PART 2: Jolina Magdangal is dating again after breakup with ex-boyfriend

"Sa akin lang, life is short. Bakit ka ba magpapakatagal na single ka, na malungkot ka? Sa akin, kung kailangan mong mag-let go, mag-let go ka na," says Jolina Magdangal.


Kumusta na ang puso ngayon ni Jolina Magdangal?

"Okay, masaya ako," maikli niyang tugon.

Pero ready na ba siyang umibig muli after her relationship with Bebong Muñoz ended?

"Oo, kasi feeling ko... Pero hindi ko sinasabing si Marvin [Agustin] ha, hindi ko rin sinasabi na hindi siya. Sa akin lang, life is short. Bakit ka ba magpapakatagal na single ka, na malungkot ka? Sa akin, kung kailangan mong mag-let go, mag-let go ka na."

Kailan niya naramdaman na naka-let go na siya? Ilang buwan bago siya naka-move on?

"Hindi ko binilang, e. Basta naramdaman ko na lang na okay na ako. Ang alam ko, naka-move on na ako. Kasi nagagawa ko nang magsalita ngayon. Hindi biro yung eight years namin, pero hindi ko na pinatagal na magpakamukmok pa. Lagi ko na lang pinagpe-pray na sana okay na rin siya [Bebong]."

Ever since, hindi niya sinabi ang cause of breakup nila ni Bebong. Pero ano nga ba ang dahilan?

"Personal po," iwas pa rin ni Jolina. "Kaya lang po ayoko nang idetalye pa. Sinimulan ko na hindi ko sinabi, ayoko naman na porke't naka-move on, tsutsuktsak ka na ng kung anu-ano. Kumbaga, yung respeto na ibinigay ko sa kanya noong una pa lang, forever na yun."

Mutual ba ang breakup nila o siya ang nakipag-break?

"Mutual po," sagot niya.

Nagpaparamdam pa ba si Bebong? Nami-miss niya pa ba ito?

"Hindi na kami nag-uusap, e. Kasi feeling ko, hindi ka makaka-move on kung may communication pa rin, o kaya pag nami-miss mo. So, iniba ko talaga yung utak ko, iniba ko yung sistema ko. And may mga nagpaparamdam na rin sa aking ibang tao. Nakikipag-date naman ako."

So, kahit friends, hindi na sila puwedeng maging magkaibigan?

"Ang paniniwala ko kasi sa isang relationship, kapag naghiwalay kayo, tapos nagkaroon na siya ng bagong partner, nagkaroon na ako ng partner, puwede kayong maging friends. Pero hangga't single kayo, tapos naging friends kayo, hindi kayo makaka-move on. Ako, ha, para sa akin, ang galing ng mga gumagawa nun. Pero para sa akin, magkaka-communicate kami na parang magkaibigan na lang, siguro kapag nagkaroon na kami ng sari-sarili naming buhay," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, blessing in disguise ba na nag-break sila ni Bebong dahil baka magkaproblema sila after nilang maikasal?

"Ayokong isipin na blessing in disguise o, 'Ay, sayang naman.' Inisip ko na lang may bago na akong chapter ng buhay na kailangan kong harapin. Ayoko na lang manghinayang. Ang iniisip ko, para mabuhay ako nang masaya, ginawa ni God lahat."

DATING A NEW GUY. Inamin na nga ni Jolina na nag-e-entertain na ulit siya ng manliligaw ngayon. Nakikipag-date na raw siya ulit.

"Ang rason ko kasi kung bakit nag-start ako ulit mag-entertain, dahil maigsi nga lang ang buhay. Ayoko nang magmukmok pa. At saka 30 na ako. Pero hindi naman ako nagmamadali na kailangan makahanap agad ako. Dahil gusto ko na lang na... Ang sarap maging happy e, di ba? Masyado ka pa bang magpapakalungkot na single ako? Kawawa naman ako. Hindi, e. Nilubos ko na yung pagmu-move on ko. Ayokong nang patagalin pa ng ilang months."

So, gusto na niyang palitan agad si Bebong kaya nagpapaligaw na siya ulit?

"Sabi ko nga, hindi biro yung eight years namin. Pero hindi naman reason yun na magmumukmok ka na lang. Hindi naman ako tumatanggap ng manliligaw ngayon dahil gusto ko na agad na may kapalit. Hello, hindi naman ganun yun! Ang iniisip ko lang, gusto ko namang maging masaya ang buhay ko."

Showbiz or non-showbiz ba ang bago niyang ka-date ngayon?

"Hindi siya artista, pero basta," maikling sabi ni Jolina.

Kinulit pa rin ng PEP si Jolina na mag-reveal ng konti pa tungkol sa bago niyang manliligaw. Kung hindi siya artista, ano ang line of work niya?

"Sa music."

Singer ba siya o composer?

"Basta."

May maaasahan bang collaboration nilang dalawa in the future?

"Bakit hindi?" sagot ni Jolina. "Alam n'yo kasi, para sa akin, pag meron kayong sa tingin n'yo puwedeng pagsaluhan ng talento o pagsaluhan ng mga bagay-bagay na pareho kayo ng interes, bakit hindi, di ba? So, why not?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, can we say na they're playing good music together?

"Para sa akin, puwede kong sabihin na masaya ako. Masaya rin ako dahil feeling ko, mas close ako sa family ko ngayon. At saka talagang pinag-iigihan ko yung pag-alaga sa kanila. Ako pa yung nagre-ready ng dinner nila. In a way, nagkulang kasi ako, e. Basta nagkaroon ng time na hindi ko naparamdam sa kanila yun. At ngayon, more than anything else, yun ang ikinasasaya ng puso ko na super, super close na kami ngayon."

Approve ba sa daddy at mommy niya ang bago niyang manliligaw ngayon?

"May respeto, e. May respeto sa kanila. Ako naman, ang tingin ko, sa family naman basta may respeto yung tao hindi naman nila sinasarado. At saka ang alam ko, sina Mommy kasi, o kahit sinong magulang siguro, may instinct sila, e."

HAPPY FOR JUDAY. Hindi ba siya naiinggit kay Juday na naunahan pa siyang magpakasal?

"Hindi, kasi feeling ko, pana-panahon 'yan, e. Panahon na niya, e. Okay lang. Yun ang itinadhana sa kanya. Ako, eto ang itinadhana sa akin. And feeling ko, kapag nakakita ako ng tao na makakasama ko nang panghabambuhay, yun talaga ang nakatadhana sa akin. Basta happy ako for Juday na finally natagpuan na niya yung para sa kanya—si Ryan [Agoncillo] nga. Kitang-kita naman ng lahat na masaya sila sa isa't isa, e."

Speaking of Juday, matutuloy pa ba yung sequel ng movie nilang Quija?

"Hinihintay ko pa po. Wala pa pong balita. Pero alam ko kasi, two-part yun, e. Pero hindi ko pa sure. Sabi nila inaayos na nila yung istorya."

Kung si Juday ikinasal na, siya naman, kailan niya gustong magpakasal?

"Sa 2011, kahit wala pang groom!" pabirong pagtatapos ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN