Director Maryo J. de los Reyes denies pulling out Baron Geisler from Suspetsa

"Hindi ko siya tinanggal sa show. Si Baron ang nagsabi na kung hindi raw maaayos yung isyu, hindi na nga lang muna raw siya magte-taping. Pero kagabi [May 27], I let them talk. Pinag-usap ko silang dalawa ni Yasmien sa telepono," relates director Maryo J. de los Reyes (inset) about his ward, Baron Geisler.


Biglang naging kontrobersiyal ang primetime drama anthology ng GMA-7 na SRO Cimemaserye Presents Suspetsa, na magpi-premiere mamayang gabi, May 28. Ito ay dahil sa pag-file ng reklamong acts of lasciviousness and unjust vexation sa Camp Crame ng isa sa lead actress ng show na si Yasmien Kurdi laban sa co-star niyang si Baron Geisler. Hiniram ng GMA-7 si Baron sa ABS-CBN para maging bahagi ng Suspetsa, pero nagkaroon pa ng ganitong insidente. (Click here to read related article.)

Pero kahapon ay nagdesisyon si Yasmien na huwag nang magsampa ng kaso laban sa aktor.

Sa Facebook account ni Yasmien, nakasaad sa status niya ang paglilinaw niya tungkol sa hindi pagsasampa ng demanda laban kay Baron. Ayon sa young actress, hindi ibig sabihin na nagpatawad ka, iniuurong mo na ang kaso o babawiin mo na yung report. Alam din daw niya na totoo ang mga sinabi niya sa affidavit.

Ang dating ng mga pahayag ni Yasmien sa kanyang Facebook account, tila ang ginawa niya ay pagtuturo ng leksiyon kay Baron. Kung sakaling may gagawin pa rin itong hindi maganda, ayon sa pananaw ni Yasmien, posible raw niyang ituloy ang demanda.

May mga balita na ipinapa-pull out na raw ng tumatayong manager ngayon ni Baron na si Direk Maryo J. de los Reyes ang aktor sa Suspetsa, kung kaya't papatayin na lang daw ang character niya sa show, kahit kasisimula pa lang mag-taping ni Baron.

Kaugnay nito, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ang manager na si Direk Maryo, na abala raw sa post-production ng last movie entry ng Sine Direk, Kamoteng Kahoy, na ipalalabas na sa June 10.

Ayon kay Direk Maryo, wala raw katotohanan na pina-pullout niya si Baron sa Suspetsa. In fact, ngayong araw na ito ay nagte-taping si Baron for the show.

"Hindi ko siya tinanggal sa show," diin ng director-talent manager. "Si Baron ang nagsabi na kung hindi raw maaayos yung isyu, hindi na nga lang muna raw siya magte-taping. Pero kagabi [May 27], I let them talk. Pinag-usap ko silang dalawa ni Yasmien sa telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkausap naman sila ni Yasmien sa phone at maayos naman ang naging usap nila. Nag-sorry si Baron at sabi nga niya kay Yasmien, 'I'm sorry that you misunderstood my actuation.'"

Isa si Direk Maryo sa naniniwala sa kakayahan ni Baron bilang aktor at masasabing nakakakilala rin sa attitude ng alaga. Aniya, nagkataon daw siguro na dahil bago pa lang nagkakasama sina Baron at Yasmien—kung saan may relasyon ang characters na ginagampanan nila sa Suspetsa—posibleng nanibago raw ang young actress sa attitude ni Baron, na sa iba ay sanay na sa pamamaraan ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN