Dr. Manny Calayan on Hayden sex-video scandal: "I don't want to judge."

"Si Hayden is a colleague, pero wala naman akong karapatang manghusga. Kapag nakapasa ka ng board exam, automatic PMA member ka. Member din ako pero hindi naman ako regulatory board, so wala naman akong karapatang maghusga kay Hayden ng ganun. Discretion nila yun. Gagawin naman siguro nila kung ano ang nararapat, kung dapat ba siyang alisan ng lisensiya o hindi," says Dr. Manny Calayan (main photo) about Dr. Hayden Kho (inset, with Dra. Vicki Belo).


Dahil itinuturing na "karibal" ni Dra. Vicki Belo si Dr. Manny Calayan, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng opinyon si Dr. Calayan tungkol sa sex-video scandal ng dating boyfriend ni Dra. Belo na si Hayden Kho at ng aktres na si Katrina Halili, na dating endorser ng Belo Medical Group.

Ang unang itinanong namin kay Dr. Manny ay kung sa tingin niya ay naapektuhan ang buong cosmetic surgery industry dahil sa eskandalong ito. Totoo nga bang dahil sa eskandalo ay dumami ang mga pasyente ni Dr. Calayan?

"So far sa akin, hindi naman," sagot ni Dr. Calayan. "I mean, ganun pa din, business as usual. Hindi ko naman masasabing lumakas gawa ng issue. Siguro word of mouth din yun, kasi usually mga referrals, as usual naman, e. Siyempre, malaking tulong yung mga endorsers—sina Ai-Ai [delas Alas], sina Boy [Abunda], lahat ng mga endorsers ko," umpisang pahayag ni Dr. Calayan.

Sa tingin ba ni Dr. Calayan, dapat nga bang alisan ng lisensiya si Hayden ng Philippine Medical Association (PMA) dahil sa paggawa nito ng sex videos?

"Si Hayden is a colleague, pero wala naman akong karapatang manghusga," sabi ni Dr. Calayan. "Kapag nakapasa ka ng board exam, automatic PMA member ka. Member din ako pero hindi naman ako regulatory board, so wala naman akong karapatang maghusga kay Hayden ng ganun. Discretion nila yun. Gagawin naman siguro nila kung ano ang nararapat, kung dapat ba siyang alisan ng lisensiya o hindi."

Kahapon, June 1, ay nagtungo si Hayden sa tanggapan ng PMA para sa imbestigasyon kaugnay ng sex-video scandal niya. Pagkatapos ng imbestigasyon na ito ay malalaman kung tatanggalan ng lisensiya si Hayden o hindi.

Gaano ba ka-close si Dr. Manny kay Dra. Belo?

"Wala kaming communication," pag-amin ni Dr. Calayan. "Hindi kami textmates, I don't know her number. Wala kaming ganun na nagte-text-an kami. Pero we're in good terms naman ni Vicki ever since pa. Nagkikita kami minsan kasi iisa ang building namin. Kapag nagkikita nga kami, beso-beso kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mula raw nang sumabog ang sex-video scandal ni Hayden ay hindi pa sila muling nagkikita ni Dra. Belo.

"Kasi nung dumating ako, umalis naman siya," paliwanag niya.

Halimbawang magkita sila ni Dra. Belo, ano ang sasabihin niya dito?

"Hi! Hello, how are you?" natatawang sagot ni Dr. Calayan.

Dagdag niya, "Ang meron ako, cell phone number ni Hayden, gawa kasi nung Celebrity Duets namin noon kaya nagte-text kami. Hindi ko pa din nabubura yung number niya, pero hindi ko alam kung yun pa rin yun."

Parehong naging contestants sina Dr. Calayan at Hayden sa unang season ng Celebrity Duets ng GMA-7, kung saan nanalo si Tessa Prieto-Valdes.

Nag-text ba si Dr. Manny kay Hayden nang pumutok ang sex-video scandal nito?


"Hindi ko siya tinext nung pumutok ang issue, nasa States pa yata ako noon."

Kung magkasalubong sila ni Hayden, ano ang sasabihin niya rito?

"Gano'n din, kukumustahin ko rin lang. Purely doctor-to-doctor lang."

Hindi niya ito uusisain tungkol sa eskandalo?

"Ayokong banggitin yung mga isyung ganun. I can't do that, and I don't do that, for professional ethics," sagot niya.

Hindi pa raw napapanood ni Dr. Calayan ang sex videos ni Hayden. Pero nang nalaman niyang may mga ganung uri ng videos, ano ang naramdaman ni Dr. Calayan tungkol kay Katrina?

"Siyempre naawa din," sabi niya. "Pero hindi ako maka-comment kasi hindi ko pa nakikita, e. Mahirap yung puro hearsay, hindi ako maka-judge kung sino ang mali o tama ba talaga."

Ano naman ang naramdaman niya towards Hayden?

"Tulad ng sinabi ko, ayokong mang-judge ng tao, lalo pa't hindi ko nga napapanood yung video."

RECORDING ARTIST. On a different note, isa na ngayong certified recording artist si Dr. Calayan. Kamakailan ay ini-release na ang debut album niya na pinamagatang Calayan: Duets With The Icons na mula sa BellHaus Entertainment at distributed ng Universal Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglalaman ito ng walong kanta: "Lean On Me" (with The Voice Jed Madela); "I'll Be There" (with The Soul Sensation Brenan Espartinez); "In My Life" (with Asia's Queen of Songs Ms. Pilita Corrales); "With A Little Help From My Friends" (with R&B Prince Jay-R); "You've Got A Friend" (with Concert Queen Pops Fernandez); "Through The Years" (with Concert King Martin Nievera); "That's What Friends Are For" (with Faith Cuneta); and "For You I Will," na duet ni Dr. Calayan kasama ang mga anak niyang sina Bernice at Andrea Calayan.

"Paborito ko talaga is yung naka-duet ko yung daughters ko," sabi ni Dr. Calayan. "Very emotional kasi yung 'For You I Will.' Dedicated ko naman kay Dra. Pie [Calayan, his wife] yung 'In My Life.'"

Bakit pinasok na rin ni Dr. Calayan ang recording?

"Kasi right after Celebrity Duets, nag-email sa akin ang Bellhaus Entertainment [nina Jack at Jeff Tan, asawa at anak ni Bella Tan], tapos hindi ako makapaniwala. Hanggang sa twice na silang nag-e-mail. Mga ilang months pa bago ako naniwala. Nang umuwi ako, galing akong States nun, nakipag-meet na si Jeff at si Jack sa akin."

Maraming nagtatanong kung may time pa ba si Dr. Manny na maging isang singer.

"Nama-manage ko naman ang oras at schedule ko."

Paano kapag may mga nang-intriga na kung kailan may may sex-video scandal si Hayden, saka naman naglabas ng CD si Dr. Calayan?

"Matagal na naming planong i-launch ito, bago pa 'yang scandal na 'yan. Kaya nga lang, nag-States ako," sagot niya.

Nagkataon pang nagkasakit daw ang misis niyang si Dra. Pie kaya na-delay ang launch ng album ni Dr. Manny.

"Nagka- adrenal fatigue syndrome si Dra. Pie. Bumigay yung adrenal glands niya sa sobrang kaka-diet. Numipis yung mga hita niya, nag-muscle wasting, tapos nag-moon face siya. Nadale din yung thyroid niya. Yung metabolism niya, naapektuhan din because of dieting. Nagyo-yoga pa siya twice a day. From March 2009, may sakit siya. Pero ngayon, magaling na siya," kuwento ni Dr. Calayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan daw na nasa U.S. ngayon si Dra. Pie.

"Dun siya nag-birthday, May 1 ang birthday niya. Yun namang anak naming si Bernice, May 2. Kaya rin sila nandun, dun na magpi-pre-med yung anak namin, si Hannah; and si Bernice, dun din mag-aaral, Grade 9 siya. So, inaayos yung schooling nila. Then, babalik pa sila dun sa September para sa pasukan."

Isa pang good news ni Dr. Manny ay ang pagkakaroon ng branch ng Calayan Surgicentre sa Los Angels, California.

"Inaayos ko na yung pagba-branch out ko dun sa L.A., siguro August this year. Inaayos na yung lugar. May banner na tayo dun, so marami na ring nag-aabang na mga kababayan natin dun.

"Kaya after ng promo ng album ko, babalik ako dun para ayusin ko ang mga dapat ayusin. Kapag nag-opening na dun, and then 'tsaka ako babalik dito, kapag settled na," pahayag ni Dr. Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN