(UPDATED) Hayden Kho doused with water by an ex-cop during Senate inquiry on sex-video scandal

Hayden Kho and Katrina Halili faced each other for the first time since their sex video came out in public at the Senate inquiry on Kho's sex-video scandal. (Inset) Kho was doused with water by a man at the start of the inquiry.


Kasalukuyan nang isinasagawa ang pagdinig ng Senado kaugnay ng sex-video scandal ni Hayden Kho. Dumalo sa naturang Senate inquiry si Hayden at ang aktres na si Katrina Halili, na isa sa mga babaeng kasama ng cosmetic surgeon sa sex videos.

Kasama ni Hayden ang kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan, at si Katrina naman ay sinamahan ng kanyang abogado na si Atty. Raymund Palad. Hindi naman nakarating ang iba pang mga ipinatawag na sina Dra. Vicki Belo, Erik Johnston Chua, at Lolit Solis.

Naroon din sa pagdinig ang ina ni Hayden na si Mrs. Irene Kho at ang ina ni Katrina na si Ms. Malou Halili.

DOUSED WITH WATER. Bago nagsimula ang inquiry ay binuhusan ng tubig ng isang lalaki si Hayden habang nakaupo na ito sa loob ng Senado. Nanggaling ang lalaki sa likuran ni Hayden at nakunan sa kamera ang ginawang pagbubuhos nito ng tubig sa doktor.

Dahil sa kaguluhan ay inutos ni Senator Jamby Madrigal, chairperson ng isinasagawang Senate inquiry, na arestuhin ang lalaking nagbuhos ng tubig kay Hayden. Nakilala ang lalaking ito na si Abner Afuang, dating mayor ng Pagsanjan, Laguna, at dating Manila police officer na ginawan ng pelikula ang life story na pinagbidahan ni Phillip Salvador.

Ayon sa legal counsel ni Hayden, ito raw ang dahilan kung bakit gusto nila ng executive session sa halip ng public session. "How can you justify this desecration of the right of this individual?" sigaw ni Atty. Kapunan pagkatapos ng insidente.

Pero hindi pinagbigyan ng Senado ang kahilingang ito ng kampo ni Hayden kaya bukas pa rin sa publiko ang isasagawang pagdinig sa sex-video scandal.

Pagkatapos mahimasmasan ang lahat ay sinimulan na ang Senate inquiry, kung saan tumangging magbigay ng kanyang opening statement si Hayden. Sasagutin na lamang daw niya ang anumang tanong na ibabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATRINA'S STATEMENT. Naging madamdamin naman ang opening statement ni Katrina, kung saan iginiit niya na siya ang "biktima" sa eskandalong ito. Sinabi rin niyang totoong minahal niya at pinagkatiwalaan si Hayden, ngunit niloko lang pala siya nito sa pamamagitan ng pagbi-videotape ng kanilang pagtatalik.

"Hindi pala siya doktor kundi direktor!" mariing sabi ni Katrina habang umiiyak.

Hiniling din ni Katrina ang pagtatanggal ng lisensiya ni Hayden at makulong ito bilang kaparusahan sa nagawa nitong "pambababoy" sa kanya.

Sa bawat pagkakataon daw kasi na pinapanood ang sex video nila ay pauli-ulit din siyang nabababoy. Kaya sana raw ay huli na siya sa mga babaeng makararanas ng pambababoy na ito.

Habang nagsasalita si Katrina ay nakatungo lamang si Hayden.

Sa isang punto ay hindi napigilan ni Katrina ang kanyang damdamin. "Sobrang sakit, sobrang galit kung bakit po nagawa ng hayop na 'to 'yon sa akin!"

Nang tingnan siya ni Hayden ay ito ang naging buwelta ni Katrina: "Ang kapal ng mukha mo! Nakakatingin ka pa sa akin nang ganyan!"

May sasabihin pa sana si Katrina, pero pinigilan na siya ni Sen. Madrigal dahil nais daw niyang maging maayos ang pagdinig sa eskandalong ito.

Pagkatapos nito ay napahagulgol na nang tuluyan si Katrina.

DRUGS & SEX. Umamin si Hayden na "high" siya sa drugs sa video nila ni Katrina. Pero nilinaw nito na hindi sa lahat ng pagkakataon, o sa ibang videos, ay naka-drugs siya.

"Ecstasy" raw ang ginamit na droga ni Hayden at nagsimula siya noong August 2007.

Nang tanungin ni Senator Jinggoy Estrada kung sino ang nagbibigay sa kanya ng droga, ito ang naging sagot ni Hayden: "Si Katrina Halili po."

Tumanggi namang sabihin ni Hayden kung sino ang bumibili para kay Katrina, o kung sino ang supplier nito dahil may threat daw sa kanyang pamilya.

Antabayanan ang iba pang kaganapan tungkol sa Senate inquiry ng sex-video scandal dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN