Felix Roco stars in two socio-political indie movies

"Para sa akin, it's an eye-opener din, e. Also, it's my way to show the people what's really happening in the Philippines right now, tulad sa Davao, di ba? Okey na rin, na I get to show what's happening through my craft," says Felix Roco about being part of socio-political movies.


Bilang artista, hindi naging mahirap ang pagpasok sa local showbiz ni Felix Roco—pati ng kakambal niyang si Dominic—dahil anak sila ng premyado at respetadong veteran actor na si Bembol Roco.

Nagsimula bilang bini-build-up na matinee idols—una sa ABS-CBN, then sa GMA-7—ngayo'y tila mabilis ang takbo ng mga pangyayari. May kanya-kanya nang pinatutunguhan ang pagiging artista nina Felix at Dominic, who are into more mature and serious roles.

Tulad ni Felix, na isa sa mga bida ng Engkuwentro by debuting director Pepe Diokno, isang independent digital movie para sa 5th Cinemalaya Film Festival (July 17-29) sa CCP.

"I play the role of Richard; ako yung batang hinahanap ng mga pulis," banggit ni Felix sa PEP (Philippine Entertainment Portal) of his character's identity sa nasabing indie project. "May ka-love team po ako dun, si Eda Nolan. Engkuwentro is about yung [mga] vigilante sa Davao."

VIGILANTE. Pagkasabi pa lang ni Felix ng tungkol sa "vigilante," agad ngang maaalala ang matitinding ulat tungkol sa mga engkuwentro sa pagitan ng mga sundalong CAFGU at rebeldeng NPA sa Davao at karatig-bayan sa katimugan; sa mga problemang hinggil sa umano'y "pangingikil at pangha-harass" ng mga rebelde sa mga residente upang huwag sumuporta sa mga proyektong pampamahalaan.

Tulad noong mid-'80s, ang problema sa dakong 'yon ng ating bansa ay nagpapatuloy sa kabila ng pagkakaroon ng bagong pamahalaan, matapos ang 1986 People Power revolution. Ito nga ang naging paksa ng pelikulang Orapronobis (Fight For Us) ni Lino Brocka noong 1988, kung saan gumanap bilang isang "satanic" rebel ang ama ni Felix na si Bembol, alyas Kumander Kontra.

"Mas brutal 'yon," saad ni Felix.

Pero dito raw sa Engkuwentro, tulad sa ginampanan noon ng tatay niya, "Sobrang sama ko [rin] dito. It's the first time I did this kind of role, na sobrang sama!

"Okey lang, kasi it's the first time. Big challenge para sa akin. Ang tagal ng rehearsals namin dito. We're doing it like a stage play. Yung rehearsals, inabot ng one month; the whole movie, we did it like a stage play," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

His role in Engkuwentro is Felix's second major role, following last year's UPCAT by Roman Carlo Olivares.

DESAPARECIDOS. Felix's other indie movie, also slated for release this year, is Dukot, directed by Joel Lamangan.

"It's about extra-judicial killings, grabe din. At tungkol din sa mga desaparecidos," o yung mga hindi maipaliwanag na kaso ng involuntary disappearance, sabi ni Felix.

Sa mga nabanggit na projects, makikitang hindi nalalayo sa mga pelikulang napagkilanlan sa kanyang actor-dad ang kinasasalihan ngayon ng batang Roco. Hindi naman daw siya dinidiktahan ng kanyang ama sa pagpili ng gagampanang papel.

"Natitiyempo lang," ani Felix. "At para sa akin, it's an eye-opener din, e. Also, it's my way to show the people what's really happening in the Philippines right now, tulad sa Davao, di ba? Okey na rin, na I get to show what's happening through my craft."

BEMBOL AND DOMINIC. Si Dominic Roco, na kanyang twin brother, ay abala rin sa paggawa ng pelikula, sabi ni Felix.

"He's doing a movie with Vic Sotto," aniya.

How about his dad, kumusta naman?

"Okey naman, he's doing a stage play," ani Felix.

Noong isang taon ay tampok si Bembol Roco bilang Padre Damaso sa critically-acclaimed play na Noli At Fili (Mil Dos) ni Dr. Nicanor G. Tiongson, para sa PETA (Philippine Educational Theater Association).

Mula sa ABS-CBN bilang Star Magic discovery, lumipat ng istasyon at ngayo'y nasa GMA-7 pa rin ang kambal na young actor—o kung hindi pa man sila natuloy sa binabalak na pagpapa-release sa kontrata.

May mga obserbasyon ngang maging sa nilipatang tahanan ay tila "hindi naalagaan" nang husto ang sana'y promising career ng kambal. Tungkol dito'y walang maapuhap sa kasagutan si Felix Roco.

"Ewan ko, choice naman nila 'yon, e," may lungkot sa tinig ng aktor sa pagsasabi nito.

At ano ang inaasahan niyang positibong mangyari, after Engkuwentro and Dukot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko, pana-panahon lang 'yon. Sana makilala na ako ng mga tao," wika ni Felix sa pagtatapos ng interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN