Jean Garcia still torn between Rodrigo Duterte and Grace Poe

May 3, 2016
<p>Jean Garcia on Mayor Rodrigo Duterte: "Nung una medyo natatapangan ako, medyo nakakatakot, di ba? Masyadong matapang, medyo taklesa, yung kung anong gustong sabihin, iyon, di ba, walang kinatatakutan. Pero nakikita ko yung sinseridad, e. Yung sincerity

Hanggang ngayon ay hindi pa rin desisido ang aktres na si Jean Garcia kung sino ang iboboto niyang presidente ngayong May 9 elections.

Pero may dalawa raw siyang pinagpipilian.

“Parang Duterte at saka Poe! Iyon ang pinagpipilian ko,” sabi ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang nakikita niya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para mapasama ito sa dalawang pinagpipilian niya?

Pahayag ni Jean, “Alam niya yung sinasabi niya, e.

“Nung una medyo natatapangan ako, medyo nakakatakot, di ba?

“Masyadong matapang, medyo taklesa, yung kung anong gustong sabihin, iyon, di ba, walang kinatatakutan.

“Pero nakikita ko yung sinseridad, e. Yung sincerity na gusto niyang baguhin ang Pilipinas.

“Gusto niyang makatulong, maraming plano, so…”

Hindi ba siya naapektuhan sa ‘rape joke’ ni Duterte?

Pag-amin niya, “A, medyo na-off ako. Actually, hindi ko siya gusto nung una talaga. Iyon naman.”

Ano naman ang nagustuhan niya kay Senator Grace Poe?

Continue reading below ↓

Ayon kay Jean, “Si Poe naman, si Poe is, unang-una, magulang. Di ba, ina rin naman ako, e.

“At saka alam ko naman na iga-guide din naman siya ni Manang Inday [Susan Roces, Grace’s mother], at iga-guide naman siya nga mga tao sa paligid niya kahit na sabihing, sabi nga, newbie daw siya, di ba?

“Pero sana, baka sakaling maiba, di ba, ulit, mabago.”

Kailan siya pipili sa pagitan nina Duterte at Poe ng iboboto niya?

“Siguro a week before!

“Kung ano yung… baka nga ano, e, baka a day before pa.

“Kung ano yung ititibok ng puso ko,” sabi ng aktres.

Read Next
Read More Stories About
Jean Garcia
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Jean Garcia on Mayor Rodrigo Duterte: "Nung una medyo natatapangan ako, medyo nakakatakot, di ba? Masyadong matapang, medyo taklesa, yung kung anong gustong sabihin, iyon, di ba, walang kinatatakutan. Pero nakikita ko yung sinseridad, e. Yung sincerity
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results