ABS-CBN's Tayong Dalawa extended anew, won't end in July

Now that he's been tagged the Primetime Prince, more intrigues are being thrown the young actor's way, but he's taking it all in stride. When stories came out that he's begun snubbing fans, Jake Cuenca said, "Hindi ko talaga kayang gawin yun kasi ang laki ng utang na loob ko sa mga fans. Kumbaga, kung hindi dahil sa kanila, wala rin ako rito."


Dahil sa success na tinatamasa ng ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, na-extend ito nang na-extend. Supposedly, sa July na sana ito magwawakas, pero sa ginanap na thanksgiving-press conference kagabi, May 29, sa 55 Events Place, nagpahayag si Mr. Deo Endrinal, Business Unit head at executive producer ng teleserye, na matagal pa raw ang itatakbo ng Tayong Dalawa. Siyempre pa, ikinatuwa ito lalo't higit ng cast at ng ibang bumubuo ng show.

Ayon kay Jake na isa sa mga bida ng Tayong Dalawa bilang si David Garcia, "Talagang very proud po ako sa show namin na umaabot po siya ng ganitong katagal at patuloy pa rin pong sinusubaybayan ng mga manonood, at nakakataba po ng puso na habang tumatagal din po ay mas lalo pa po nilang nagugustuhan."

Magmula yata nang magsimula ang Tayong Dalawa, his and Gerald Anderson's acting have been a subject for comparison. May kanya-kanyang opinion ang mga manonood sa kung sino ang mas epektibo sa kanilang dalawa in their respective David Garcia roles.

Hindi ba talaga sila naapektuhan ng paghahambing sa pagitan nila?

"Tulad po ng sinabi ko, isa sa mga rason kung bakit successful ang show namin ay tulad na rin ng titulo na Tayong Dalawa. For me, I mean, malaking meaning ng team work. Sa set, kapag magkatrabaho kami ni Gerald, hanggang ngayon, para talaga kaming magkapatid.

"So, pagdating sa eksena, hindi magiging maganda yun kapag walang team work. That's how we work talaga. Kapag merong isa sa aming nadapa, tutulungan ng isang tumayo."

Sino ang masasabing mas umaalalay sa kanilang dalawa?

"Basta ako, bago kami gumawa ng eksena, pinag-uusapan muna naming mabuti. At ibinibigay namin kung ano ang kaya naming ibigay sa eksena. At tsina-challenge namin ang isa't isa to do our best kahit maliit or malaking eksena pa. Team work yun, e. It's a team effort that's why the show is doing as well as it is."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING SOLO. Sa kaso ni Jake, masasabing isa siya sa mga young actors na nanggaling sa love team na tila nakawala rito at nakayang mag-solo. Basically, may paniniwalang sa pagtatapos ng love team, ang lalaki ang mas nasa losing end.

Masasabi ba niya ngayong mas naging advantage pa on his part na wala na nga ang love team nila ni Roxanne Guinoo?

"Actually ako, napakaganda lang po talaga ng oportunidad, e. Siyempre, yung love team namin ni Roxanne will always be near to my heart. Pero, siyempre, as individual, masaya ako working as individual.

"This is, parang ang dami kong oras para mag-focus sa sarili ko. Kung paano ko didiskartehin ang oras sa sarili ko. So I'm happy na I'm single now. I'm happy na medyo solo ako ngayon. Kasi, mas naiisipan ko kung ano talaga ang gusto kong gawin, kung paano ko gawin ang isang bagay. Pero, siyempre, mas magaan ang dala-dala ko ngayon. Wala akong ka-love team kaya hindi ganoon kabigat ang responsibilidad."

Kaya ba may nagsasabing parang kung makakaiwas, mas gusto niya munang huwag maka-partner si Roxanne sa isang project?

"No, one day, kung magkatrabaho kami, I'll look forward to that, at sana, magkatrabaho kami in the future. And with love team naman, ako naman, I'm happy with the people I'm paired with, like with Kim. It's a big opportunity for me.

"Sa Bud Brothers naman, kami ni Cristine (Reyes) at sa movie, kami ni Shaina (Magdayao). Siyempre, ano naman, masaya ako na solo ako. Pero kapag ang ABS-CBN na ang nag-pair sa akin, there's no problem with me."

On the other hand, sa mga nakakasubaybay ng Tayong Dalawa, siguradong alam na nila na sa ngayon, kasal na nga ang Kim Chiu at Jake characters. At buong ningning ngang sinabi ni Jake na masasabi raw niyang pinaka-favorite leading lady niya si Kim sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very honored to work with Kim and I said in several interviews that I think my favorite leading lady so far is really Kim. Pero siyempre, ang dali-dali niyang katrabaho. She really motivates me to do my best and I think the best scenes I've ever shot is really with her, so I'm proud to be one of her leading men."

NO TRUTH TO RUMOR. Muli rin binigyang linaw ni Jake yung lumabas na isyu na kesyo nang-iisnab na raw siya ng fans.

Aniya, "Noong lumabas yung isyu na yun, hindi ko rin alam kung saan nanggaling kasi, wala rin naman yun sa pagkatao ko. Pero, for me, yun nga, hindi ko kayang gawin yun, e.

Kung hindi rin naman dahil sa fans, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. So, I really can't snub a fan. Hindi ko talaga kayang gawin yun kasi ang laki ng utang na loob ko sa mga fans. Kumbaga, kung hindi dahil sa kanila, wala rin ako rito."

Wala raw siyang natatandaang anumang insidente tulad nga ng nasulat na kesyo nang-isnab na siya ng fan sa mismong taping pa raw nila ng Tayong Dalawa.

"Wala talaga, e... wala talaga," pag-uulit pa niya.

Feeling ba niya, posibleng sinisiraan lang siya?

"Sa akin kasi, hindi ko na binibigyan ng malisya yun. When I heard about it, narinig ko, pero, hindi ko na in-absorb agad. Kasi, hindi naman totoo. So I just dropped it. Hindi siya malaking isyu, alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yun."

Sa huli, Jake was asked during the press conference kung ano ang pakiramdam niya being tagged now as the Primetime Prince.

"Primetime Prince? More than anything, siyempre, nakakataba ng puso ang mga titulong 'yan. Nakaka-flatter at nakaka-touch ang mga titulong yan. Pero siyempre, mas inuuna ko ang craft ko, ang pag-arte. Yun ang first priority ko. Palaging number one sa isip ko kung paano ko i-e-entertain ang mga taong nanonood sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN