Helen Gamboa looks forward to more roles after successful comeback

Good genes will tell. Helen Gamboa accepted Sharon Cuneta's award at the 25th Star Awards for Movies, where KC Concepcion also bagged a trophy. The fomer movie queen may get an award herself for all the heavy drama she's been doing in Tayong Dalawa. "Ang dami kong eksena na ang grabe ang iniiyak ko. Alas-singko na ng umaga, alas sais na ng umaga, nagbre-breakdown pa ako."


Nagpasalamat ang buong cast and production people ng very successful primetime teleserye sa ABS-CBN na Tayong Dalawa sa entertainment press sa suportang ibinigay nila at sa matagumpay na ratings na inaani ng show. Isa sa mga overwhelmed sa success ng serye ay ang senior star ng show at dating movie queen na si Helen Gamboa.

"E, kasi nung naging number one nga, lahat kami natuwa, lahat kami overwhelmed. This is our way of thanking all of you. First, we thank the Lord that He blessed this teleserye. Second kayong lahat na nagbigay sa amin ng suporta. Kaya hindi namin ma-express kung gaano kami kaligaya," umpisa ni Helen.

"Kumbaga, nagbigay na naman ng ito, ng affair na ito ang ABS-CBN para naman sa inyo. At kanina meron kaming mass to thank the Lord for all of this, mga 3 o' clock. Kaya talagang wala akong masabi kundi maraming salamat sa Panginoon at sa inyo, at sa lahat ng ating televiewers."

Magkakaroon ba ng pagbabago sa kanyang role sa Tayong Dalawa? "Yes, definitely, there will be a redemption. I will be the one who will patch up everybody. Kaya happy ending."

Okey ba sa kanya na magkaroon ng Book 2 ang Tayong Dalawa? "Oh, yes, why not? Kasi nga ang ganda-ganda nitong naging comeback ko. It was very successful. So I will never say no."

What if ibang teleserye naman ang i-offer sa kanya? "Yes, why not? Puwede rin."

Ano ang masasabi niya kay Kim Chiu? "Ay, ano, she's, alam mo siya, she really gives her best. Nakikita ko doon sa bata yung bawat scene na ginagawa namin talagang pinagbubuti niya. Kaya puring-puring ko silang tatlo."

HEAVY DRAMA. Hindi ba sila nagkakasapawan ng co-star niya sa Tayong Dalawa na si Agot Isidro?

"Ay, hindi. Kasi our roles are very well distributed. Yun nga lang, lahat ng scenes para sa akin mahirap and very memorable. Because ang heavy lahat ng scene ko. Ako yung pumapasan ng lahat ng problema, yung ganu'n. Kaya ang dami kong eksena na ang grabe ang iniiyak ko. Grabe ang heavy drama ko, mga breakdown ko. Alas-singko na ng umaga, alas sais na ng umaga, nagbre-breakdown pa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi sa kanya ng mister niyang si Tito Sotto? "Ah, he's happy about it because he could see that I enjoy."

Pero kapag umuuwi siya na pagod from taping, ano ang sinasabi sa kanya? "Nagwo-worry siya. E, ano naman, I must say na the Lord has blessed me with pure energy, yung ganu'n. Parang hindi ko rin napi-feel ang pagod."

STAND-IN FOR MEGA. Samantala, si Helen ang tumanggap ng award ng kanyang pamangkin na si Megastar Sharon Cuneta sa katatapos lang na 25th Star Awards for Movies na ipapalabas on June 21, Sunday, sa ABS-CBN.

"Tuwang-tuwa siya. Magka-text kami kanina. Sabi nga niya, 'I'm so happy, Mama, that you are the one who accepted the award on my behalf."

May nagtataka naman kung bakit hindi tinanggap ni Helen ang award ng apo niya at anak ni Mega na si KC Concepcion nang tawagin ang pangalan niya as New Movie Actress of the Year para sa movie na For the First Time ng Star Cinema.

"E, hindi ko naman alam kung papano. Kasi nakaupo ako doon, tapos si Vicki (Morales) yung nanduduun na, so she decided to get the award. 'Tsaka siguro ayaw nilang ma-preempt dahil major award yung in-accept ko. Mapre-preempt nga naman."

Ano ang reaksyon ni Mega sa pagkapanalo nilang mag-ina that awards night? "Tuwang-tuwa siya. Sabi nga niya, 'Wow! Mama, ikaw, ako at saka si KC, family. Genes lang yan.' Hahaha! Ang cute."

Kailan daw sila babalik ng Pilipinas? "Ah, hindi ko po alam, e. Kasi kung minsan may side trips yan, e."

Nakatago sa kanya ang trophy ni Mega? "Oo, siyempre. It's under my care," tapos ni Helen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN