Arci Muñoz reprises Cherie Gil's role in TV remake of Ngayon at Kailanman

"Nagtanong kasi ako kung sino pa ang pinagpilian aside from me. Sabi nila, wala raw. Ako lang daw ang nabanggit kasi bagay daw sa akin ang mga gano'ng role. Natuwa talaga ako because favorite ko talaga si Ms. Cherie Gil. For me, she's the ultimate kontrabida na hinahangaan ng maraming tao," says Arci Muñoz.


Malaking hamon para sa StarStruck 3 Avenger na si Arci Muñoz ang papel na Donna Benitez sa bagong GMA Sine Novela na Ngayon At Kailanman. Unang-una ay si Ms. Cherie Gil ang orihinal na gumanap sa naturang role sa movie version nito, kaya proud na proud si Arci na sabihin na siya ang first choice ng GMa-7 para sa naturang role.

"Natuwa ako when they said na wala silang ibang nakitang puwedeng gumanap sa role na 'yon kundi ako," sabi ni Arci sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Enteratinment Portal). "Nagtanong kasi ako kung sino pa ang pinagpilian aside from me. Sabi nila, wala raw. Ako lang daw ang nabanggit kasi bagay daw sa akin ang mga gano'ng role. Natuwa talaga ako because favorite ko talaga si Ms. Cherie Gil. For me, she's the ultimate kontrabida na hinahangaan ng maraming tao."

Napatunayan naman na ni Arci ang kanyang kakayahan bilang character actress sa mga nilabasan niyang mga drama series sa GMA-7—Bakekang, Princess Charming, Ako Si Kim Samsoon, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Maging Akin Ka Lamang, Saan Darating Ang Umaga, at SRO Cinemaserye Presents Ganti.

"Marami nga ang nagsasabi na it's the way I use my eyes sa mga eksena, lalo na kapag nagtataray ako. Kahit na raw hindi ako nagsasalita, my eyes say it all. 'Tsaka I get pointers naman from the veteran stars na nakakatrabaho ko. I also watch yung mga old movies to get some characterization. Plus, I have theater background kaya I know how to express myself through facial and body movements," saad niya.

Marami ang nagsasabi na puwede niyang lamunin ang bida sa Ngayon at Kailanman na si Heart Evangelista. Galing na nga mismo kay Heart na nagagalingan siya sa acting ni Arci.

"Talaga? I feel so flattered," sambit ni Arci. "Galing na pala 'yan mismo kay Heart and nakakataba naman ng puso. Nag-shoot na kami ng ilang scenes together, pero hindi pa 'yon yung nakakatensiyon na eksena. Simpleng mga scenes pa lang, pero nandoon na yung subtle na pagtataray ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong intention na sapawan si Heart. Siya ang bida ng series at ako ay kontrabida niya. But I will do what my role requires me. Trabaho lang ito at walang personalan, di ba?"

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa eksenang bubuhusan ni Heart si Arci ng isang timbang gatas ng baka. Isa kasi 'yon sa highlight nila Sharon Cuneta at Cherie Gil sa movie version ng Ngayon at Kailanman.

"My gosh, oo nga pala, may buhusan ng gatas!" bulalas ni Arci. "I saw the movie at natawa ako sa eksenang 'yon. Hindi pa naman nakukunan 'yon, pero ready na ako sa anumang ipagawa sa amin ni Heart. Just as long as malinis ang gatas, okey sa akin na mabuhusan!"

INTIMATE SCENES WITH JC. Nakunan na rin daw ang una sa intimate scenes ni Arci with JC de Vera sa naturang afternoon series. Ikinuwento ni Arci sa PEP na sa unang taping day niya with JC, isang eksena agad sa kuwadra ng kabayo sila kinunan ni JC.

Pero medyo tame pa raw ang eksenang 'yon na kinunan ni Direk Mike Tuviera. Wala nga raw halikan masyado at puro yakapan lang daw muna.

Inamin ni Arci na kinabahan siya sa eksenang 'yon with JC. Matagal na raw niyang kilala si JC, pero never pa raw nilang nagagawa ang gano'ng eksena.

"It's my first time to do such a scene kaya I got nervous din," sabi niya. "Pero magkakilala naman kami ni JC and we talked muna before shooting the scene. Nakadamit naman ako at si JC yung walang pang-itaas. It was just hugging and feeling each other muna. Wala namang kissing pa."

Hindi lang daw 'yon ang magiging eksena nina JC at Arci. Marami pa raw silang kukunan na gano'ng maiinit na eksena.

"Yun ang sabi nila kaya kami ni JC, natatawa na lang. Sabi nga niya sa akin na mag-practice na kami para take one kami parati! Sabi ko naman, 'Why not?' At least matatawag na kaming pro sa gano'ng eksena!" tawa ni Arci bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN