Chase Vega's parents didn't want him to enter "cruel" showbiz

Newcomer Chase Vega's first movie Agaton and Mindy is being touted as one of director Peque Gallaga's best. Someday, Chase would like to have his crush Anne Curtis as a screen partner: "Ang ganda-ganda naman kasi niya and she seems nice, although hindi ko pa siya nakikita in person. Nagagandahan lang talaga ako sa kanya."


Napakasuwerteng matatawag ang baguhang si Chase Vega. To think na wala pa siyang anumang karanasan sa acting at hindi rin siya dancer, pero sa very first movie niya, siya ang napiling gumanap bilang bida sa Sine Direk movie na Agaton and Mindy, which some critics are saying is one of Direk Peque Gallaga's best. Ang naturang pelikula ay kasalukuyang pinapalabas sa mga SM theaters.

Paano ba siya na-discover to play the lead role as Agaton?

"I auditioned for the role. Luckily, I was chosen. Marami rin kasing nag-audition. Sabi nga ni Direk Lore Reyes, marami nga raw yung dumating. Yung iba, may mga existing shows na rin."

Totally new and inexperienced nga si Chase pagdating sa showbiz dahil bago ang mundong ito sa kanya. Chase is a full-time student and into different sports like swimming. Nasa Philippine team din daw siya for water polo at competitive tennis.

"Yung sa showbiz, marami akong friends na nasa showbiz and I'm also friends with their parents. So even before pa, name-mention na why don't I try nga raw. But I don't have interest before. Pero ngayon nga, sobrang I enjoy what I'm doing.

"At noong na-mention nila na there's this audition, Direk Peque pa... so I decided to try and I got lucky naman. Although yun nga, wala akong experience pa at all sa acting, even sa dancing since I'm a dancer in the movie, wala rin," natatawa niyang sabi.

We asked him kung ano sa tingin niya at bakit siya pang walang experience sa lahat ang nakuha for the role?

"I don't know, e... they just say that they know it when they saw, so I guess that's it. Pero sobrang suwerte and I was able to work also with best actors like Tita Cherie Gil, Audie Gemora, Dina Bonnevie, Pilita Corales and the best director."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARENTS AGAINST IT. Si Chase ang eldest sa kanilang magkakapatid at ang parents daw niya ay both practicing doctors. At first, aminado ang newcomer na against ang parents niya sa pag-aartista niya.

"At first talaga, there's a bit of hesitation because it's a cruel business nga raw. Pero yun nga, as long as hindi ako mawawala, I won't be friends with the wrong crowd, I won't be doing drugs, and as long as I'll still be good in school.

"Then, noong nakita nila yung dedication ko when I was doing the movie, they became really, really supportive."

Bukod sa natuto raw siyang umarte at sumayaw, natutunan din daw niyang makisama sa iba't ibang klaseng tao when he did Agaton and Mindy.

At present, Chase is under Stages Management with Carlo Orosa as his manager. Kasama nga niya rito sina Christian Bautista, Sam Concepcion and Karylle, among others. Ang alam daw niya, matinee idol/drama actor ang plano sa kanyang career path ng Stages.

GREAT TIME. Nagpapasalamat daw siya at feeling niya he's starting with the best people.

"Walang masamang experience pa or whatsoever na nangyayari sa akin. It's like working with family or friends for a really, really long time. So, wala pang bad experiences."

Dugtong pa niya, "Yung intriga, it's a part of showbiz naman daw and ina-advice naman ako na kahit may masasamang intriga, just don't mind them. As long as I know who I am and who my real friends are, doon lang ako kukuha ng support system at papaniwalaan ko."

Nangiti naman si Chase nang tanungin namin siya kung sino among the female actresses ang type niyang makasama or maka-partner?

"Oh, parang showbiz crush? Sa Philippines, ang crush ko is Anne Curtis. Well, ang ganda-ganda naman kasi niya and she seems nice, although hindi ko pa siya nakikita in person. Yun... nagagandahan lang talaga ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN