan ang palda at paa ng actress.

UNAWARE OF PRESENCE. Tulad ng ilang entertainment press, first time din na nakita noong Friday nina Glydel at Tonton ang naturang "multo" sa eksena nila sa Dalaw.

Ayon nga kay Tonton, "Actually, noong sinu-shoot namin, wala naman kaming totally na nakita. Kasi, nakaharap ako dun sa may pinto. Wala naman akong nakita, wala naman akong naramdaman.

Sinegundahan ni Glydel ang sinabi ni Tonton. "Clear talaga yun. Kasi, yung standby area namin, sa dulo, sa kabila. Nagulat ako noong nakita ko kanina. Kasi, wala naman akong naramdaman noong time na yun. Hindi gumana ang third eye ko!" natawa na lang niyang sabi.

Noong nagsu-shooting ba sila, may nararamdaman ba silang kakaiba?

"Actually, pinag-uusapan namin yun," sabi ni Glydel. "Parang abandoned house siya ng mga US navy dati. Tapos, sabi namin, siguro may moomoo rito. Tapos, hindi naman namin akalain na may lalabas nga sa video na ulo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about Tonton, may nararamdaman ba siyang kakaiba?

"Wala naman ako. Kasi, hindi naman open yung third eye ko or whatsoever. Pero itong si Gly, gusto niyang i-open ang third eye niya. Gusto niyang makakita ng ganoon. But ako, wala akong naramdaman. Wala akong nakita. At the same time, ayoko rin maramdaman. Ayoko rin makakita. Takot ako," pag-amin ni Tonton.

ABANDONED HOUSE. First time raw na pinayagang may mag-shooting sa bahay, na almost 40 years na raw yatang abandoned. Posible kayang may nabulabog sila?

"Ako, naniniwala ako," sabi ni Glydel.

Sabi naman ni Tonton, "Ako rin, naniniwala akong meron talagang mga spirits na hindi pa nakakatawid sa dapat nilang tawiran. Naniniwala ako sa ganoon."

Sina Tonton at Glydel ang gumaganap na mga magulang ng child star na si Kristel Fulgar na siyang "dumadalaw" sa movie. Habang si Katrina naman ang journalist na nagko-cover ng kuwentong 'yon.

WOMEN BEWARE. Since they both worked with Katrina, how do they feel sa ordeal na pinagdadaanan ni Katrina ngayon?

"Well, ako as a person, I feel so sorry for her na nangyari ito sa kanya," pahayag ni Tonton. "But, hopefully, it serves as a lesson for her. Not only for her, but for all women. Even yung mga lalaki that they shouldn't be doing that."

Sagot naman ni Glydel sa sinabi ni Tonton: "Hindi niya kasi alam [Katrina]. Hindi niya alam. So, akong babae, talagang nakakainis! Pinagkatiwalaan mo yung lalaki, pagkatapos ganoon ang mangyayari, magkakalat ng video. Although, kung hindi man siya ang nagkalat ng video, sana makonsensiya na kung sinuman ang nagkalat ng video na yun. Wala siyang respeto sa babae, yung nagkalat ng video na yun."

Ayon naman kay Tonton, "It's a lesson for everyone na hindi dapat bini-video yung mga ganoong intimate moments. So, whatsoever, kung trip-trip lang, e, kalimutan na lang dahil ito ay nakakasira ng pagkatao at puri ng tao. So sana, tigilan na yung mga ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEARS FOR NOMAR. Nagkataon naman na noong gabing nakausap ang mag-asawa, papunta raw sila after ng presscon sa Asian Hospital para dalawin si Richard Gutierrez na naaksidente nga nang umagang yun. Si Richard at si Tonton ay magkapatid sa ama (Eddie Gutierrez).

Si Glydel naman ay hindi napigilang maging emosyunal dahil sa pagkamatay ng assistant ni Richard na si Nomar Pardo.

"Gusto rin naming makiramay. Kumpare kasi namin si Nomar, yung namatay. Inaanak ko yung panganay niya. So, nakikiramay kami. Hindi pa namin napupuntahan."

Hindi na napigilan ni Glydel ang mapaiyak.

"Sobrang bait ni Nomar, sobrang lambing niya sa akin, kung makayakap yun kapag nagkikita kami," naluluha niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN