Luis Manzano relates new learning experience in New York

"Iba ito, it was a learning experience. Ang dami kong natutuhan, ang dami ko pang matututuhan kasi siyempre, itutuloy pa rin namin yung shooting dito [sa Pilipinas]... There's something about New York. There's something about working with my mom and John Lloyd," says Luis Manzano about shooting In My Life in N.Y.


Sa September pa ang target playdate ng pelikulang In My Life ng Star Cinema, na tinatampukan nina Ms. Vilma Santos, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano. Pero ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang intimate scenes nina Luis at John Lloyd, na gumaganap bilang gay lovers sa pelikula.

Kumalat ang mga kuha ng dalawang aktor nang mag-shooting sila sa New York. Isa sa mga larawang ito ay magkayakap sina Luis at John Lloyd.

"Yes, totoo yun na nakunan na yung intimate scenes namin ni Lloydie," pagkumpirma ni Luis. "Pero hindi lang naman mga Vilmanians ang nandun, may mga iba ring mga tao na may mga nakunan silang mga eksena, or yung mga nakunan for other purposes.

"As much as possible nga, we don't want sana na lumabas. Kasi siyempre, ayaw rin naming ma-preempt yung movie. Mas gusto namin na itago na lang. Abangan na lang talaga 'pag ipinalabas na," pahayag ni Luis sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Para kay Luis, ayaw niyang masyadong pag-usapan ang intimate scenes nila ni John Lloyd sa In My Life. Mas marami raw na higit na dapat abangan sa pelikula kesa sa tender scene nila, kahit aminado si Luis na talagang kinabahan siya sa eksenang ito.

LEARNING THEIR CHARACTERS' CHEMISTRY. Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Luis si John Lloyd at ang ina niyang si Governor Vilma Santos.

"Iba ito, it was a learning experience," sambit ni Luis. "Ang dami kong natutuhan, ang dami ko pang matututuhan kasi siyempre, itutuloy pa rin namin yung shooting dito [sa Pilipinas]. Naka-shoot na ako sa ibang bansa, naka-shoot na ako sa Barcelona. Kasama ko si Toni [Gonzaga] for Crazy For You. Pero iba talaga ang experience na ito. There's something about New York. There's something about working with my mom and John Lloyd.

"With John Lloyd kasi, comfortable ako sa kanya bilang John Lloyd and Luis. Pero siyempre, iba yung characters namin. So we have to establish a chemistry, the same way that we have to establish chemistry with my mom. Hindi naman siyempre iba-base yun sa normal na relationship namin bilang mag-ina. Nung una, kailangang magkapaan ng relationship. Pero after a while, okay na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ni Luis sa PEP na halos wala raw silang pahinga nina John Lloyd at Gov. Vi while shooting this movie in New York.

"Grabe, grabe yung sked!" bulalas niya. "Actually, sila ni John Lloyd ang bugbog. Ako, nagkaroon naman ako ng few days off. Pero sila, grabe ang shooting nila. Everyday talaga silang nagtatrabaho."

Sa paglipas ng matagal-tagal na panahon para sa shooting ng In My Life, aminado si Luis na sobra niyang na-miss ng girlfriend na si Angel Locsin.

"Oo naman, na-miss namin ang isa't isa. One week pa lang ako dun, pinauuwi na niya ako. Ako naman, pagdating ko dito, kasama ko na siya agad," pagtatapos ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN