Annabelle Rama and daughter Ruffa Gutierrez reconcile because of Richard's accident

"Siguro sometimes, it's very sad to say...kaming dalawa ni Mommy. She's on the way sa hospital and I am so shocked [about] the news. I mean, nakakalungkot sabihin, pero kung minsan, nangyayari talaga that it has to take a tragedy para ayusin ang pamilya or makapagbati ka sa mga magulang mo," says Ruffa Gutierrez (right) about mom Annabelle Rama (left).


Bago ang live interview ni Kris Aquino sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong Linggo, May 24, tila may pa-blind item pa si Kris na: "Kung naririnig n'yo lang po ang pinagbubulungan nila bago ko kayo i-introduce..."

Ang unang tanong na ibinato ni Kris sa mag-ina ay kung paano sila nagkabati. Kris told them na nasubaybayan din daw nila sa The Buzz ang "almost one month" na alitan ng mag-ina.

Kuwento ni Annabelle, "Papunta na akong Olivarez [Hospital] sa Tagaytay. Tumawag siya [Ruffa] sa akin, tinanong niya ako kung anong balita. Siyempre naman, sinagot ko. Nakalimutan ko na magkaaway pala kami.

"Sinagot ko. Sinabi ko sa kanyang papunta na kaming Tagaytay kung saan nandoon si Richard. Tapos sabi niya, magbibihis na rin daw siya, papunta na rin daw siya kung nasaan si Richard. Sabi ko, tumuloy na lang siya sa Asian [Hospital] dahil dadalhin si Richard doon ng ambulance."

Ayon naman kay Ruffa, "Nag-iyakan kami sa phone. Siguro, sometimes, it's very sad to say...kaming dalawa ni Mommy. She's on the way sa hospital and I am so shocked [about] the news. I mean, nakakalungkot sabihin, pero kung minsan, nangyayari talaga that it has to take a tragedy para ayusin ang pamilya or makapagbati ka sa mga magulang mo."

Sinabi naman ni Kris na nasa Bible daw talaga, sa Ten Commandments, "to honor your mother and father." So whatever happens, ang anak talaga ang dapat na nagpapakumbaba.

"I always make pakumbaba that's why I'm so blessed," sagot naman ni Ruffa. "How can you fight naman if your mom is Annabelle? Ikaw [Kris] nga, your mom is Tita Cory [Aquino, former Philippine president], you're so lucky!" sabay hilig sa balikat ni Annabelle.

Sagot naman ni Kris, blessed din si Ruffa dahil ang mommy niya ay si Annabelle.

"Oo naman, Kris," pagsang-ayon ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKE FATHER, LIKE SON. Thirty years ago, Eddie Gutierrez also experienced a car accident na halos katulad ng nangyari sa anak niyang si Richard ngayon.

Ayon kay Annabelle, "Yung kotse ni Eddie at saka kotse ni Richard, pareho. Parang mga lata na lang sila. Pero si Eddie, grabe ang nangyari. Yung intestine niya, nag-ruptured intestine. Pinutulan, dinugtong. Dito siya nagdudumi sa side. Then, after three months, inoperahan siya ulit.

"Mas mahirap ang dinanas ni Eddie kesa kay Richard. Si Richard, talagang milagrong-milagro talaga na pasa-pasa... Konting ano lang dito sa may mata niya."

Exactly 30 years daw ang pagitan ng naganap na aksidente kay Eddie at sa anak nitong si Richard. Noong 1979 kay Eddie at ngayong 2009 naman kay Richard.

Tinanong ni Kris si Annabelle kung paano nila nalaman ang nangyaring car accident ni Richard.

"Si Redgie Magno, yung executive ng GMA-7, panay ring ang telepono ko. Kaya sabi ko, 'Sino ba itong tumatawag, three o'clock in the morning?' So, 'Tita, huwag ka munang mabibigla...' So, alam ko na. Ibig sabihin, bad news!

"Noong sinabi sa akin, 'Richard,' nag-panic na ako! 'Naaksidente?' Ang alam ko, nasa bahay na si Chard. Kasi tinawagan ko siya ng 11:30. Sabi niya sa akin, matutulog na raw siya. Hindi ko nga alam kung nanaginip ba ako. Tinext ko si Nomar [Prado, PA of Richard who died in the accident], sabi ko, 'Maaga ang shoot n'yo bukas, 6 a.m.' Kaya ako gilting-guilty, iyak ako nang iyak papunta..."

Then, biglang binalingan ni Annabelle ang anak na si Ruffa at sinabing: "Bakit ka bulong nang bulong?"

Natatawang sabi ni Ruffa: "I'm so stressed kapag si Mommy kasi ang guest! Kasi, si Mommy, gilting-guilty dahil inaway niya si Nomar the night before kasi..."

Naputol ang kuwento ni Ruffa dahil diniretso ito ng ina ng, "Bakit ikaw ang nagkukuwento, Ruffa?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay..." nakangiting sagot ni Ruffa sa ina, na sinegundahan naman ni Kris ng: "Kasi sinabi mo sa kanya kung ano ang ibinubulong niya."

NOMAR'S DEATH. Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Annabelle, "Iyak ako nang iyak kasi na-guilty ako kay Nomar. Kasi si Richard, kapag na-late sa set, siya ang inaaway ko. Si Nomar, sa sobrang pagmamahal niya kay Richard, hindi niya masabing, 'Chard, alis na tayo. Chard, alas-sais na.' Ayaw niyang mangulit. Papabayaan niya si Richard.

"Kung kumakain, hindi niya sasabihin, 'Chard, pakibilis pagkain mo, male-late na tayo.' Hindi niya masabing ganoon. Kaya ako nagagalit. E, magkaaway kami that day kaya ako nagi-guilty. Noong sinabi sa akin, 'Patay na...'

"Nomar, nandiyan ka man sa harapan ko, I'm very, very sorry... Kaya kahapon, ang tagal-tagal ko sa coffin niya, kinakausap ko siya. 'Alam mo, Nomar, naiintindihan mo ako, ako ang manager. Namumura kita, hindi ko sinasadya.' Kaya talagang gilting-guilty ako... Iyak ako nang iyak papunta ng ano... Kasi, sinabi sa akin ni Redgie na si Nomar... 'Si Nomar, patay na.' Talagang ako, noong sinabing patay na, talagang hindi ako makahinga.

"Nag-away talaga kami noon kaya noong sinabing patay na, talagang nag-sorry... Hanggang ngayon, nagso-sorry ako kahit pa-misa. Kaya sa guilty ko sa kanya, aalagaan ko ang anak niya."

May dalawang anak na lalake si Nomar; isang five years old at isang three years old.

"Yung dalawang bata, talagang kami ang magpapaaral. Pinapa-issue ko na si Richard ng cheque for one-year supply ng gatas. Mga pagkain nila," sabi ni Annabelle.

Natawa si Kris at halatang nagulat nang biglang iluwa ni Annabelle ang candy na nasa bibig habang nagsasalita. Kaya humingi siya ng tubig para kay Annabelle. Si Ruffa naman ay natatawa na lang, sabay sabing, "Ma!"

Natawa rin si Annabelle, sabay paliwanag na, "Kapag ako kasi ninenerbiyos, nagke-candy ako. Kasi tumataas ang sugar ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Yun na nga ang nangyari dun. Sa anumang maitutulong ni Richard sa mga anak niya... Sabi ko nga sa asawa niya [Nomar], 'Magbibigay si Richard ng tulong, pati ako, sa mga bata lang, hindi sa 'yo...mga bata lang. Mga damit, gatas, pangkain nila... At least, hindi sila magugutom. Nandito naman kaming dalawa, tutulong sa kanila.' Kasi, kawawa naman ang asawa, walang trabaho, tapos maliit pa ang mga bata."

MOTHER'S INSTINCT. Ayon kay Kris, bilang nanay, 'yan ang tawag sa telepono na ayaw na ayaw mong marinig. Ano ang naglaro sa utak ni Annabelle noong time na yun?

"Actually, pagdating ko doon sa emergency room, pagkita ni Richard sa akin sa Olivarez Hospital, ang sabi ni Richard, 'I'm sorry, Mommy...' Kaya siya nagso-sorry sa akin, kasi that day, sabi ko sa kanya, 'Chard, nandiyan na ang driver mo, mag-van ka. Kasi, gusto ko maganda ang tulog mo.' Kasi meron siyang shoot ng Globe after ng taping.

"'The next day, gusto ko maganda ka, guwapo ka. Wala kang eyebags. Mag-van ka na.' Tapos, sabi niya, 'Hindi, ako ang magda-drive.' 'Huwag ka na kasing mag-drive, ang layo-layo ng Tagaytay.' At saka ang alam ko, masama yung mga way papuntang Tagaytay. Tapos sabi ko, 'Chard, ingat lang, ha. Huwag kang magmadali. Ingat sa mga curves.' Kaya sabi niya sa akin sorry nang makita niya ako," kuwento ni Annabelle.

Ano ang nasabi niya sa pamilya while this was ongoing? Did they pray together? Kasi, sinabi ni Annabelle na yung pagdarasal niya talaga ang nakatulong to save Richard.

"That morning, noong nasa operating room si Chard, lahat kami nasa church ng Asian [Hospital], na maging successful kung anuman ang ginawa sa kanya ng doctor. Kasi, hindi ko na alam kung ano ang ginawa sa kanya. Marami raw bubog. Yung kanyang mata, maraming pumasok na bubog, pero nai-flush na raw nila. Pero sabi nila, 'Ipa-check mo ulit sa Asian baka may natira.' Kasi si Richard, panay ang reklamo na masakit ang mata niya. Sa awa naman ng Diyos, yung kanyang doctor, si Dr. Rigor Reyes, magaling talaga siya, walang nakitang naiwan ni isang bubog. So, nagpapasalamat talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Annabelle, nakapag-check out na raw si Richard noong Linggo rin.

"E, kasi, gusto niyang um-attend sa launching ng Flawless dahil nakakontrata siya run. Pero hindi rin siya matutuloy kasi nilagnat siya bigla."

Pero kahit may lagnat si Richard, plano pa rin daw niyang dumalo sa mass for Nomar noong Linggo ng gabi.

Tanong naman ni Kris kay Ruffa, anong mensahe ang gusto niyang iparating sa kanilang ina, lalo pa nga't sa pamilya, ang nanay talaga ang nagdadala ng mga problema?

"Well, you know, my mom is a strong woman," sabi ni Ruffa. "And if there's anyone that keeps our family together, it's really my mom. Kasi, talagang matapang siya. So, alam ko naman na lahat ng problemang dumarating sa pamilya namin, kaya niyang dalhin. Minsan, emotional siya. Minsan, nagsasalita ng mga things na nakakasakit na nire-regret din naman niya in the end..."

Kaso, hiniritan agad ni Annabelle ang anak na hindi raw siya nagre-regret. Kung ano raw ang mga sinabi niya kay Ruffa, totoo raw lahat yun.

Sa huli, nagpasalamat si Annabelle sa lahat ng doctors na tumingin kay Richard. Gayundin sa mga nagpadala ng mga bulaklak, text messages, at nagdasal. Na-realize daw niyang marami pala ang nagmamahal kay Richard.

Nagpasalamat din si Annabelle sa Kapuso at Kapamilya.

Dahil sa pagkaka-mention ni Annabelle sa Kapuso, sumundot ng tanong si Kris kung bati na raw sila ng isang Kapuso.

"Sino yun? Don't mention bad word, Kris," sagot naman ni Annabelle.

Naisip lang daw ni Kris na, "A tragedy like this might humble anybody."

"Bawal ang devil sa show na ito. Manahimik tayo," buwelta ni Annabelle.

Biglang tanong naman ni Ruffa sa kanyang ina: "Ma, do you love me?"

"Sometimes Ruffa, if you behave..." sagot ni Annabelle.

Tanong naman ni Kris kay Ruffa, "Do you love your mom?"

"All the time, Kris!" nakangiting sagot niya, sabay tingin sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hirit ni Annabelle: "Ruffa, nasa public tayo ngayon, ha. Yung sinasabi mong 'all the time', dapat susundin mo yung 'all the time!'"

Sa huli, naalalang kumustahin ni Kris ang bodyguard ni Richard na si George. Sabi ni Annabelle, "Wala nga siyang gasgas kahit isa man lang. Sabi ko, 'Ano ba ginawa mo at wala ka man lang gasgas? Bakit si Richard, punung-puno ng gasgas?' Sabi niya, 'Hindi ko po alam, Ma'am.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN