Dennis Trillo surprised by his fast recovery

"Sa ngayon, kaya ko na halos lahat. Pero siyempre, konting ingat na lang. Kung alam kong hindi ko kayang gawin, hindi ko naman na itinutuloy. Dati kasi, mas ano ako, e, mas daredevil ako," says Dennis Trillo about his knee surgery.


Last Sunday, May 24, ay balik na sa pagsayaw ang aktor na si Dennis Trillo sa SOP, kasama ang grupo nila nina Marvin Agustin at Gerald Santos. Kung matatandaan, kagagaling lang ni Dennis sa isang knee surgery at sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo, nasabi nitong kung tatlong buwan din lang ay hindi pa puwedeng magsayaw si Dennis at gumawa ng iba pa niyang normal activities bago siya operahan.

Pero ayon kay Dennis, maging siya mismo ay nagugulat sa bilis ng recovery niya.

"Okey naman na ako, 'eto ang bilis ng recovery. Nagpa-pre-op kasi ako, so nakatulong siya. Tapos, nagpa-therapy pa ako after. Tapos, inaraw-araw ko, kasi bakasyon ako. Holy week yun, so nagkaroon ako ng time na makapagpahinga at makapag-therapy.

"Sa ngayon, kaya ko na halos lahat. Pero siyempre, konting ingat na lang. Kung alam kong hindi ko kayang gawin, hindi ko naman na itinutuloy. Dati kasi, mas ano ako, e, mas daredevil ako," saad ni Dennis sa PEP.

ADIK SA 'YO. Nakakapag-taping na rin si Dennis ng bago niyang primetime series sa GMA-7, Adik Sa 'Yo, kung saan kasama niya sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, at ang kapareha niyang si Jennica Garcia.

"Okey naman ang taping namin, magaan," sabi ng aktor. "Natapos ako 5 p.m. Second day, before dinner, tapos na ako. Sa third taping namin, hindi ko pa alam, baka bumawi. Pero okey lang, masaya naman.

"At saka marami akong natututunan kay Direk Joel [Lamangan]. Iba kasi ang pamamalakad niya sa set. First time kong mag-TV kay Direk Joel. Iba kasi kapag TV. Pero ganoon pa rin naman, maalaga siya sa mga artista niya."

Nakatrabaho na ni Dennis si Direk Joel sa una niyang pelikula, Aishite Imasu (2004), kung saan nanalo siya ng award mula sa iba't ibang award-giving bodies. Nasundan pa ito ng Mano Po 3 (2004) at Blue Moon (2006).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang BatangueƱo raw ang role ni Dennis sa Adik Sa 'Yo. Napadpad ang character niya sa Manila at makikilala niya si Jennica, na isa namang Manila girl.

Kilala si Dennis sa drama. Hindi ba siya naninibago sa ginagawa ngayon?

"Siyempre, artista tayo, hindi naman puwedeng mag-stick ka lang sa isang genre lang, like drama lang. Siyempre, kailangang subukan mo rin lahat-lahat. Sa ngayon, mas magaan. Ano lang, parang ina-adjust mo lang nang konti at hindi na ganoon kabigat ang emotion. Pero siyempre, iba pa rin ang magpakilig, mas lamang talaga," saad niya.

TEAM-UP WITH JENNICA. Kumusta naman si Jennica as his leading lady?

"Wala pa kaming eksenang nakukunan, pero nakapag-workshop na kami at nagkasama rin kami sa Gagambino. At saka, magaling siyang artista. So, siya, kahit saan mo ilagay, kaya niyang mag-adjust, mapa-drama, comedy... Full of life siya, e. Kung umarte siya, parang ala-Maricel Soriano. So, kapag ganoon ang kaeksena mo, parang nahahawa ka rin."

Magkapatid ang role nina Dennis at Jennica sa Gagambino. This time, sila na ang magkapareha. Ano ang naging dating when he first found out na si Jennica ang ka-partner niya?

"Siyempre, nagulat," sabi ni Dennis. "Pero alam mo yun, kaya nga tayo umaarte para makapag-portray rin tayo ng iba't ibang roles at mapatunayan na kaya mong gawin yung iba't ibang role na yun. Kasi, hindi naman nila ibibigay kung hindi sila naniniwala sa galing din ni Jennica. At sa tingin ko, it's about time na mabigyan na rin siya ng break, kasi magaling naman siya talaga."

Welcome naman daw kay Dennis ang pairing nila ngayon ni Jennica.

"Kasi yung sa amin naman, hindi naman kami love team. Parang ano lang yun, e, nilagay kami rito dahil bagay kami sa roles. Pero hindi nila inisip na pagsamahin sina Jennica at Dennis para gawing love team."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas kilalang ka-love team talaga ni Jennica ang ex-boyfriend nito na si Mart Escudero. Pero nililinaw ni Dennis na hindi naman niya inaagaw o pumapasok siya sa love team ng dalawa.

Aniya, "Sa mga fans, bahala na sila dun. Hindi ko naman maipapaliwanag yun ng isa-isa. Pero kami ni Jennica, pag-iigihan namin ang trabaho namin para hindi sila mainis. At the same time, matuwa sila sa makikita nila sa aming dalawa. At isipin nila na posible rin pala, puwede rin."

KATRINA HALILI. Sa huli, tinanong ng PEP si Dennis kung ano ang masasabi niya sa pinagdadaanan ng kapareha niya noon sa Gagambino at Magdusa Ka na si Katrina Halili. Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya si Katrina dahil sa kumakalat na sex video nila ni Hayden Kho.

"Nakakaawa rin siya," sambit ni Dennis. "Kasi ano, yung mga ganoong bagay, hindi talaga dapat lumalabas yun. Kung gagawa ka man, hindi talaga dapat lumalabas. Nakakaawa lang kasi isa siya sa naging biktima. Grabe yun. Grabe yung pinagdadaanan niya."

Napanood ba niya ang video ni Katrina na kasama si Hayden Kho?

"Napanood ko yung first, yung sumasayaw lang. Pero yung second part, mas malala yata, hindi ko na napanood yun," banggit ng aktor.

If ever, papanoorin pa ba niya ang sex video?

"Hindi na siguro, medyo naano na nga ako sa una. So sana, maging maayos na lang ang lahat," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN