Kian Kazemi unaffected by Cristine Reyes's turn-off about his public announcement

"I am living the good life right now. Wala akong complaints. My world is my catalogue. Motto ko 'yan. Kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko, nangyayari na. Unfolding lahat, one way or another," says Kian Kazemi.


Nasangkot sa intriga ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Kian Kazemi nang siya'y maakusahan ni Cristine Reyes na ipinaaalam muna sa press ang balak niyang panliligaw sa young actress. Hindi naging maganda ang reaction ni Cristine dito.

"It doesn't affect me," ani Kian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi naman kailangang makasagabal sa akin ang ganoon. It's a waste of time if I dwell on something na hindi naman worth it. For me, no harm, no foul. Wala akong masamang ginawa. Wala rin siyang ginagawang masama. kanya-kanya lang kami ng buhay.

"I am living the good life right now. Wala akong complaints. My world is my catalogue. Motto ko 'yan. Kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko, nangyayari na. Unfolding lahat, one way or another."

Naniniwala si Kian na ibibigay ng Diyos ang talagang nararapat sa kanya. Hindi raw niya kailangan ang intrigang nagsasangkot sa kanila ni Cristine, kaya dinededma na lang niya.

KIAN'S PASSIONS. Operational na ang Persian Grill branch, ang family business nina Kian sa SM Megamall, at lagi siyang naroroon.

"Happy ako dahil second branch na namin yung nasa Mega. Then yung original na nasa Makati, nandoon pa rin. 'Tapos, may dalawa pang bagong branches na itinatayo. Mayroong isa sa Greenbelt 5, and the other is near ABS-CBN, sa Sky Garden na bagong concept mall or building ng SM," kuwento ni Kian.

Hobby lang ba kay Kian ang pag-aartista? Mukhang mas naka-focus siya sa kanilang family business.

"Masaya rin ako kasi nagagawa ko yung gusto ko. The passion to eat, and at the same time, the passion to act.

"I love to bring smiles on people's faces. Kaya gusto ko rin ang acting at hosting. Being a celebrity, you bring joy naman to people. Kung napapatawa ko sila o napapaligaya, malaking bagay na sa akin yun. I want to be remembered as somebody who can brighten your day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Kian sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers ng ABS-CBN, at sa teleseryeng Tayong Dalawa. Naka-hang pa rin ang Habang May Buhay at The Weddings. Napapanood din si Kian sa travel show na Trip na Trip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN