Character actor Jim Pebanco is happy to portray different gay roles

"Sila ang mapupunta sa impiyerno! Yung mga nagsasabi na mapupunta ang mga bakla sa hell!" says Jim Pebanco.


Ang character actor na si Jim Pebanco ay si Mama Orange sa Heavenly Touch, ang latest digital-indie feature na dinirek ni Joel Lamangan. Gay si Mama Orange, at ina-inahan ng mga lalaking nagtatrabaho sa massage parlor, ang Heavenly Touch (hence, the movie's title).

As film, Heavenly Touch explores the gay milieu. Set in one of the capital city's steamy massage joints, hindi lang isa kundi maraming masahista at ang kani-kanilang buhay bilang taga-masahe ng mga baklang parokyano ang tinatalakay ng kuwento. Produced by DMV Entertainment, kabilang sa gumanap ang mga baguhang sina Paolo Serrano, Marco Morales, at Joash Balejado, with Irma Adlawan as Joash's "nanay."

Bilang si Mama Orange, na mother figure ng kanyang mga alaga, simple lang ang naging pag-atake ni Jim sa role. Hindi siya karaniwang mamasan na mabunganga at malupit; mapagkandili at mapagsilbi siya sa mga alagang masahista, gayundin sa police officer (Jeffrey Santos) na nagbibigay-proteksiyon sa ilegal na negosyo.

"Buhay siya. Gano'n kumilos ang manager ng masahihan," sabi ni Jim about his role.

Sa isang crucial scene, towards the ending, ipinakitang nakahandusay ang matabang pulis, matapos ang engkuwentro nito with some of Mama Orange's masseurs, who turned up against their manager's boyfriend and protector. Naupo si Mama Orange sa sahig, niyakap ang duguang katawan at hinalikan sa lips si Jepoy; tumutulo ang luha ng dakilang mamasan.

Hitsura ba ng mag-ina sa Pieta?

"Gay version ng Pieta!" natawa na lang si Jim.

HAPPY AND GAY. Sa Aishite Imasu, binabaeng sumapi sa mga gerilyang Pinoy ang role ni Jim; sa Death Row, bading na jail inmate; at mamasan sa Heavenly Touch. Si Joel Lamangan ang nagdirek ng lahat ng pelikulang tampok si Jim bilang gay.

"Oo nga. Iba-ibang degree ng kabaklaan, at iba-ibang hitsura," pagsang-ayon ni Jim.

Dagdag niya, "Happy naman ako. Makulay ang gay roles."

He never worries na baka ma-typecast siya into playing gay in movies. O, hindi ba siya nag-iisip na baka "gay" na rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot ni Jim.

Gusto raw niyang mag-portray ng isang killer gay, for a change.

"Madaming macho gays na perverts," ani Jim. And it interests him to study their personalities, or explore their psyche.

"Sabi ni Direk [Joel Lamangan], magaling daw ang trabaho ko sa movie," banggit ni Jim.

Pero sa opinyon namin, may naging matinding kalaban si Jim Pebanco sa role ng bading, mula sa Nora Aunor-impersonator na gumanap bilang isa sa customers sa Heavenly Touch.

Kahawig ni Lady Guy ang impersonator, na Norang-Nora ang boses at pagsasalita, pati mannerisms na naging katawa-tawa na sa publiko; lalo pa't nagda-dialogue ito ng mula sa mga memorable lines ng pelikula ni Ate Guy, tulad ng "Hayuup! Hayuup!" (mula sa Ina Ka Ng Anak Mo ni Lino Brocka), pero nagkukuwento ng kung paano siya ninakawan ng iba't ibang appliances (pati ng men-to-men DVDs) ng ex-boyfriend who turned out to be also gay.

At ang height ng "drama" ng Ate Guy-impersonator, expired gift checks ba naman ang ipinambayad sa kawawang masahista, para sa serbisyo nito!

"Siya ang pinakamatandang Guy impersonator," sabi ni Jim sa nag-guest appearance, who almost stole the scene (and viewers' laughter) from him.

EQUAL RIGHTS. On the more serious side, tinanong namin ang seasoned character actor ng kanyang views on several gay issues na pinaninindigan at ipinaglalaban pa rin ng mga gays.

"Dapat talaga may equal rights ang gays sa society," sabi ni Jim. Tinutukoy niya ang tungkol sa maraming legalidad na hindi nabibigyang-karapatan ang self-identified gays, na mayroon ding iniingatang propesyon o negosyo, o makabuluhang ugnayang personal.

Tulad ng same-sex marriage, na hindi pa rin pinapaboran ng estado at simbahan.

"Okay sa akin ang same-sex marriage," aniya.

Hindi nga ba't matindi ang pananalita ng ibang anti-gays, na kesyo ang mga "binabae o bakla o bading o homo o gay" ay "mapupunta sa impiyerno" dahil labag diumano sa utos ng Diyos, o sa Bibliya, ang mga hindi heterosexual?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila ang mapupunta sa impiyerno! Yung mga nagsasabi na mapupunta ang mga bakla sa hell!" nakakatuwang pagkontra ni Jim.

SEX-VIDEO SCANDAL. Hindi type ni Jim na "makisakay" sa pinagpipistahan ngayong isyu tungkol sa sex-video scandal nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho. Pero tila may simpatiya pa rin ang aktor kay Katrina na aniya'y nakasama na niyang gumanap sa isang episode ng Obra drama anthology for GMA-7.

Kung dapat ba o hindi dapat na magpatuloy sa showbiz si Katrina matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ay ganito ang pahayag ni Jim: "Puwede pa rin siyang magpatuloy, tulad noon sa kaso ni Vivian Velez. Look at her, mas humusay pang aktres after the scandal," palagay ni Jim.

Nasangkot din si Vivian sa video (betamax) scandal in the '80s, pero hindi masyadong pinagpistahan, di tulad ng kay Katrina.

Kasama rin si Jim sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN