Aljur Abrenica's legal counsel says complaint against the actor is "a case of misunderstanding between two teenagers"

Young actor Aljur Abrenica has yet to make his own statement about the complaint filed against him by a 15-year-old girl he met at Puerto Galera last Holy Week.


Hindi pa nagsasalita ang 19-year-old actor na si Aljur Abrenica tungkol sa reklamo na pambabastos ng isang dalagita na nakilala niya sa Puerto Galera noong Holy Week. Pero nakakuha ang PEP ng statement mula sa kanyang legal counsel na si Atty. Minerva "June" Ambrosio.

Narito ang pahayag ng abugado ni Aljur:

"Based on the information gathered so far, the controversy involving Aljur Abrenica and the complainant appears to be a case of misunderstanding between two teenagers, nothing remotely romantic or sexually predatory as initially reported.

"Aljur is constantly careful in his dealings with his fans, always upholding the highest standards in gentlemanly behavior, moral values and ethical conduct, as instilled in him by his parents and further honed by his home studio.

"Aljur will leave today [June 4] for U.S. to fulfill his commitments that had been made long before this controversy. Upon his return, he will immediately attend to and clear the matter."

Ang tinutukoy na commitment ni Atty. Ambrosio ay ang celebration ng Philippine Independence Day sa Los Angeles, California.

Matatandaang nagtungo sa Protection against Violence for Women and Children Division ng NBI (National Bureau of Investigation) noong June 2 ang dalagita at ang kanyang ina upang pormal na ihain ang kanilang reklamong acts of lasciviousnes laban kay Aljur.

Ayon sa affidavit ng complainant, nakilala niya si Aljur sa Puerto Galera beach noong Holy Week kung saan daw naganap ang "morbid sexual incident."

Hindi malinaw kung ilang taon na talaga ang dalagitang nagreklamo kay Aljur. May report kasi na 13 years old lamang ito, at meron namang nagsasabi na 15 years old na. Pero nang subukang alamin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang totoong edad ng dalagita sa tanggapan ng NBI, sinabi ng aming nakausap na "confidential" daw ang impormasyong ito.

Pinabulaanan ni Aljur ang paratang sa kanya sa nauna nitong panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong May 7. Ayon sa StarStruck Batch 4 winner:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawang araw po kami doon [sa Puerto Galera]. Kasama ko po ang barkada kong sina Moymoy Palaboy, at na-meet namin ang barkada nila [ng dalaga]. Ang alam nga namin, mga promodizer [promo girls] sila dahil may ibinebenta silang mga products doon. Dahil maliit lang naman ang Puerto Galera, sa two days na nandoon kami, lagi kaming nagkikita-barkada ko at barkada nila. Pero hanggang doon lang po 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN