Iza Calzado admits dating non-showbiz guy, still friends with her ex-boyfriend

"Wala, basta ako masaya, I go out on dates. Basta I'm just dating somebody, like this one person lang... Oo, non-showbiz, so okay na yun," says actress Iza Calzado about her current date.


May kumakalat na balitang ang kasintahan ngayon ni Iza Calzado ay isang businessman na involved sa magazine publishing. Kaya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa last taping day ng All About Eve ng GMA-7, tungkol sa lovelife niya ang unang itinanong namin sa kanya.

In love nga ba si Iza ngayon?

"Hangga't walang pruweba, ngiti ka lang!" natatawa at paiwas na sagot ni Iza. "Wala, basta ako masaya, I go out on dates. Basta I'm just dating somebody, like this one person lang... Oo, non-showbiz, so okay na yun."

Ito nga ba yung publisher daw?

"Ewan ko!" natatawang sabi ng aktres.

Sa kapipilit ng PEP kay Iza, nagbigay siya ng kaunting detalye tungkol sa sinasabing special guy sa buhay niya ngayon.

"A little bit older lang. Single siya, not married."

Gaano na sila ka-close?

"Basta masaya ako. Tama na... Kapag ready na ako, 'tsaka na lang."

Nang tanungin ng PEP si Iza kung ano ang pangalan ng non-showbiz guy na steady date niya, sinabi niyang: "Bawal banggitin ang pangalan niya. Sabi ko lang bawal, ako ang nagbawal. Ha-ha-ha!"

THE EX-BOYFRIEND. Mas masaya ba siya ngayon kesa noong sila pa ng huli niyang boyfriend na si Jerry Garcia?

"Ay, walang ganun! Kasi kapag may comparison, talo lahat, hindi fair," iwas niya.

Ano ang ginawa ni Iza para maka-move on siya mula sa breakup nila ni Jerry?

"Hindi naman kailangan ng sobrang ganun," sabi niya. "It was just time to move on. Hindi naman kailangang gumawa ng drastic na ano. Nagkataon lang na dumating yung mga trabaho, na hindi naman sinasadya."

Friends pa rin ba sila ni Jerry?

"Oo, friends pa din kami," sagot ni Iza.

Pero hindi na raw regular ang communication nila. Alam din daw ni Jerry tungkol sa "special friend" ngayon ni Iza.

Hindi ba nagkaroon ng attempt or effort para mag-reconcile sila ni Jerry?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na. Okay na siguro 'tong ganito," matipid niyang sagot. "Honestly I'd rather not be into a long-distance relationship, or have somebody keep leaving me."

Sa U.S. kasi naka-base si Jerry bilang manager ng bandang The Speaks (kumanta ng "High"). Sa kasalukuyan nga, balitang nakahanap na ng bagong pag-ibig si Jerry sa katauhan ng dating TV personality na si Cher Calvin.

So, nahirapan si Iza sa long-distance relationship nila dati?

"For me, kasi iba-iba naman ang tao, e. Para sa akin lang siguro, sa pagkatao ko, hindi puwede," aniya.

Nag-effort naman daw nang todo si Jerry na magsakripisyo at mamalagi sa Pilipinas alang-alang kay Iza.

"He was sacrificing heavily, honestly. Pero siyempre, hindi ko naman siya puwedeng pilitin na dito na siya agad, e, may tinatapos pa siya dun [U.S.], e. Yun lang naman yun."

Paano nila na-maintain ang friendship nila ni Jerry?

"Mabait siya e, understanding. Mabait din naman ako sa kanya, at mahal ko yung pamilya nun. Ang laking tulong sa akin nung pamilya, grabe! Ang laki ng utang na loob ko sa mga Garcia, yung respeto ko sa kanila, todo! I mean, hindi ko man sila laging nakikita, pero kung may hingin man sila or may kailangan akong gawin para sa kanila, agad-agad ginagawa ko."

JUDAY-RYAN WEDDING. Close friend ni Iza si Judy Ann Santos, na nakasama niya sa mga pelikulang Sabel (2004) at Ouija (2007). Isa si Iza sa mga espesyal na bisita sa selebrasyon ng kasal nina Judy Ann at Ryan Agoncillo.

"Naiyak ako sa tuwa, nandun ako sa celebration," sambit ni Iza.

Habang nakikita niya ang mga bagong kasal, hindi ba naisip ni Iza na, sana ako rin?

"Hindi," ngiti niya. "Naisip ko na sana ganyan din ako in the future, not now. Actually, when they got engaged pa lang, I always said that I hope I end up with someone like that. Then when we were in Camiguin [sa shooting ng Ouija], I saw how in love they were. Hindi mo maitatanggi na in love yung dalawa and that's a great and wonderful feeling. Hindi lang dahil isang tao ang nagmamahal sa kanila, parehong mahal nila ang isa't isa, and I believe that's how a relationship should be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ililihim din ba ni Iza if ever na ikakasal na siya, gaya ng ginawa nina Judai at Ryan?

"Malamang!" tawa niya. "Hindi naman ako si Juday na superstar na ganun. Pero kasi, gusto ko mga 80 to 100 lang din ang guests. Wala naman sigurong masama kung yun ang hiling mo sa buhay mo, di ba?"

ALL ABOUT EVE. Sa nalalapit na pagtatapos ng All About Eve, sino ang pinakamami-miss ni Iza sa show?

"Si Tita Celia Rodriguez," mabilis na sagot ni Iza. "Naging good friends kami, e. And parang I found another mom in her... And lahat naman sa set, we will miss each other."

Ano ang next project ni Iza pagkatapos ng All About Eve?

"Movies, like yung Panday at Dukot ni Direk Joel Lamangan. It's a movie [Dukot] about extra-judicial political killings."

What about sa TV?

"Sa QTV muna, cooking show. Host ako, 'tapos may chef. Start 'to ng June. Ang working title pa lang, e, Healthy Cravings," pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN