Gerald Anderson confides he's ready to go beyond "M.U." with Kim Chiu

There are rumors that he may form a new love team with Sarah Geronimo, but as for a real-life relationship with screen partner Kim Chiu, Gerald Anderson says, "Wala pa yung commitment sa isa't isa... [but] like I've said, handa na ko."


No doubt, one of the most successful teen love teams of this generation came from Pinoy Big Brother Teen Edition—Gerald Anderson and Kim Chiu. In fact, sa kasalukuyan nilang primetime series, ang Tayong Dalawa, both have proved na hindi lang sila sa mga pa-cute-cute roles puwedeng isabak.

Yun nga lang, hindi pa man nagtatapos ang Tayong Dalawa at mag-e-extend pa nga ito nang matagal-tagal, marami nang nagtatanong kay Gerald during the presscon and thanksgiving party of the show kung may kasunod pa rin ba silang team-up ni Kim, now that there are rumors na sila naman ni Sarah Geronimo ang ipe-pair.

Ani Gerald, "Wala pa naman... hindi pa naman confirm. At saka, wala namang nag-offer sa amin nang official. Ano lang, talagang ganito lang, tsismis lang talaga. It's very, very overwhelming talaga, pero, I don't know... masaya ako who I am now, whom I'm working with."

Saan nga ba siya mas excited sa ngayon, ang makapareha rin si Sarah or ang magtuloy-tuloy pa sana ang love team nila ni Kim?

"Ako naman, okey naman ako. Kung ano ang gusto ng ABS-CBN. Kung gusto nila akong i-pair sa iba. Kung gusto nilang i-pair si Kim sa iba, wala na kaming magagawa. Tingin ko, after three years, handa na rin kami ni Kim dahil marami na rin kaming pinagdaanan.

"Pero yun nga, I'm very comfortable with Kim and I would love to have more projects na kasama siya."

KIM STILL CALLS. Sa ngayon, bihira na raw silang magkita ni Kim lalo pa nga't hindi sila ang madalas na nagkakasama ngayon sa mga eksena sa Tayong Dalawa.

"Hindi naman nawawala ang communication. Trust me! Hindi talaga," natatawang sabi niya. "Although, sobrang bihira yung makalabas kami, kung may time lang. Pero yun nga, kung mapapansin n'yo, lately, nasa hospital lang ako. Siya, mas marami siyang scene with Jake. Minsan may days na wala akong taping, sila meron."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tinatawagan niya si Kim?

"Of course! Araw-araw! As in, araw-araw talaga! Morning, lunch, dinner at pati midnight break! Siyempre, sanay ako sa mga break namin sa taping."

At this point, kaya na ba niyang i-define kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa ni Kim?

READY TO COMMIT. "Gusto ko ngang sabihin na lampas na kami sa M.U. (mutual understanding)," nakangiti niyang sabi.

So, ano't hindi niya masabi?

"Kasi, hindi pa... wala pa yung commitment sa isa't isa. Yung talagang bawal mag-date. Wala pa sa amin yun. Siyempre, yung mga ganoong bagay naman, kay Kim na yun puwedeng manggaling. Like I've said, handa na ko, e."

At this point, masasabi na ba niyang na-establish na rin siya bilang isang actor talaga, especially with what he is showing in Tayong Dalawa, na kahit wala na ang love team, kaya na niya?

"Well, dahil sa Tayong Dalawa, mas naa-appreciate ako ng mga tao with my acting skills. Kung wala na kami ni Kim after this, at least we were able to make Tayong Dalawa na acting skill at naging big hit."

TWO DAVIDS. How does he feel na palaging may comparison sa isa pang David Garcia sa show, si Jake Cuenca, at siya?

"E, hindi maiiwasan yun. Dalawa kaming lalaki na magkasama sa isang show at isang babae lang ang pinag-aagawan namin, so, talagang hindi maiiwasan yun."

May pressure ba sa kanya yung comparison?

"Hindi naman pressure, pero, hindi naman ako kumbaga, we both do our part. Talagang bigay na bigay namin yung sarili namin. Lahat, talagang focused kami sa show. And I'm happy na si Jake yung isang lalaki na kasama namin."

Marami na ang nag-e-expect, especially the Kimerald fans na ang ending pa rin ng Tayong Dalawa ay silang dalawa ni Kim ang magkakatuluyan. If ever kaya na si Kim ay si Jake talaga ang makatuluyan, sasama ba ang loob niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sasama ba ang loob ko? Well, basta kumbaga, close siya sa istorya at hindi nasira yung istorya dahil dun. Kasi ako, kumbaga, ako, gusto ko, anything goes for the show. Kung yun ang makakaganda sa show namin, e, di okey."

Lastly, ano nga ba ang masasabi niyang mga nabago sa kanya ng Tayong Dalawa?

"Marami... marami... sa tingin ko, as an actor, I've matured. Mas marami na akong alam tungkol sa craft ko. As a person, mas aware ako, mas professional, mas focused. Kasi, yung mga kasamahan namin dito, you have to be focused."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN