John Lloyd Cruz bothered by media hype over tender scene with Luis Manzano


"So dito, pag pinanood ninyo ito, ang dapat pag-usapan dito is yung first time makikita mo si Ate Vi sa ganitong klaseng character. I don't think nakita na ng kahit sino si Ate Vi sa ganitong persona. May mga eksena siya na nahuhulog siya sa basurahan. 'Saka nakakatawa, ibang-iba yung Ate Vi na makikita ninyo. And I think yun ang dapat bigyan natin ng hype," says John Lloyd Cruz about the movie In My Life.


Dumating na ang aktor na si John Lloyd Cruz mula New York kung saan nag-shoot siya ng In My Life, ang pelikulang pinagbibidahan nila ng Star for All Seasons Vilma Santos. Gumaganap sa pelikula si John Lloyd bilang isang gay at kapareha niya rito si Luis Manzano. Si Olive Lamasan ang direktor ng Star Cinema production.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd kahapon, May 24, pagkatapos ng ASAP '09 kung saan mainstay siya. Kinumusta namin sa aktor ang shooting nila ng In My Life sa New York.

"Okey naman," sambit niya. "Tapos na kaming mag-shoot sa States. Maganda yung naging take off namin sa New York, especially yung sa amin ni Luis. Kasi yung sa amin, medyo mahirap yun, e. Ang daming nuances na kailangang ma-establish. And hindi lang ma-establish... Yun bang kailangang is from within kumbaga. So, dapat ganoong character, puso 'yan, e. Hindi naman siya yung parang bibihisan mo lang na, alam ninyo yun, yung mga typical...mga naging roles na ginawa na rin dito, di ba?"

First time ni John Lloyd na gumanap na gay sa pelikula. Anong paghahanda ang ginawa niya for his role?

"Kami ni Luis, nag-workshop kami under Direk Laurice Guillen's supervision," sagot niya. "Medyo may partly academic. Pero hindi matagal, dalawang araw lang. 'Saka kay Direk Olive. We did some immersion sa New York. Basically ano, e, characterization. So kailangan kong makabuo ng isang character sa pagkatao ni Noel—yun yung pangalan ko sa movie.

"'Saka kami naman kasi ni Luis, mas naghanda ako mentally at psychologically. Kasi kami naman ni Luis in terms of ano... Buddy-buddy naman kami niyan and hindi na kami naiilang."

KISSING SCENE WITH LUIS. So, kahit sa kissing scene nila ni Luis ay hindi sila nagkailangan?

"Isa yun sa part ng... Ayun, gusto ko medyo..." bitin niyang sabi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na huwag pag-usapan?

"Ay, hindi naman sa hindi pag-uusapan," paglilinaw ni John Lloyd. "Siyempre, hindi naman puwedeng hindi 'yan mapapag-usapan. Kaya lang, nagkakaroon lang kasi siya ng maling inclination. Yung kissing scene, nangyari yun... Actually, hindi siya kissing scene, e. It was a very tender intimate moment of Luis and myself. And sa tingin ko, we were able to make it work kasi napaiyak namin si Direk Olive.

"I'm not saying na yun lang ang basis of good work. Ang sinasabi ko lang is that, si Direk Olive yung nakakaintindi kung ano yung gusto niyang makuha out of the scene. So, ayun, maganda ang kinalabasan because, yun nga, I think naniwala si Direk Olive sa gusto niyang makuha from the two of us, me and Luis."

Totoo bang nahirapan silang i-shoot ang kissing scene nila dahil marami raw Pinoy sa New York ang kumuha ng picture sa eksena nila at ipinost na ito sa Internet?

"Yun nga ang gusto sana naming maayos, kasi hina-hype nila yung maling idea about the film. Kasi, unang-una, hindi naman siya gay picture. Alam ninyo, nahihiya na ako kay Ate Vi kasi hindi naman namin ito pelikula ni Luis. Pelikula ito ni Ate Vi, maaari naming tatlo. Pero there's Ate Vi, alam ninyo yun?

"So dito, 'pag pinanood ninyo ito, ang dapat pag-usapan dito is yung first time makikita mo si Ate Vi sa ganitong klaseng character. I don't think nakita na ng kahit sino si Ate Vi sa ganitong persona. May mga eksena siya na nahuhulog siya sa basurahan. Saka nakakatawa, ibang-iba yung Ate Vi na makikita ninyo. And I think yun ang dapat bigyan natin ng hype," saad ni John Lloyd.

Kumusta naman ang mga eksena nila ni Vilma sa pelikula?

"Marami pa kaming hindi nakukunan ni Ate Vi. Kasi alam naman natin lahat na sa New York, ang kinukunan lang yung exterior. Kung may interior man, yung mga hindi namin kayang dayain dito. So yung mga highlight, yung mga confrontation, wala pa kaming gaanong nagagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUMORED BREAKUP. Noong umalis ng bansa si John Lloyd para sa shooting ng In My Life, may naglabasang isyu na nag-break na sila diumano ni Liz Uy noong February pa this year. Ano ba talaga ang katotohanan tungkol dito?

"Itong isyu na ito ay maipapaliwanag ko sa magandang paraan, sa mas malinaw na paraan. Pero from the meantime, hihilingin ko siguro na hayaan ninyo muna ito as it is," pakiusap ng aktor.

"Pero darating tayo doon," patuloy niya. "Pagdating doon, mas magandang pag-usapan yun. Kasi, kumbaga, mas natural na yung flow niya out of my system. Sa ngayon, mahirap lang kasi maraming factors, kung saan mo ilulugar yung sarili mo bilang lalaki, bilang galing doon. So, mahirap."

Sa sinasabing breakup nina John Lloyd at Liz, nadawit ang pangalan ni Ruffa Gutierrez. Ang actress-TV host daw ang third party involved sa paghihiwalay ng dalawa. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Mahirap naman kasi yun. Kahit nga si Sarah [Geronimo], lumalabas din yung pangalan niya. E, hindi yun fair. Nakakahiya naman sa kanila.

"I don't think si Ruffa would allow herself to be involved in a situation that would disgrace the name of the family, di ba? Hindi magandang palakihin kasi nakakahiya naman. Lalo na ngayon, dyusko, yung dinadaanan ng pamilya nila. Si Richard [Gutierrez, Ruffa's brother] naaksidente, may isang buhay pa na nawala... Alam ninyo yun?" paliwanag ni John Lloyd.

Pero posible ba na magkagusto siya kay Ruffa?

"Bakit hindi, e, Miss World yun?" sagot ni John Lloyd patungkol sa Second Princess ng Miss World noong 1993.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN