Marvin Agustin reveals the secret of his successful love team with Jolina

"Yung pagiging natural lang namin ang kinaaaliwan ng maraming tao sa amin. At hindi rin nawala yung pagiging magkaibigan namin. Naintriga na kami, may mga nagsulsol na, may mga nanira na sa amin. Pero intact pa rin ang friendship namin. Yun ang hindi nawala sa amin up to this day," says Marvin Agustin about his partnership with Jolina Magdangal.


Muling masusubukan ang tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa bagong primetime series ng GMA-7, Adik Sa 'Yo, kung saan kasama nila ang bagong tambalan naman nina Dennis Trillo at Jennica Garcia.

Huling nagtambal sina Marvin at Jolina sa I Luv NY noong 2006. Nagkasama ulit sila sa one-month suspense-comedy series na Hooo U? at ang pinaka-latest ay ang Dear Friend, kung saan sila ang hosts.

Natutuwa si Marvin dahil akala niya noon nang mabuwag ang love team nila ni Jolina ay wala nang mangyayari sa career niya. Sa showbiz industry kasi, madalas na kapag may nabuwag na love team, mas sumisikat ang babae kesa sa lalake. Nagpapasalamat si Marvin dahil hindi naman nangyari 'yon sa kanya.

"Honestly speaking, yun ang kinatakutan ko," pag-amin niya. "Noong mawala nga ang tandem namin ni Jolens at lumipat siya rito sa GMA-7, hindi ko na alam ang next na gagawin ko. I was paired naman with different actresses sa ABS-CBN before, pero iba pa rin yung nakasanayan mo nang kasama parati. Kami kasi ni Jolens, parang sabay na kaming lumaki niyan sa iisang bahay. We did many shows and movies together kaya matagal bago ako naka-adjust sa ibang nakapareha ko.

"Until dumating nga ang time na lumipat na rin ako sa GMA-7. Naging Kapuso na rin ako, and Jolens was one of the first people na nag-welcome sa akin. Wala namang pagsisisi dahil hindi lang kami pinagsama ulit ni Jolens, nabigyan pa ako ng magagandang projects that I am really proud of doing," sabi ni Marvin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Adik Sa 'Yo last June 3 sa Oasis Events Place sa Aurora Blvd., Quezon City.

THE SECRET. Marami ang nagtatanong kay Marvin kung ano nga ba ang secret ng tandem nila ni Jolina at marami pa rin ang nag-aabang sa kanila. Ilang taon na rin kasi ang nagdaan, pero iba pa rin ang love team nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang secret talaga," sagot niya. "Siguro marami ang nakaka-miss lang sa mga ginagawa namin ni Jolens. Kaming dalawa kasi kapag magkasama kami, hindi kami nahihiyang magtalo kahit may mga nakakarinig at nakakakita. Inaakala nilang nag-aaway kami, pero gano'n lang talaga kami. Yung pagde-debate namin sa Dear Friend, gano'n na kami ni Jolens noon pang mga bagets kami.

"Natural na kasi sa amin 'yon, e. Nasanay na ang mga taong nakapaligid sa amin na parati kaming may dini-discuss. I remember noong ginagawa pa namin noon ang Gimik, kami ang entertainment ng mga tao sa set kasi parati kaming nagtatalo ni Jolens.

"Si Jolens naman, panay ang kurot, batok at palo sa akin, lalo na kapag kinukontra ko siya. Kapag tahimik kami sa set, doon magtataka ang mga tao. May hinala na silang nagkakatampuhan na kaming dalawa.

"So, yung pagiging natural lang namin ang kinaaaliwan ng maraming tao sa amin. At hindi rin nawala yung pagiging magkaibigan namin. Naintriga na kami, may mga nagsulsol na, may mga nanira na sa amin. Pero intact pa rin ang friendship namin. Yun ang hindi nawala sa amin up to this day."

ADIK SA 'YO. Sa bagong show nilang Adik Sa 'Yo, mapapanood pa rin daw ang kinatuwaan ng marami sa tambalang Marvin at Jolina. Pero magkakaroon na sila ng mga kissing scenes at love scenes.

"For the first time, pumayag na si Jolens na magpahalik sa akin!" tawa ni Marvin. "Sa mga pinagsamahan naming mga TV shows at pelikula, never na nagpahalik sa lips 'yang si Jolens. Gusto niya sa cheeks lang, sa forehead or sa kamay. Never sa lips, kasi nga raw hindi puwede.

"E, ngayon dito sa Adik Sa 'Yo, wala na siyang choice. Gusto ni Direk Joel [Lamangan] na may kissing scene kami, gagawin namin. Gusto ni Direk na may love scene kami, gagawin namin. Mahirap na yung mapagalitan kami sa edad naming ito, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka let's face it, hindi na kami mga bagets ni Jolens. Nasa tamang edad na kami to decide things for ourselves. Ako, nagpaka-daring na ako sa ibang mga TV shows ko and it worked naman. Happy ako that Jolens has finally taken that step. Nabawasan na ang limitations niya. And that will make us all grow into our profession."

Ayaw nang lagyan ni Marvin ng anumang usapan tungkol sa muling pagbabalikan nila ni Jolens in real life dahil may TV show silang dalawa. He will let things flow naturally at kung may nararamdaman pa rin sila ni Jolens sa isa't isa, malalaman naman daw nila 'yon at personal na lang nila itong sasabihin sa isa't isa.

"Mas gusto namin ni Jolens ngayon ay ang magbigay saya sa maraming tagahanga namin. Hindi namin goal ang magkabalikan kami as lovers. We just want a make a good TV show.

"Aware ang lahat na pareho kaming loveless ngayon. Pero we have our own lives now. Hindi namin pinu-focus sa kung magkakabalikan ba kami or magiging kami ba ulit. That will take time. Walang gano'ng pressure sa amin."

FATHER'S DAY. Sa nalalapit na Father's Day, makakasama ni Marvin ang kanyang twin boys na sina Sebastian at Santiago. The usual pasyal daw ang gagawin nila sa mall. Matagal din daw kasing hindi nakakasama nang matagal ang kanyang kambal dahil sa sunud-sunod na trabaho niya.

"I feel guilty kapag family day at hindi ko sila mailabas dahil napapasukan ito ng trabaho. Hindi pa kasi nila naiintindihan na nagtatrabaho ako para sa future nila. Malalaki na sila at lumalaki rin ang gastos, di ba?

"Pero dumarating din ang time na tumatanggi ako sa trabaho dahil alam ko na nami-miss na ako ng mga bata. Kung may sakripisyo akong ginagawa for my kids, may ginagawa rin akong sacrifices sa trabaho ko. Gusto ko balanse ang lahat sa buhay namin," pagtatapos ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN