15 times Karen Davila, Manny Pacquiao hit a standoff in tough Q&A

Feb 22, 2016
<p>Karen Davila asks Manny Pacquiao: "Since you're quoting from the Bible, ang tanong ko, are you saying na lahat ng LGBT will go to hell as well? Do you believe that too?" </p>

Ginisa nang husto ng news anchor na si Karen Davila ang senatorial aspirant at Sarangani representative na si Manny Pacquiao.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na posisyon ni Manny na “mas masahol pa sa hayop” ang pagpapakasal ng dalawang taong pareho ang kasarian o mas kilala sa tawag na same-sex marriage.

Sa February 17 episode ng Pasado Sais Treinta, radio program sa DZMM, hindi pinalampas ni Karen ang pagkakataong usisain ang detalyadong pananaw ni Manny tungkol sa usapin ng same-sex marriage, pati na rin ang mga karapatang ipinaglalaban ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Kasabay nito ay tinanong ni Karen si Manny kung nangangamba ba ang senatorial candidate na mabawasan ng malaki ang kanyang boto dahil sa na-offend nitong LGBT community.

Tanong pa ni Karen, hindi ba nagiging “judgmental” ang dating ni Manny dahil sa kanyang opinyon sa naturang isyu.

Ngunit sa kabila ng kinahaharap na kontrobersiya, nanindigan si Manny na hindi niya ikokompromiso ang kanyang pananalig sa Diyos para lang makuha ang simpatiya ng mga botante.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Pambansang Kamao, “I don’t want to compromise na pag yung mali okay-han ko na para iboto lang ako. No.

“Kung ganun ang gagawin ko, may hidden agenda ako sa sarili ko na magnakaw ako sa gobyerno.

“Pero itong sa akin, tinatama ko yung gobyerno natin.

“Tinatama ko kung paano maging isang lider.

“Kailangan may desisyon siya at ang desisyon niya tama.”

Narito ang ilan sa mga palitan ng tanong at sagot nina Karen at Manny:

  1. SEPARATION OF CHURCH AND STATE.

Karen: “Naiintindihan kita. Lagi mo kino-quote ang Bibliya. Pero narinig mo na ba ang kasabihan ng separation of church and state? Narinig mo na ba ang phrase na yun?"

Manny: “Opo, pero lagi po nating tandaan, it is impossible for a nation to become successful or to be blessed without the guidance of the Lord.

“That's impossible. It is impossible for a nation to have peace and unity without God.”

Continue reading below ↓
  1. ON SAME-SEX MARRIAGE BEING LEGALIZED ABROAD.

Karen: “Ano ang reaksiyon mo kasi sa Amerika at marami nang ibang bansa sa buong mundo, pumayag na sila sa same-sex marriage. At hindi ibig sabihin nito Manny ikakasal na sila sa loob ng simbahan, ha?

“Ang ibig sabihin ng same-sex marriage, sa ilalim ng batas ng korte, is kapag ikinasal sa isang korte ang isang LGBT couple ay pareho ang benepisyo nila, protektado sila ng batas ng ordinaryong, kumbaga, mag-asawa.

“Kumbaga, walang diskriminasyon ang batas laban sa kanila. Hindi pinipilit na ikasal sila sa loob ng simbahan. Hindi ganun yun.”

Manny: “If we’re talking about marriage, that's sacred. Yung pagiging married napaka-sacred ‘yan at importante sa mata ng Diyos.

“For me, ha, it’s kind of you're insulting God if you’re doing that. Para sa akin. ‘Yan ang understanding ko.

“But I am not condemning them because they are LGBT. Ayoko ng ganun. Gusto ko pantay lahat.”

Continue reading below ↓
  1. LEGAL ADOPTION

Karen: “Naniniwala ka ba na kunwari isang homosexual couple, whether babae sa babae o lalaki sa lalaki, matagal na silang nagsasama, dapat ba silang payagan ng Pilipinas na makapag-legally adopt ng isang sanggol na maituturing nilang sarili nilang anak?

“Naniniwala ka bang dapat ibigay ang karapatan na yun sa kanila?”

Manny: “Ang pag-adopt po, walang problema ‘yan. Pero yung pagiging married po ay napakaimportante po ‘yan sa mata ng Panginoon at kailangan maging sagrado ‘yan at kalooban ng Panginoon.”

  1. FIGHT FOR CIVIL RIGHTS.

Karen: “Ang problema ng marami ng LGBT community ngayon, kapag matagal nang nagsasama at nagkasakit ang isa, ang nangyayari, ni hindi itinuturing ng ospital o ng batas na ang partner niya ay yung kasama na niya nang matagal.

“Tinatawag ang kapatid, ang pamilya—masakit, Manny, para sa partner.

“Or kapag namatay yun. Ang ari-arian ng kasama niya, kahit tatlampung taon na sila, hindi puwedeng maituring na dun mapupunta sa partner.

Continue reading below ↓

“Ano ang masasabi mo sa sitwasyong iyon?”

Manny: “’Yan po ay mahabang diskusyon bago natin mag-oo tayo o hindi.

“Kailangang pag-aralan mabuti 'yan dahil about na 'yan sa mga bagay sa mundo kung saan pupunta o kaninong right.

“Depende na 'yan sa batas na gagawin natin, sa batas ng Pilipinas ibe-base natin 'yan na kailangan pantay din.”

  1. CALLING AS A SENATOR OR PASTOR?

Karen: “Should you be a senator or you should be a pastor? What do you think?

“I mean, with the way... kumbaga, ang mga paninidigan mo ngayon, nababagay ka ba, Manny, sa senado na we are sa 21st century or dapat ba nasa simbahan ka?”

Manny: “Ito po kasi ang kailangan po diyan. Ang kailangan diyan ngayon, sa dami ng problema sa lipunan natin, sa dami ng problema sa government natin, especially yung corruption.

“Ang tanging paraan lamang para ma-resolve ang corruption na ‘yan ay maging godly o mabalik ulit sa godly leaders ang ating bansa.

Continue reading below ↓

“Magiging godly leaders ang lahat ng leaders sa bansa nang sa gayon ay wala ‘yang korupsyon.

“Because if you are a godly leader, you have the fear of the lord [not] to steal the money from the government.”

  1. MANNY’S STAND AGAINST CORRUPTION.

Karen: “So, ang sinasabi mo, kapag nanalo ka, isang bagay ang tiyak, hindi ka magnanakaw?”

Manny: “Kahit ilang libo, ilang milyong batas ipapasa sa parusa diyan sa korupsyon, hangga’t may pagkakataon na magnanakaw na walang makakita, magnanakaw at magnanakaw talaga ‘yan.

“Pero ang isang lider, kapag may takot sa Panginoon, may relasyon sa Panginoon, kahit walang taong nakakita, alam niya ang Panginoon nakatitig sa kanya, nakasubaybay sa kanya na matakot ‘yan magnakaw sa pera ng gobyerno.”

  1. NOT CONDEMNING LGBT.

Karen: “At saka si Tito Boy Abunda kagabi... kagabi, ang sabi niya is common sense also.

“Meaning they will not vote for you. It’s common sense. Binaliktad niya.”

Manny: “Ito lang po ‘yan. Para po malaman nila, sa akin po is pag intindihin [at] ulitin yung interview ko, panoorin [ulit], ang tinutukoy ko po dun yung pag-act.

Continue reading below ↓

“Hindi yung LGBT kinokondena sila. Hindi po ‘yan.

“Ang tanong po dun yung paggawa [ng sexual act]. ‘Yan po ay tinutulan natin.

“Pero yung pagkondena sa mga LGBT, wala po sa bokubalaryo ko ‘yan.

“Wala po sa puso ko ‘yan dahil bawal mag-condemn ng isang tao.”

  1. NOT COMPROMISING HIS FAITH.

Karen: “You are number 8 or 7 sa latest [senatorial] survey. Nangangamba ka ba, Manny, na pag nagsama-sama ang LGBT ay magka-epekto ito sa ranking mo o even sa pagkapanalo mo sa Mayo?”

Manny: “Alam niyo po, I don’t want to compromise naman. Kung ‘yan ang desisyon nila. Pero ipinaliwanag ko yung side ko.

“But I don’t want to compromise my faith and belief to the Lord because I want salvation to my life.

“I don’t want to compromise na pag yung mali ok-han ko na para iboto lang ako. No.

“Kung ganun ang gagawin ko, may hidden agenda ako sa sarili ko na magnakaw ako sa gobyerno.

Continue reading below ↓

“Pero itong sa akin, tinatama ko yung gobyerno natin.

“Tinatama ko kung paano maging isang lider. Kailangan may desisyon siya at ang desisyon niya tama."

  1. ON DIVORCE.

Karen: “Divorce, papayag ka ba?”

Manny: “Ang divorce po ay nasa Bible ‘yan. Sa ngayon po, para sa akin, ang Bible nagsasabi na bawal ‘yang divorce.”

  1. ON DEATH PENALTY.

Karen: “Death penalty para sa drug traffickers?”

Manny: “Papayag ako sa dealth penalty because biblical po ‘yan.

“Yung hindi pa nakakaalam sa bible, basahin nila yung Romans 13:1-7, it is explained properly about the government, yung authority kung paano yung death penalty.”

  1. ON SAME-SEX SEXUAL ACT.

Karen: “Eto, Congressman Manny, habang ini-interview namin kayo, paulit-ulit niyong sinasabi karumal-dumal ang act.

“I think I’ll rephrase it. Ang sinasabi niyo karumaldumal ang sexual act kapag sa same sex.

“Tama ba ang interpretasyon namin, Sir?”

Manny: “Yes, detestable po in God's eyes. Kapag basahin lang natin ang Bible.

Continue reading below ↓

“Bibigyan ko lang sila ng mga bersikulo. If they believe God, if they believe the Bible.

“Leviticus 20:13 and Leviticus 18:22 and 1st Corinthians 6:9.”

  1. LAST JUDGMENT FOR LGBT COMMUNITY?

Karen: “Manny, since you're quoting from the Bible, ang tanong ko, are you saying na lahat ng LGBT will go to hell as well? Do you believe that too?”

Manny: “Hindi po ako believe that lahat ng LGBT going to hell. Ang sinasabi ko po yung paggawa.”

  1. "HARSH" STAND ON SAME-SEX SEXUAL ACT.

Karen: “Kasi you are quoting Leviticus. Nabasa ko ‘yan. Napaka-harsh ng Leviticus, Manny, ha.”

Manny: "Kahit po diyan sa New Testament. Hindi lang Leviticus, 1st Corinthians 6:9, nandiyan po ‘yan.”

  1. IS MANNY BEING TOO JUDGMENTAL?

Karen: “Sa mga nakikinig ngayon, marami siguro ang pananaw nila, you are being judgmental. Ang tanong is papel mo ba to be the one to judge? Is that your role?”

Manny: “No. Alam niyo po, gusto ko po ipaalam sa kanilang lahat, sino po ako para manghusga ng tao?

Continue reading below ↓

“Makasalanan din ako katulad ng ordinaryong tao na makasalanan.

“But I am telling the truth. Kung ano pong nakasulat sa Bible, sundin po natin if we really believe that.

“Sa akin is based on the Bible, based on the word of God. Because I believe God, I must obey the word of God.”

  1. STAND ON SAME-SEX MARRIAGE.

Karen: “Humingi ka ng tawad kahapon. Sinabi mo ayaw mo makasakit, mali na ikinumpara mo as hayop ang LGBT.

“Pero ngayon sa interview natin, sinasabi mo na nagsasabi ka lang ng totoo. Ano ang totoo? What do you mean, Manny?”

Manny: “Ang sa akin po, iyon ang opinyon ko. Mahaba po ang explanation ko dun.

“Hindi ako nagsasabi na ang LGBT, kino-condemn ko sila.

“Ang sinasabi ko lang po, yung gagawin na karumal-dumal in the eyes of God.

“In fact, may mga pamangkin ako na bakla. Hindi ako nagkokondena ng bakla.

“Actually, dito sa amin, suportado ako ng LGBT dito. Alam nila ang ugali ko.

Continue reading below ↓

“Ang sinasabi ko, yung paggawa ng masama against God.

“Yun ang ayaw na ayaw ko na payagan na magpabor ako. Sana maintindihan nila.

“Kung nasaktan man sila sa paggamit ng example na hayop sa tao... pero hindi ko po sinabi na binago ko yung desisyon ko na pabor na ako.

“Manatili pa rin ang desisyon ko, yung kalooban ko, yung katotohanan kung ano ang kagustuhan ng Diyos.”

Read Next
Read More Stories About
2016 elections
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Karen Davila asks Manny Pacquiao: "Since you're quoting from the Bible, ang tanong ko, are you saying na lahat ng LGBT will go to hell as well? Do you believe that too?" </p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results