PART IV: Hayden Kho's lawyer slams Sen. Bong Revilla's involvement in sex-video controversy

Actor-politician Ramon "Bong" Revilla's interest in the controversial sex-video issue involving Hayden Kho earned the ire of the doctor's legal counsel, Lorna Kapunan. "What I really cannot stomach here is the hypocrisy," she told PEP (Philippine Entertainment Portal) in a phone interview.


Binatikos ng abogado ni Hayden Kho na si Atty. Lorna Kapunan ang ilang pulitiko na diumano'y nakikisawsaw sa isyu kaugnay ng paglabas ng sex videos ng kanyang kliyente.

Isa ang sexy actress na si Katrina Halili sa mga babae na napanood sa kumakalat na sex videos. Inako ni Hayden ang kanyang pagkakamali sa paggawa ng video. Sumailalim na rin daw siya sa medical at psychological treatment bago pa man matapos ang 2008, at ilang buwan bago pumutok ang kontrobersiya.

Noong May 20 ay pormal na naghain si Katrina ng reklamo laban kay Hayden sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang kanyang abogado at si Senator Ramon "Bong" Revilla.

Very vocal ang senador sa pagkondena kay Hayden, na tinawag pa niyang "pervert of the highest kind" sa kanyang privilege speech noong May 19 sa Senado.

Bukod kay Bong, marami na ring iba't ibang government at non-government organizations—kabilang na ang ilang personalidad—ang nagbigay ng komento sa isyu, dahilan upang ituring ang nasabing kontrobersiya bilang isang "national issue."

RIDING ON THE ISSUE. "What I really cannot stomach here is the hypocrisy," sambit ni Atty. Kapunan nang makausap siya sa telepono ng PEP (Philippine Entertainment Portal) editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon kahapon, May 26.

"The hypocrisy of legislators and Bong Revilla, who are now saying that we must protect women's rights, we must protect privacy, we must, we must, we must..."

Idinagdag ni Atty. Kapunan na hindi raw siya puwedeng akusahan na nagbubulag-bulagan sa isyu dahil siya ay staunch supporter ng anumang usapin patungkol sa karapatan ng mga kababaihan.

"I am the president of the Stop Trafficking of Filipinos, which deals with pornography... We have advocated against cybersex. We have filed and supported bills recommending stricter penalties for pornography, and then [the] Magna Carta of Women.

"Even 'yong bill ni Miriam [Defensor Santiago], she's filed a bill on photo or video voyeurism. We checked the record, this was filed three years ago, nobody has acted upon it—certainly not Bong Revilla."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinuna rin ng abogado ang madalas na pagsama diumano ng senador kay Katrina sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan. "In full view of the press," banggit ni Atty. Kapunan, "where she has to recount [everything that happened]. That is exploitation."

WINDOW OF OPPORTUNITY. Muli ay ipinagtanggol ni Atty. Kapunan ang karakter ni Hayden kontra sa naging imahe nito ngayon dahil sa eskandalo.

Ang mga naglabasan daw na sex videos ay kinunan dalawang taon na ang nakararaan. Malaki na daw ang ipinagbago ni Hayden sa maikling panahon na 'yon. Seryoso raw si Hayden sa motibo nito na magbago kaya labis daw na ikinalungkot nito ang isyu na kasalukuyang kinasasangkutan.

"That was Hayden of two years ago," giit ni Atty. Kapunan. "Hayden of today is not like that."

Isang malaking challenge daw ang kaso ni Hayden, hindi lang para sa mga personalidad na involved kundi para sa lahat na dati nang naharap o mahaharap pa lang sa parehong sitwasyon.

"That's why I accepted the case, because now we have a window of opportunity to finally say 'Enough of this!' We should finally do something about it. Why did it have to take a Hayden and a Katrina for the public to be awakened? There have been many victims of this and nobody cares."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN