Pauleen Luna prefers longevity in showbiz over lead roles

"If it lands in front of me, isang big role, I will grab it with all my heart. Lahat naman ng artista, dream nila magkaroon ng solo, e. But then again, I'm very happy na ang dami mong ginagawa. Masaya na rin ako. At ako talaga, hindi talaga ako choosy sa roles. Bigyan mo ako ng trabaho, kukunin ko," reasons Pauleen Luna.


Si Pauleen Luna ang gumaganap na kababayan at girlfriend ni Dennis Trillo sa bagong primetime series ng GMA-7, Adik Sa 'Yo, na magsisimula nang mapanood sa Telebabad block simula Lunes, June 8. Kaya tulad ni Dennis, matigas rin daw ang punto niya rito na mag-Batangueña.

"Ala, e, isa akong Batangueña na gustong maging isang SexBomb dancer. At ako, e, isang irog ni Ruben. Na iniwan ko dahil sa aking pangarap!" natatawang sabi ni Pauleen sa puntong Batangas.

Pero sa tonong normal, sinabi niyang: "Pero babalik din ako sa kanya dahil na-realize ko na he's worth a lot more than the dreams that I have. Kaya dun na mag-i-start ang conflict."

MARVIN AGUSTIN. Ayon kay Pauleen, si Dennis lang daw ang alam niyang love interest niya sa Adik Sa 'Yo. Although, isa rin sa mga bida rito ay si Marvin Agustin, na naging ex-boyfriend ng dalaga.

Sinadya ba ng mga writers na hindi magkaugnay ang characters nila ni Marvin sa Adik Sa 'Yo?

"Ay, hindi ko po alam!" sagot ni Pauleen. "Sa ano na yun, sa production and creative. Kami naman ni Marvin, okay naman kami. Hindi naman kami magkaaway. At saka, ang tagal na rin naman, it's been two to three years. Palagi rin naman siyang nagge-guest sa Eat Bulaga!, we're good friends naman."

Pero siyempre, hindi maiaalis na may nakaraan kasi sila ni Marvin.

"E, bakit naman si [JC de Vera] ngayon, sobrang para kong kabarkada! So, what I mean is, puwede mo pa rin ibalik ang pagkakaibigan despite ng mga nangyari," saad niya.

Mabilis ang naging sagot ni Pauleen sa tanong kung wala na ba siyang napi-feel for Marvin. "Wala na. At siya rin, tingin ko, wala na," nakangiti niyang sabi.

Dagdag niya, "Move on na talaga kami. There are things that better na iniiwan n'yo ng ganoon kesa sa uungkatin pa namin. Sa Adik naman, it's a fun, fun set. Comedy, light, hindi mabigat. Tapos, kasundo ko pa lahat. Kaming lahat magkakasundo kaya walang friction."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZERO LOVELIFE. Zero raw talaga ang lovelife niya ngayon at ibinigay pa nga nito ang mga dahilan kung bakit imposible raw siyang magkaroon ng lovelife.

"'Day, sagutin mo kung paano ako magkaka-lovelife ha? Nagpi-pinch-hit ako sa Unang Hirit, three to four times a week. Nag-i-Eat Bulaga! ako araw-araw. Nagba-Bubble Gang ako. Nag-a-Adik Sa 'Yo ako. At nag-e-SOP ako! At ang dami ko pang raket, so paano ako magkaka-boyfriend? Sige nga?" litanya niya.

Biniro tuloy siyang ang yaman na niya!

Natatawa itong sumagot na, "Siyempre! Para kapag gusto kong mag-retire next year, puwede na! Pero seriously, ang sa akin lang, ayokong tumanggi sa grasya. Kasi, kapag grasya na ang tumanggi sa 'yo, it's not your choice anymore."

Pero ayon kay Pauleen, after naman daw ng naging relationship niya ng mayor ng Valenzuela City na si Sherwin Gatchalian, nag-e-entertain naman daw siya ng mga manliligaw.

"May mga nanligaw, pero wala. Hindi nag-work."

Bakit hindi nag-work? Because of her schedules lang ba or her parents?

"No, not that," sabi niya. "Schedules lang talaga, trabaho. Siyempre, hindi rin niya maintindihan. Non-showbiz siya, e. So, hindi niya maintindihan that you really allot more time to your work."

Hindi niya ba napi-feel na parang may kulang dahil wala siyang lovelife?

"Hindi ko na nga naiisip. 'Pag ano, itinutulog ko na lang," sagot ni Pauleen.

LONGEVITY OVER LEAD ROLES. Matagal-tagal na ring artista si Pauleen magmula nang magsimula siya sa ABS-CBN. Sa Adik Sa 'Yo, hindi pa rin siya maku-consider na lead sa serye. Hindi ba niya naiisip na at this point na dapat ay binibigyan na siya ng lead roles?

"Actually, may nagtanong nga sa akin niyan. Kasi, six years na ako [sa showbiz], e. Ang dami na rin nagtatanong. Tapos na rin ako sa teeny-bopper years ko. Ang sa akin lang, gusto ko, longevity. Gusto ko kasi kahit mabuntis ako, after a couple of years na manganak ako, gusto ko pa rin bumalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then again, if it lands in front of me, isang big role, I will grab it with all my heart. Lahat naman ng artista, dream nila magkaroon ng solo, e. But then again, I'm very happy na ang dami mong ginagawa. Masaya na rin ako. At ako talaga, hindi talaga ako choosy sa roles. Bigyan mo ako ng trabaho, kukunin ko."

Hindi ba siya nakakaramdam ng tampo o ikinukumpara niya ang sarili with other stars?

"Ay, wala," sabi ni Pauleen. "Hindi na natin Itinatanim yung mga ganoon. Ano rin, e, pinasok mo 'tong trabahong ito, so be ready for whatever is given to you—malaki o maliit. Ako, ganoon, e. Blessing comes in all forms and sizes. So, just get it. Hindi ako pumipili ng trabaho."

Pero isa lang daw ang no-no for her: "Huwag lang akong paghuhubarin!"

Ayaw pa rin niyang magpa-sexy o mag-pictorial para sa isang men's magazine.

"Ayaw ng tatay ko!" umiiling-iling niyang sabi. "Malay mo in the future... But no, number one, conservative ang parents ko and my family. Number two, I don't want na, one day, kailanganin ko yung move na yun, nagawa ko na. Kasi, hindi ko pa naman kailangan e.

"Meron talagang switch 'yan, e. After a while, kapag nagsawa na sa pagiging wholesome mo, you'll be needing that. E, kapag nagawa mo na sa pagkakataong hindi mo pa naman kailangan, di ba? At least, meron kang choice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN