Mainstream stars featured in this year's Cinemalaya Film Festival

(From left) Dennis Trillo, Maricel Soriano, and Alfred Vargas are among several mainstream stars featured in this year's Cinemalaya Film Festival.


Isa sa pang-akit ng Cinemalaya 2009 Film Festival at ng Competition sa Cultural Center of the Philippines (CCP) mula Hulyo 17 hanggang Hulyo 26 ay ang pagpapalabas ng mga feature-length and short films na tampok ang mga kilalang aktor at aktres ng mainstream Philippine entertainment.

Nasa ikalimang taon na ngayon ang annual Cinemalaya Filmfest. Kaiba sa mga nakaraang taon na may set of stars ang film entries, na mas identified sa mga digital-indie movies—this year's festival boasts popular TV-movie actors na naengganyo na ring gumanap sa mga pelikulang digital na gawa ng independent movie outfits at kalahok sa prestihiyosong CCP-sponsored Filmfest.

Tulad nina TJ Trinidad in Ang Panggagahasa Kay Fe, kasama si Irma Adlawan, na unang nakilala sa teatro at indie movies, pero ngayo'y itinuturing na "mainstream talent" dahil sa sunud-sunod na pagganap sa mga teleserye at mga pelikulang gawa ng mainstream networks at film studios.

Kasama rin sa pelikula sina Nonie Buencamino at Mercedes Cabral (Serbis and Kinatay), sa direksiyon ni Alvin B. Yapan.

Lead role din ang ginampanan ni Irma sa Mangatyanan (idinirek ni Jerrold Tarrog), kasama si Neil Ryan Sese. Tulad ni Irma, kilala rin si Neil sa mga TV dramas at pelikulang pang-mainstream, pero ang talent nila'y may malaking kapakinabangan sa mga makabuluhang proyekto ng independent cinema.

DIAMOND STAR. Sa Last Supper No. 3, it took Veronica Velasco and co-director Jinky Laurel to convince Diamond Star Maricel Soriano na gumanap sa isang mahalagang papel bilang clerk of court.

Sa listahan ng cast para sa pelikula, walang top billing si Maricel. Patunay na sa mga obrang Cinemalaya, o alinmang digital-indie film, ang star status ay hindi pangunahin. Higit na mahalaga ang pagsasabuhay ng mga tauhan (characterization) at husay ng pagganap ng isang artista bilang tunay na alagad ng sining.

Bukod kay Maricel, gumaganap bilang pulis ang aktor na si Ricky Davao. Ang iba pa, na kilala rin sa mainstream showbiz, ay ang mga komedyanang sina Beverly Salviejo at Debraliz Valasote, Andoy Ranay, direktor Mark Meilly (bilang judge), at character actor Jojit Lorenzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit na maraming kilalang mainstream actors ang nasa pelikulang Astig. Ang huli ay may popular ding direktor, si Guiseppe Bede Sampedro o GB Sampedro, na kilala na sa kanyang TV commercials, MTV, variety shows, at concerts. Si GB ay nanalo pa ng Aliw Awards best-concert director for Sarah Geronimo... The Other Side. At sa kasalukuyan, siya ang direktor ng Ruffa and Ai sa ABS-CBN.

Sa Astig ni Sampedro, ang "other side" nga ng mga mainstream actor-performers—like Dennis Trillo, Paolo Paraiso, Sid Lucero—ang mapapanood. Ang tanong: mag-click kaya ang mga aktor na ito, lalo na si Dennis, sa una niyang pagganap sa isang digital-indie movie?

Isa pang popular Kapuso Network talent, si Alfred Vargas, ang bida ngayon sa Cinemalaya '09 entry titled Colorum.Gumaganap siya rito bilang isang pulis na nagpapatakbo ng illegal FX taxi units.

Kasama ni Alfred sa interesting road movie na ito si Lou Veloso, na pamilyar din sa mainstream TV-movie fare, bilang isang septuagenarian ex-convict. Colorum is written and directed by Jon Steffan "Jobin" Ballesteros.

"RICHARD & RAYMOND." Ang Engkuwentro ni Direk Pepe Diokno ang isa sa magiging pinakamatinding entry this year. (Nawa'y makahabol sa opening ng festival, kung matatapos ang shooting at post-production, ayon sa ulat na nakalap ng PEP.)

May makabuluhang subject matter ang pelikula, tungkol sa iba't ibang insidente ng pagpaslang at salvaging (hinihinalang gawa ng mga vigilante) sa Davao City. Kasama sa cast sina Felix Roco (bilang si Richard) at Eda Nolan (bilang si Jenny at Jane). Kasama rin ang premyadong direktor na si Celso Ad. Castillo (bilang si Mayor Danilo Suarez).

Sa kuwento, may kapatid ang character na si Richard—si Raymond, na ginagampanan ng indie newcomer Daniel Madrana. A curious case of name-dropping ang ginamit na mga pangalan ng lead characters sa kuwento, tulad ng Richard at Raymond (after the popular Gutierrez twins?).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay maaaring "nagkataon lang" at "hindi sinasadya." Base sa trailer ng pelikula, ang sitwasyong panlipunang sinasalamin sa Engkuwentro ay malayo sa mundo ng mga Richard at Raymond na higit ngang kilala ng showbiz fans.

OTHER ENTRIES. Sa Nerseri ni Vic Acedillo Jr. ay isang batang dose anyos ang bidang character. Ang gumaganap bilang Nanay Mai nito ay si Jaclyn Jose, na popular bilang indie actress at isa ring mainstream TV-movie drama performer.

Nasa cast din ng pelikula ang sexy star na si Ynez Veneracion, veteran actor Tony Mabesa, singer-actor Lance Raymundo, at Alwyn Uytingco na binild-up ng Kapamilya network.

Sa Sanglaan ni direktor Milo Sogueco ay nasa cast din si Neil Ryan Sese (nakapaglagare siya between his tapings for the teleserye Tayong Dalawa on ABS-CBN, at ilang araw na shooting ng Cinemalaya entries na sinalihan); Joem Bascon (another Channel 2 mainstay, na kasama ngayon sa Bud Brothers afternoon series); at dalawang aktres na puwedeng pang-mainstream at indie: the ever- reliable veteran actress Tessie Tomas and the promising award-winning actress Ina Feleo. Last year, nasa cast si Ina ng top-rating Ligaw Na Bulaklak, at sa Habang May Buhay, yet to be aired, both on ABS-CBN.

Ang isa pang entry, 24K by Ana Agabin, has Julio Diaz in the lead cast. Hindi man palagian, lumalabas rin sa TV dramas these days si Julio, like in the top-rating GMA-7 Sine Serye Dapat Ka Bang Mahalin?. That makes him both an indie and mainstream artist. Ang iba niyang kasama sa cast, na mostly pang-indie/mainstream character roles din, ay sina Jojit Lorenzo, Alchris Galura, Archie Adamos, at Andoy Ranay.

Para sa Dinig Sana Kita ni Mike Sandejas, nasa cast ang singer-actor Robert Sena, child actress Mica Torre, at former Regal bold stud Lorenzo "Tata" Mara.

PINKY AND RYZA. Sa hanay ng mga Cinemalaya '09 Short Films entries ay kabilang sina Ryza Cenon at Ms. Pinky Marquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ryza ay nasa cast ng Musa, with veteran stage-TV-movie actor Tata Nanding Josef. Si Ryza ay nakilala bilang Ultimate Female Survivor ng isang star search, ang StarStruck ng GMA-7.

Tungkol sa isang makata at kanyang musa (muse) ang short film, na tribute sa mga akda nina batikang pangalan sa literaturang Pilipino, sina Amado V. Hernandez at Jose Corazon de Jesus.

Isa pang short film, Wat Floor Ma'Am—also by Mike Sandejas and co-director, Robert Sena—ang nagtatampok sa singer-comedienne Pinky Marquez, sa napagkilanlang papel nito sa entablado, bilang former First Lady Imelda Marcos.

Ang iba pang short film category finalists ng Cinemalaya '09 ay ang mga sumusunod: Behind Closed Doors by Mark Philipp Espina; Blogog by Rommel "Milo" Tolentino; Bonsai by Alfonso "Borgy" K. Torre III, Hulagpos by Maita Lirra Lupac; Latus by John Paul Seniel; Si Bok At Ang Trumpo by Hubert Tibi; Tatang by Jean Paolo "Nico" Hernandez; at Ugat Sa Lupa by Ariel Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN