Eula Valdes admits her married life is not perfect

"Hindi naman kami okay na okay. Pero sa akin, okay lang kami, hindi perfect. Wala namang perfect. Ayokong magsalita na sobrang intact kami tapos biglang hiwalay na pala. Kung ano lang yung nakikita ko, 'eto lang," says Eula Valdes about her marriage with Richard Litonjua.


Sa July ay nakatakdang magbakasyon sa Pilipinas ang mister ni Eula Valdes na si Richard Litonjua mula sa Australia. Ayon sa aktres, "Mas mura kung siya ang uuwi kesa tatlo kaming pupunta dun."

Mas convenient nga naman kung si Richard ang uuwi dito sa Pilipinas kesa sila ng mga anak niyang sina Miguel at Juliana ang pupunta sa Australia, kung saan nagtatrabaho si Richard.

"Hindi ko alam kung gaano siya katagal dito pag-uwi niya. Pero yun ang hinihintay niya, yung go-signal lang ng boss niya. Ang trabaho niya, five days a week. Ginagawa niyang straight ng I think 25 days na walang break para makakuha ng bakasyon," kuwento ni Eula sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

NOT A PERFECT MARRIAGE. Mahirap ang sitwasyon nilang mag-asawa, at aminado si Eula na hindi perpekto ang kanilang relasyon.

"Hindi naman kami okay na okay," sabi niya. "Pero sa akin, okay lang kami, hindi perfect. Wala namang perfect. Ayokong magsalita na sobrang intact kami tapos biglang hiwalay na pala. Kung ano lang yung nakikita ko, 'eto lang."

Kumusta naman ang finances nila?

"Okay ako. Kapag nandito siya, siya yung gumagastos. Kapag nandun kami [sa Australia], siya yung gumagastos. Pero ayoko din namang manghingi lagi sa kanya kasi nagbabayad siya ng bahay."

Ayon kay Eula, may biniling bagong bahay si Richard sa Australia.

Gaano katagal ang set-up nila na nasa Australia si Richard at si Eula naman at ang mga bata ay nandito sa Pilipinas?

"Okay lang," sambit ni Eula. "Sa ngayon kasi, ayokong magplano kung ano yung gusto kong mangyari sa amin. Kasi sa ngayon, gusto ko pang magtrabaho dito; siya doon. Ayokong makialam na, 'Uy, dito ka na muna!' I'm sure hindi din niya masabi na doon na ako kasi ayoko.

"Dati, madalas siyang umuwi, four times a year. Ngayon, mga twice a year. This year, hindi pa; ngayon pa lang July."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since 2003 pa raw ang ganitong set-up nila.

Bakit dumalang ang uwi ng mister niya? Hindi ba siya nag-aalala?

"Mararamdaman mo naman yun kung may something. Kampante ako, or if ever meron, e, ano ngayon?" natatawang reaksiyon ni Eula.

Tanggap ni Eula ang set-up nila ng mister niya?

"Oo," sagot niya. "Kasi ako, free-spirited ako; siya din naman. Nanggaling ako sa sakal na relasyon. Kaya hindi ako selosa."

Pero ayon pa rin sa aktres, "Siyempre madaling sabihin yun ngayon, di ba, kasi hindi pa nangyayari? Hindi ko alam kung iiyak ako o gugupitin ko yung buhok ko, o whatever. Di ba, ganun yung ibang babae, pinagdidiskitahan yung buhok?

"Sa ngayon, okay ako. Ang sa akin, kapag nangyari yun, baka hindi kami. Alam ko, kapag nangyari yun, merong dadating na tamang tao for me, tamang happiness. Detour lang 'yan.

"Yun yung sa akin, na baka kailangang dumating itong taong ito para umabot ako sa lugar na yun. Ganun na akong mag-isip ngayon. Dati kasi, sobrang idealistic ako. Hindi pala ganun, e. 'Tsaka mas magaan na ganun, hindi na ako nag-e-expect. Makuntento ka sa sarili mo kung ano yung dumadating na blessings sa 'yo. Mag-thank you ka, di ba?"

STILL FRIENDS WITH HER EX-HUBBY. Sa ngayon, magkaibigan sina Eula at ang dati niyang asawa na si Ronnie Quizon.

"Alam mo, minsan ilalabas niya si Miguel [anak nina Eula at Ronnie]. Tapos ako, pupunta din ako ng ATC [Alabang Town Center], kasi ATC din lang naman sila pumupunta, e. Nag-uusap kami sa gitna ng ATC, habang si Yanna [o Juliana, anak nina Eula at Richard], naglalaro dun.

"Sabi nga ni Miguel, 'Mama, mas okay kayong magkaibigan ni Papa!' Ang maganda kay Miguel, sobrang open, ilang taon siya nung naghiwalay kami ng tatay niya. Pero mas okay sa kanya na ganun yung set-up namin. Kesa nga naman palagi kaming nag-aaway ng tatay niya," lahad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Busy rin si Eula sa kanyang showbiz career, lalo pa nga't nagkasunud-sunod ang projects niya for GMA 7. Magtatapos na nga ngayong Biyernes, June 5, ang kinabibilangan niyang teleserye na All About Eve.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN