Agot Isidro has given up on having a baby

"We are not attempting or expecting to have a kid na. Na-accept na namin na siguro ito yung plan ng Diyos para sa amin, at okey sa amin yun," says Agot Isidro.


Ang karakter ng singer-actress na si Agot Isidro bilang Ingrid ang isa sa tumatak sa mga taong sumusubaybay sa teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Kung dati ay kilala sa mga sweet and goody roles, ang mahusay na pagganap niya bilang Ingrid ang nagpakita ng versatility ni Agot as an actress.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Agot sa thanksgiving presscon na ibinigay ng Tayong Dalawa para sa entertainment press last Friday, May 29, dahil sa consistent high rating nito. Tinanong namin si Agot kung, katulad ng ibang mga epektibong kontrabida, ay nakaranas na siya ng inis o galit mula sa avid viewers ng Tayong Dalawa sa tuwing nakikita siya ng mga ito sa labas.

"Sa labas, tinatawag lang nila akong Ingrid. Ako naman, siyempre, smile lang ako, then nagwe-wave ako. Minnsan pag di nila mapigilan, may magsasabi sa akin talagang naiinis daw sila sa akin dahil ang sama-sama ko raw kay Audrey [Kim Chiu] o kaya kay Marlene [Cherry Pie Picache].

"Saka may mga texts lang na pinu-forward sa akin, mga friends ko na tinext sila ng mga kaibigan nila, 'Pag nakita ko 'yang si Ingrid na 'yan, sasampalin, babatuhin o mumurahin ko siya.' Puro ganun pa lang naman, pero wala pa talaga yung lumapit at nanakit.

"But you know what, masayang-masaya ako sa pagtanggap ng mga tao sa karakater ko at sa Tayong Dalawa. We realy worked hard for all the episodes, for all the days that we taped. Talagang halos luha, pawis, pagod... Talagang lahat ng hirap binuhos na namin para sa show na 'yan."

AGOT'S HUSBAND. Kung marami ang nagagalit sa kanya sa Tayong Dalawa, masaya namang ikinuwento sa amin ni Agot na pro-Ingrid naman daw ang asawa niya na si Manu Sandejas sa role niya.

"Actually, my husband is a big fan of the show," banggit ni Agot. "Minsan naiinis siya. Pero siyempre, Team Ingrid siya, dun siya sa side ko. Minsan naiinis siya kay Marlene nung nag-lie siya on the stand. Feeling niya, mabait na mabait pa rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita before na nagkakalabuan sila ni Manu na sa kalaunan ay napatunyan namang walang katotohanan. Hindi kaya ang pagiging sobrang hectic ng sked ng taping nila ng Tayong Dalawa ang maging dahilan para mabalita na naman na on the rocks ang marriage nila?

"Actually, the past three weeks, hindi kami masyadong nagkikita ng asawa ko kasi pag-alis ko ng bahay, tulog siya o umalis na siya for work. But my husband is very, very supportive, naiintindihan niya ang work ko. Naiintindihan niya yung pressure sa trabaho ko. Whenever we have time, nagku-quality time kami by eating out. Yun ang gusto namin. Hindi naman kami gumigimik masyado, it's either sa bahay lang kami o kaya kain lang sa labas.

"Confident ako sa husband ko," patuloy ni Agot. "This is work and he knows I love what I am doing. Sinusuportahan niya ako, and even with him naman, pag mayroon siyang gusto kunwari at mayroon akong apprehensions, pinag-uusapan namin. But if I see na gusting-gusto niya talaga, hindi ko siya pinipigilan. He knows na love ko ito, especially Tayong Dalawa, alam niyang mahal na mahal ko yung show namin."

HAVING A BABY. Inamin naman ni Agot na hindi na sila umaasa pa ng asawa for a baby, lalo't nagbigay na rin naman siya ng time before para rito.

"Hindi na kami naghihintay," sabi niya. "We are not attempting or expecting to have a kid na. Na-accept na namin na siguro ito yung plan ng Diyos para sa amin, at okey sa amin 'yun.

"Actually yung pagtigil sa showbiz, ginawa ko na yun, siguro on our second year or third year of marriage. Medyo nag-lie low ako for two years, wala akong mga shows like Tayong Dalawa. I gave myself an opportunity also to work on having a baby na hindi naman nangyayari, so tinanggap na lang namin. Sabi namin sa mga sarili namin, 'O, sige, naibigay na natin ang panahon, we did everything, sumayaw na kami sa Obando, pero wala pa rin; and this is under all doctor's supervision."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpatingin na rin daw sila ng mag-asawa and both of them are healthy enough to have a child.

"Actualy, wala naman talagang may problema, walang major, major, problem. But siguro, talagang di para sa amin. Ayoko naman yung feeling na nag-e-expect ka. We're on our ninth year of marriage and feeling ko, matanda na rin ako. Ayoko namang magde-debut ang anak ko, naka-wheel chair na ako, mahirap naman yun," pahayag ni Agot.

Open ba sila for adoption, na siyang kadalasang ginagawa kapag di sinuwerteng magkaaanak ang mag-asawa?

"Hindi pa namin napag-uusapan," sagot niya. "Ngayon kasi, masaya kami sa buhay namin. I was able to do my things, he's able to do his things. Pag-uwi namin sa bahay na magkasama kami, ang dami naming napag-uusapan. Tapos may mga aso kami na parang anak namin, so okey na okey kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN