Rainier Castillo prefers not to have a girlfriend for now: "Parang minsan nakakasakal."

Rainier Castillo was shocked to learn of Baron Geisler's acts of lasciviousness against his former love-team partner,Yasmien Kurdi. Meeting up with her recently, she told him, "Grabe si ganyan!" His advice to her: "Dumistansya ka na lang."


Dahil siya ang original na ka-love team ni Yasmien Kurdi, tinanong namin kay Rainier Castillo kung ano ang naging reaksyon niya sa isyu ng sexual harassment sa pagitan nina Yasmien at Baron Geisler na co-star ni Yasmien sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa.

"Nagulat ako! Hindi si Yas ang unang nagsabi sa akin, mga ibang tao, sabi, 'Si Yas, planong magdemanda!'" umpisang pahayag ni Rainer sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Noong una nga raw, hindi siya agad makapaniwala. "Una ngang naisip ko, baka naman ginagawa lang niya (Baron) yun dahil sa role niya (sa Suspetsa), siguro sa labas naman hindi siya ganun."

Pero nang nalaman ni Rainier na talagang bastusan ang naganap, "Nagulat ako sa ganung pangyayari, na meron pala talagang ganun. Di ba sa pelikula lang yun? Medyo off lang."

Hindi naman kinukundena ni Rainier si Baron. "Kasi unang-una, hindi naman kami magkakilala, pero kay Yasmien akong side, sa kanya ako kampi, siyempre."

Nagkita sila ni Yasmien recently. "Sinabi na niya sa akin, 'Grabe si ganyan, blah blah!' Sabi ko, medyo dumistansya ka na lang."

Walang plano si Rainier na kumprontahin si Baron? "Wala, hindi naman kasi kami magkakilala. Hindi naman ako mahilig sa away na ganyan. Baka mamaya kapag ako pa mang-away baka ako pa ang mapahamak. Hindi naman sa duwag ako, gusto ko lang lumagay sa tama."

ILL-FATED BATCH? Sunud-sunod ang hindi kagandahang nangyayari sa first batch nila ng StarStruck. Nabuntis out-of-wedlock si Jennylyn Mercado, nagkaroon ng sex video scandal si Katrina Halili, at ngayon naman, may isyu ng harassment si Yasmien.

Pero nananatiling positibo si Rainier. "Pagsubok lang 'yan, makakaraos din 'yan."

Wala bang sex video si Rainier? "Gagawa pa lang, ang partner ko basta maganda at sexy," pabirong sagot ng young male star.

LOVELESS. "Wala akong girlfriend ngayon. Dati meron pero ngayon wala na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaka-break lang ni Rainier sa non-showbiz girlfriend niya last March. Anim na buwan tumagal ang kanilang relasyon. Bakit sila nag-break? "Wala lang, sa time, sa schedule."

Mutual ang desisyon nila na mag-split na lang. May chance ba na magkabalikan sila? "Hindi ko lang alam kasi medyo busy din siya sa school medyo maraming kailangang gawin sa course niya. Meron naman siguro, nagkaka-text-an pa rin kami, nagkukumustahan."

Bakit pumayag agad siya na mag-break sila? Baka hindi niya mahal yung girl? "Hindi naman, pero para hindi na kami masyadong mahirapan sa mga ginagawa namin, parang minsan nakakasakal."

Magkaibigan na sila ngayon ng ex-gf niyang si Sheena Halili. Nang nag-break kasi sila noon, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan at may time na hindi sila nag-usap. "Magkasama kami sa taping ng Dear Friend. Okay na kami, kinausap ko siya, ako ang nauna, heart-to-heart talk kami, yung mga tungkol sa past namin."

May chance na magkabalikan sila ni Sheena? "Kung sa akin, meron, hindi ka naman puwedeng magsalita nang tapos. Lahat may chance."

Sa pagtatapos ng Paano Ba Ang Mangarap?, ang pinakamami-miss ni Rainier ay "yung lahat ng nakasama namin dito, lahat close namin. Ngayon ko lang na-feel na ang konti nung cast na talagang sobrang bonding namin."

Ang main cast ng PBAM ay kinabibilangan nina Jennylyn, Mark Herras, Chynna Ortaleza at si Rainier nga.

Maganda ang katawan ngayon ni Rainier dahil sa regular na workout. Hudyat ba ito na sasabak na siya sa pagpapa-sexy? "Hindi naman, para mabago lang."

At kapag ready na raw talaga siya, papayag siyang magpa-pictorial ng sexy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN