Sarah Geronimo says she has nothing to do with rumored breakup of John Lloyd and his girlfriend

"Nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko. Pero naiisip ko rin, curious ako na sana ma-experience ko ang part ng growth ng isang tao, na makakilala ng maraming tao at maka-experience ng ibang bagay at hindi lang puro trabaho," says Sarah Geronimo when asked if she feels that she is overworked.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa presscon para sa Philippine tour ng kanyang concert na The Sarah Geronimo: The Next One kahapon, May 28. Magsisimula ang Philippine tour ng concert ni Sarah sa June 12 sa De La Salle Sentrum sa Lipa, Batangas. Suportado ng Jollibee ang Philippine tour ng concert at may meet-and-greet session din si Sarah with her fans, the day before the concert. Guests ni Sarah sina Billy Crawford, Simon Wood, at Mark Bautista.

Thirteen weeks tatagal ang tour at sabi ni Sarah, hindi siya mapapagod dahil gano'n din ang ginagawa niya sa U.S. tour. "Love ko naman ang mag-concert," wika niya.

Bakit hindi guest sa concert ang leading man niya na si John Lloyd Cruz?

"Busy siya," matipid na sagot ni Sarah.


JOHN LLOYD-LIZ RUMORED BREAKUP. Bakit nadadawit ang pangalan niya siya sa rumored breakup nina John Lloyd at Liz Uy? May kinalaman ba talaga siya sa paghihiwalay ng dalawa?

"Oo nga!" bulalas ni Sarah. "Hindi ko masisi ang mga nag-iisip ng ganun dahil nagkatrabaho kami [ni John Lloyd], dalawang magkasunod na pelikula ang ginawa namin, pero wala akong kinalaman dun."

Nagsu-shooting pa raw sina Sarah at John Lloyd noon ng You Changed My Life nang mabalita ang breakup ng aktor at ni Liz. Wala bang nakitang clue si Sarah na may dinaramdam si John Lloyd?

"Kung anuman ang pinagdadaanan nila, respetuhin na lang natin," sabi ng singer-actress. "Kung anuman ang dahilan nila, wala akong karapatang magtanong at hindi rin naman siya nagsabi, kaya hayaan na lang natin. Naalala ko lang sa shooting namin na minsan, malungkot siya at tahimik. May mga naririnig ako, pero hindi ako nagtanong."

Ano ang puwede niyang advice kay John Lloyd sa love problem nito, kung meron man?

"Wala akong puwedeng i-advise sa kanya dahil I've never been into a relationship," sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NBSB AT TWENTY. Tama sa puntong ito si Sarah. Wala siya sa posisyong magpayo tungkol sa pag-ibig dahil 20 years old man siya, hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Member nga siya ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) at mukhang hindi siya nagmamadaling magka-nobyo.

Kailan siya magbu-boyfriend?

"Kapag alam ko na sa sarili ko na kaya ko nang makipagligawan at magka-boyfriend at 'pag may permiso na ako sa parents ko," sagot niya. "Nakikita ko ang mga kasama ko sa ASAP na may boyfriend at siyempre, naiinggit ako. Babae ako at 20 years old na ako.

"But at the right time, darating din yun. Ayaw kong magmadali at ayaw ko ng papalit-palit. Gusto ko kung sino ang magiging boyfriend ko, yun na ang mapapangasawa ko."

Kailan siya magiging ready to take the risk na magka-boyfriend?

"Kapag 25 years old na siguro ako!" tawa niya. "Nakikita rin naman ng parents ko na hindi pa ako handa, na di ko pa kayang makipagrelasyon. Ang dami ko pang gustong gawin."

MARK & RAYVER. Kinumusta rin ng PEP kay Sarah sina Mark Herras at Rayver Cruz, na sabi'y gustong manligaw sa kanya. Naka-first base na ba sa kanya ang dalawa?

"Ano yung first base?" tanong niya. "Hindi ko alam yun! Wala naman kaming communication. Nakasama ko lang siya [Mark] sa concert sa CamSur [Camarines Sur] at sa rehearsal at stage na lang kami nagkita. Wala kaming time magkuwentuhan.

"Si Rayver, okay kami, friends pa rin at textmates."

Ano ang ginagawa niya 'pag may nagpaparamdam sa kanya na gusto siya?

"Wala naman akong natatanggap na ganun," tugon niya. "Siguro 'pag nakita ko na okey ang intention niya at nirerespeto ako at ang career ko ngayon, walang masama na makilala sila dahil dun mare-realize ang talagang intention."

Nakikipag-date ba siya?

"Hindi pa, kuwentuhan lang. 'Pag trabaho lang kami nagkikita-kita. Lumalabas din, pero grupo, gaya sa cast at staff ng A Very Special Love. Kumain lang at nanood ng sine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SARAH VS. CHARICE. Speaking of her career, aware ba siya na itinatapat siya kay Charice?

"Walang makakatapat kay Charice, nag-iisa lang siya," sagot ni Sarah. "Isa siyang inspiration sa aming lahat. For sure, bawat local artist ay nangangarap maging Charice at sumikat sa buong mundo. Hindi ko kaya, grabe siyang kumanta, ang tataas lahat, hindi ko kaya."

Sabi ng fans ni Charice, mas sikat ito kay Sarah. Any comment?

"Totoo naman. Maraming humahanga sa kanya rito at sa ibang bansa," pagsang-ayon ng Pop Princess.

Pero agree ba siya na mas sikat siya rito sa Pilipinas?

"Dito? Oo," nahihiya pang sagot ni Sarah.

Nilinaw ni Sarah na wala siyang nararamdamang inggit kay Charice dahil naniniwala siyang kahit magaling ka, may susulpot na mas magaling sa 'yo at kailangang tanggapin ang katotohanang ito. Meron din daw siyang katangian na wala si Charice, at may katangian si Charice na wala siya.

OVERWORKED? May mga nagsasabing overworked siya. Sang-ayon ba siya rito?

"No naman," tanggi niya. "Dahil nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko. Pero naiisip ko rin, curious ako na sana ma-experience ko ang part ng growth ng isang tao, na makakilala ng maraming tao at maka-experience ng ibang bagay at hindi lang puro trabaho."

May inayawan na ba siyang project? Can she afford to turn down projects?

"Ang endorsement offers, si Boss Vic [del Rosario] ang namimili. Alam niya ang tamang product na ie-endorse ko. Sa movies naman, this year, reluctant ako na gumawa uli ng movie. Gusto nila sundan agad ang You Changed My Life, pero nag-request ako na huwag muna. Ang ganda ng feedback ng tao sa two movies namin ni John Lloyd, ayaw ko munang sundan para di magsawa ang tao," sabi niya.

Bukod sa sawa factor, ano pa ang ibang rason kung bakit ayaw muna niyang gumawa ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangang may ample time na maghanap ng magandang material at di kailangang magmadali, dapat maganda. Sabi ko kay Boss Vic, pag-iisipan ko muna kung gagawa ako ng movie this year."

HAYDEN-KATRINA SCANDAL. Samantala, isa si Sarah sa maraming endorsers ng Belo Medical Group. Kung apektado man ito sa kaso nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho, naniniwala siyang makakabangon din ang Belo.

Naniniwala ba siyang apektado ang showbiz sa nangyari kay Katrina?

"Apektado rin siguro, pero ang importante, we learn from our mistake. Ito na ang palo ni Lord sa pagiging imoral ng ibang tao. Ang dapat ginagawa sa closed door ay lumabas na. Sabi ni Lord, tama na," saad ni Sarah.

TALENT FEE ISSUE. Malaking isyu ang talent fee niya na inilabas ng YES! sa Most Powerful List nito. Marami ang nag-react sa nasulat na P200,000 per movie lang siya. Totoo bang gano'ng amount lang ang tinatanggap niyang TF?

"Honestly po, ang Mom ko at si Boss Vic lang ang nakakaalam tungkol diyan. Sila lang ang nakakaalam talaga, nagtatrabaho lang ako. Feeling ko, nababayaran naman ako nang tama," sabi ni Sarah.

Ito ang iba pang schedule ng The Next One Philippine Tour: Bren Guiao Convention Center, Pampanga on June 20; CSI Stadia, Dagupan on June 26; Limketkai Atrium, Cagayan de Oro City on July 3; St. La Salle Coliseum, Bacolod on July 17; Waterfront Hotel, Cebu on July 31; at San Agustin Gym, Iloilo on August 21.

Added treat sa fans ni Sarah ang release ng DVD ng The Next One Concert. Kasama rin sa DVD ang portion ng performances ng kanyang guests, duet with John Lloyd. May bonus features din gaya ng Behind the Scenes, Photo Gallery at Discography.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN